Chapter 19

2.5K 58 7
                                    

Parehong naging abala sina Sam at Ellaine sa kanilang mga buhay.  Naging busy si Sam sa negosyo ng pamilya nila at si Ellaine naman sa pagrereview at paglalakad niya ng papeles sa pagkuha ng kanyang lisensya sa pagtuturo.

Kahit na nagiging busy siya, hindi pa din naalis sa isip niya si Sam.

Napansin ni Gloria ang pagiging busy ng anak.  Pero mababakas mo sa kanya ang pagkalungkot.  Gusto niyang kausapin ang anak tungkol sa nangyayari sa kanila ni Sam pero minabuti niyang hintayin ang anak na ito ang magsabi kung kailan na siya handa.

Paggising niya noong isang umaga, naisip niya muli si Sam.  Magtatatlong linggo na sila hindi nag-uusap.  Nagpapasalamat siya dahil binigyan siya nito ng panahon upang makapag-isip.  Wala siyang ibang gusto kundi ang makasal kay Sam, pero marami pa din siyang agam-agam.  

Nagdasal muna siya at naghilamos bago siya bumaba ng kanyang kwarto.  Pagpunta niya sa kusina, nakita niyang nagkakape ang kanyang ina.  Kumuha siya ng tasa, nagtimpla ng kanyang kape at sinaluhan ang kanyang ina.

Napansin ni Gloria ang pamumula ng mata ng anak at pagkalungkot ng mukha nito.

“Nais ni Sam na magpakasal kami, nay.”  Sabi ni Ellaine sa ina.

“Walang masama doon, biyudo siya, dalaga ka.  Matagal mo na siyang kilala at matalik kayong magkaibigan.”

“Pero wala pang isang taong namamatay si Diana at pakiramdam ko na napakabilis ng pangyayari.  Hindi ko alam kung....”  Hindi masabi ni Ellaine ang kanyang nais sabihin.

“Hindi mo alam kung ano ba talaga ang nararamdaman niya na baka nabibigla lang siya?  Na baka nabaling lang ang atensyon niya sa’yo?  Ano?”  Tanong ng ina.  Hindi makasagot si Ellaine, dahil ito ang mga bagay na nasa isip niya na hindi niya maipahayag sa salita.

Napupuno siya ng takot na baka mali ang kanyang desisyon na umalis ng kumbento na baka mali ang relasyon nila ni Sam...

“Ellaine, sadyang ganyan ang magmahal.  Isang malaking desisyon ang magmahal.  Kapag pinili mo ito, pinipili mo na din masaktan at magsakripisyo.”  Naluluha lang si Ellaine sa mga sinasabi ng kanyang ina.  Mahal na mahal niya si Sam, pero...

“Kapag pinili mong magmahal, walang pero pero dyan.  Kung mahal mo ang isang tao, yun ay dahil sa mahal mo siya, tapos.  Walang pero, walang rason, sadyang mahal mo siya.  Gaya ng pagmamahal sa atin ng Diyos.  Minahal Niya tayo kahit sino pa tayo, kahit galing tayo sa madilim na nakaraan o lubos tayong nasaktan sa mga nangyari sa buhay natin.  Ito, Ellaine, mahal mo ba si Sam?”

“Oo, nay.  Mahal na mahal ko siya.  Pero, wala pang isang taong namamatay si Diana.  Tingin ko masyado kaming nagmamadali.”

“Mga 3 buwan na kayong naging magnobyo at mahigit sa 16 taon na magkakilala.  Alam mo kung gaano niya kamahal si Diana, di ba?”  Tumango lang siya.

“Naisip mo bang  may nais ang Diyos kung bakit niya ulit kayong pinagtagpo?  May malaking plano ang Diyos para sa inyo ni Sam.  Nasa gitna niyo Siya.  Ano pa ang kinakatakot mo?  Maikli pa ba ang pagliligawan niyo eh mga beinte anyos pa lang kayo, nagliligawan na kayo.”  Napangiti lang siya nang marinig yun.

“Ellaine, hindi tayo nakikipagtalo sa Diyos sa kanyang kagustuhan.  May malaking plano siya bakit niya muli kayong pinagtagpo.  Isinulat na niya ang ating buhay bago pa man tayo nabuhay sa mundo.  Kaya nakasaad ito sa kanyang plano.   At hindi mo ba naisip na masaya si Diana dahil ikaw ang mag-aalaga ng pamilya niya?  Sa palagay ko masaya siya para sa inyo, kaya huwag kang maguilty.”  Naalala na naman ang kanyang panaginip kung saan nandoon si Diana.  Marahil, ito ang regalo kanyang sinasabi sa kanya.

Sacred VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon