Chapter 6

2.8K 59 14
                                    

She decided to stay for a while and chatted with Sam kahit na alam niyang bawal ang kanyang ginagawa.  It is against the rules of Obedience.  Sa kanilang congregasyon, may mga rules na kailangan sundin: Poverty, Obedience at Chastity.  She is doing well with Poverty and Chastity, pero nahihirapan siya sa Obedience.  Kanina, niyakap niya si Zeno, hindi yun pwede sa kanilang congregasyon. She can pray for them  but could not touch or console them.  She could give them consoling words pero hindi pwede ang touch.



Words are not enough to console someone in times of distress.



“Sabi ni father, ikaw daw ang magtuturo ngayon sa Simbahan sa mga bata pansamantala?  So, matatagalan ka sa pagbalik sa kumbento?”  Tanong ni Sam sa kanya.



“Temporary lang naman yun, babalik din ako, hindi muna sa ngayon kasi kailangan pa ako ni Tatay.  Wala ding karamay si Nanay sa pag-aalaga sa kanila.”  Sagot niya.  Tinignan ni Sam ni Elaine at tumingin ito muli sa kawalan.



“Elaine...pwede naman kitang tawagin sa pangalan mo di ba, bilang isang kaibigan.  Hindi ko alam ang gagawin ko.  Hindi ko alam kung maalagaan ko ba ng maayos si Zeno.  Hindi ko alam kung papaano ko gagawin magaan ang lahat para sa kanya.  Si Diana, she always know what to do, she used to do the consoling part.  Elaine, hindi ko alam.”



“S--Mr. Monteverde, just keep praying.  Life is indeed a battle ground.  Alam ng Diyos na malalagpasan mo ito.  Hindi naman niya tayo bibigyan ng problema na hindi natin makakayanan.”  Sabi niya kay Sam.  Pero nakikita niyang nangingilid ang luha nito.  Gusto man niya hawakan ang kamay nito pero pinigilan niya ang kanyang sarili.



“I hope so.”  Maikling sabi nito sabay buntong hininga.



“I will pray for you, Sam, I mean Mr. Monteverde.”  Sabi niya.



“Bakit nagpapakapormal ka sa akin, parang wala tayong pinagsamahan noon ah.  We are still good friends, di ba?”  Tanong ni Sam.



“Oo naman, pero dala na rin ng bokasyon ko.  Kailangan eh.”  Hindi niya masabi na she is trying to stay away from him.  Kahit malapit sila ngayon sa isa’t-isa parang malayo pa din sila at may humaharang na isang malaking pader sa pagitan nila.



“I miss our talks before ka pumasok ng kumbento.”  Sabi ni Sam.



“So, dito pa din kayo titira ni Zeno?”  Inilihis ni Sister Frances ang usapan nila.



“Oo.  Mas gugustuhin yun ni Dee yun.  Alam mo, ang hirap.  I know I should not feel alone, but I really do know.  Minsan napapatanga na lang ako sa mga nangyayari.  Sa’yo nga lang ako nagkapag-open ng nararamdaman ko.  Hindi ako marunong magluto.  Elaine, I really miss Dee.”  Napahawak si Sam sa kanyang ulo gamit ang kanyang dalawang kamay.



“Yan din ang sabi ni Zeno kanina kaya ayaw niya kumain.”



Sacred VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon