Yun ang pinakamasayang araw para kay Zeno since mawala ang kanyang ina at kapatid. Napansin din yun ni Sam. Grateful siya dahil pumayag si Elaine na samahan sila. Medyo naninibago nga lang si Elaine sa pagsama sa kanila sa restaurant. Sa tingin niya nagpapatong patong niya ang mga kasalanan niya sa paglabag sa mga kautusan ng kanilang kongregasyon. She felt guilty at that time. Lalo na nung hawakan ni Sam ang kamay at sa kabila naman si Zeno.
How can a wrong thing felt so right?
“Are you okay, Elaine?” Tanong ni Sam sa kanya.
“Oo. O-Okay lang ako.” Sagot niya. At dumating na ang mga pagkaing inorder nila. Nagulat siya sa dami. May callos, chapsuey, lumpiang shanghai at pansit. Sa kumbento, hindi ganito kadami ang kanilang pagkain, tama para sa kanila, sa kanilang mga madre. Para kay madre superyora, hindi maganda maghanda ng sobra sa hapagkainan. Inasikaso niya muna si Zeno.
“Naku, Elaine, ako na lang dyan. Kumain ka na. Nakakahiya naman.”
“Daddy, bakit Elaine ang tawag mo sa kanya? Di ba, Sister Frances ang pangalan niya? Inosenteng tanong ni Zeno. Napatingin lang si Elaine kay Sam at ganun din si Sam sa kanya.
“Zeno---”
“Ah, Elaine kasi ang binigay na name sa akin ng nanay at tatay ko, ang Sister Frances naman ay pangalan ko bilang madre.” Sagot ni Elaine kay Zeno.
“Ah, eh bakit po iniiba? Hindi po ba pwedeng isa lang?” Tanong ulit ni Zeno.
“Zeno, hindi ka ba kakain?” Sabi ni Sam sa anak.
“Sam, okay lang yun. Hindi kasi pwede. Sabi ng aming madre superyora, kailangan namin baguhin ang aming pangalan kapag naging madre kami.” Mahinahong sabi ni Elaine.
“Ah. Papaano kayo nagkakilala ni daddy? Girlfriend niya ba ikaw bago si mommy?” Tanong ulit ni Zeno.
“Zeno!” Paninitang sabi ni Sam sa anak. Ngumiti lamang si Elaine kay Zeno. Tinignan naman ni Sam ang kanyang anak. Minsan sunod sunod ang mga tanong ni Zeno at kahit sa kanya.
“Zen, hindi. Magkaibigan lang kami.” Sabi ni Elaine.
“Zen, I think you just have to stop asking questions to Sister Frances, hindi siya makakain oh. Sister, pasensya ka na sa anak ko, medyo makulit yan.”
“Okay lang. Ganyan din minsan ang pamangkin ko. Ang mga bata talaga matatanong. Zen, ano pa ang gusto mo? Gusto mo pa ng shanghai?”
“Opo.”
***
Pagkatapos nila mananghalian, hinatid na ni Sam si Elaine sa kanilang bahay. Hindi na nagawang magpaalam ni Elaine kay Zeno dahil tulog ito.
“Sam, thank you sa lunch ha. Ngayon lang ulit ako nakakain sa restaurant mula noong nagbakasyon ako galing sa kumbento.”
“Ah ganun ba? Eh di gawin na natin ito every Sunday. This is good I think.” He wants to be with her, and she could feel that, pero it is impossible. She is committed somewhere else and this mere lunch with them is against the rules. Napansin din ni Sam ang sandaling pananahimik ni Elaine.
“What I mean is, it is good for Zeno. Ang saya saya niya kanina. Ngayon ko lang siya nakitang naging makulit ulit. He is very comfortable with you.” Sabi ni Sam. Ang totoo, siya man din. Mas napapadali ang pagmomove on niya with Elaine on his side.
But he knew it is not possible. She is not just a simple woman, she is a nun.
Napatingin lang si Elaine sa flooring ng kotse. She also felt that way. She is becoming comfortable with Zeno. She was very happy today not because of the lunch, but because she is with them. Napatingin lang siya sa kawalan.
BINABASA MO ANG
Sacred Vow
SpiritualHe has a perfect family, a loving wife and beautiful children until a tragic accident took his beloved wife and daughter. Despite the painful incident, his faith in God remained unwavering.. She had a sabbatical and temporarily went out of the conve...