Chapter Twenty-Eight

75 0 0
                                    

Luis’s POV

Hinga ng malalim Luis.

Relax lang. Paglabas niya ng pintuan kaladkarin mo agad kahit saan. Pilitin mong sabihin niya sa iyo na two months lang magiging kayo tapos hindi ka papayag kaya’t magiging 1 year ang extension.

Napatingin uli ako sa wristwatch ko.

Ang tagal naman niya lumabas. Isip ko ng..

Biglang bumukas ang pinto kaya automatically na inayos ng kamay ko ang sarili kong polo at buhok.

Tsk. Acting weird Jezrell.

Ang kaso, hindi si Tin ang lumabas, ang kaibigan niya.

“Ui, Luis!!” Kinikilig na ewan na bati sa akin ng babae.

Hindi Miss. Hindi Ako si Luis. Picture lang ito.

“Si Tin ba?..” Hindi pa ako nakakasagot eh tinawag na niya si Kabute. “Tin! Tin! Boylet mo oi!!”

Boylet? Ei, kailan pa ako naging boylet ni kabute sa pagkakaalam ko eh BOYFRIEND nya ako.

“Boylet ka dyan!!” Narinig ko ring sigaw ni Tin sa kaibigan. “Ang ingay-ingay mo Sarah! Wala akong boylet noh”

Itinuro naman ako ng kausap niya using her lips. Nilingon ako ni Christina.

Nagkatitigan kami for a few seconds. Mas mahaba pa sana kundi lang sumingit yung Sarah ba yun?

“Ay titigan lang? Mag-usap nga kayo ng matino” Tinulak niya si kabute papalapit sa akin. However, bakal ata itong si Kabute kaya di man lang gumalaw sa kinatatayuan.

Tiningnan lang niya ng masama yung Sarah. “Hindi ko ito boylet noh!”

“Sorry naman, boyfriend nga pala. BOYFRIEND, hahahah. O sya babush, sa library lang kami ha.” She winked before leaving the two of us.

“Sige, bye bye!” ^__^ Natuwa ako sa pag-babye ni Kabute. Ang cute. Teen ager na teen ager ang dating eh.

“Tama na ang ba-bye , tara na!.” I said at hinila ko na ang braso niya.

Ng makalayo na kami eh, pinakawalan ko na rin. Wala kaming imikan habang naglalakad pababa ng building hanggang sa makarating kami sa garden.  

Umupo ako sa ground. Good thing its a fair day kaya magandang magpagulong-gulong sa school ground.

Umupo siya a meter away from me.

“Bat’ ang layo mo? Natatakot ka bang malaman kong hindi ka pa naliligo?”

“Yun talaga agad? Hindi ba pwedeng nangangagat ka muna.?” Pinilosopo pa ako eh.

“Hindi ako nangangagat ..at wag kang mag-alala kahit mabaho ka wala na akong magagawa dun.. kaya pagtitiisan ko na lang.” Sagot ko sa kanya bago umupo sa tabi niya. Naka-indian sit siya habang ako naman ay--- pano ba i-explain ang pwesto ko.. uhmm basta I’m resting my arms on my knees.

“Nakakainis ka talaga!” Irap niya sa akin. Mang-iirap na lang eh hindi naman marunong.  

A moment of silence.

“Sabihin mo na.” I said para basagin ang katahimikan.

“Ang alin?” She asked me in return innocently.

“Sabihin mo na ang gusto mong sabihin.” Please sabihin mo na Tin. Kelan mo balak sabihin sa akin? Ngayon na, kesa naman bibiglain mo na lang akong tapos na ang pretentions natin isang araw.

“.. Ah alin ba doon? Na masungit ka o bwisit at epal ka?”

“Pssssh. Kinakausap ka ng matino kabute..” I said seriously.

Dreaming of You is Not A Dream.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon