Chapter Twenty-five

95 2 1
                                    

Tin’s POV

ADRIAN CALLING!!!!

Syete! Ingay ng phone ko!

I pressed the answer button. “Hello?”

“Tin.. kamusta?”

Eee blushed. Minsan lang yan mangamusta sa akin.

“O-Ok lang, ikaw?”

“Maniniwala ka ba kung oo?”

“Bakit?” Anong trip nitong lalaking ito?

“Wala.. Ahmm saan nga pala ang apartment mo?”

“What do you mean?” Pucha! Tinatanong niya address ko!! Aakyat ba siya ng ligaw??? Che! Asa pa ako eh may girlfriend siya.

“Gusto kitang bisitahin..”

OMG ! Anong sasabihin ko?

Inikot ko ang mata ko sa maliit kong apartment. Nakapag-linis naman na ako ng bahay.  

Hinga ng malalim, Tin. Nagjojoke lang yang lukong yan!

“Sira ka ba! Anong gagawin mo dito? Wag na!!!”

“Bibisita nga,. Ay sh*t! Low bat! Tawag ako maya Tin, palitan ko lang battery ko!”

WAIT!!!

Toot!toot

CALL ENDED

“Ano ba yan!”  Inilapag ko na lang ang  cellphone ko sa sofa.

Napa-nail bite ako! Bibisita daw siya.

^__^ Excited na ako! Kelan kaya?

Tok! Tok! Tok! Knock! Knock! Knock!

Whoo! My heart skipped.

Baka si Adrian na iyan! Binuksan ko kaagad ang pinto.

“A-adr...” Hay! Maling akala. “Landlady, bakit po?”

“May nagpadala nga pala sa iyo kahapon , nakalimutan ko iabot sa iyo.”

“Ah, salamat po.” Kinuha ko sa kanya ang box na hawak niya.

“Sige, nagbayad ka na ng renta at kuryente di ba?” Naningil pa ang matandang ito.

“Nagbayad na po ako.”

Ngumiti naman ito sa akin.

“Sige.”

Sinarado ko na ang pinto pag-alis niya. Pumasok ako sa kwarto ko at inilapag ang box sa higaan ko.  

“Kanino kaya ito galing?”

TO: Christina Antonette Montiel, bestfriend!

FROM: Gracia Garcia, your BFF for evAH! ^_^

“Ei galing pala kay Bestfriend!” Excited na akong buksan kaya minurder ko na ang box para makita ang laman.

Si Gracia nga po pala ang BFF ko since 1st year hanggang ngayon, but we’re studying on different university, andaya!

 O_O

OMG!

Oh My God!!!

Tinotolerate talaga ng Sira kong bestfriend ang kabaliwan ko kay Jezrell!

Pa’no ba naman, eh all kinds of stuffs na related kay Jezrell Ramos ang laman ng box na pinadala niya.

Magazine, Notebook, CD, DVD, Poster,  T-shirt na may I ♥ Jezrell ,Poster uli, tapos magazine uli, Mug, Badges, Binder, .. Oh shemay, POLO!! Ito yung sinuot ni Jezrell sa isa niyang endorsement, And pictures and photos ni Jezrell sa iba’t ibang teleseryes and movies niya!!

WAAHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!! Papatayin ako ni Gracia sa kilig eh!

I hug the box!

“I love you Gracia! Alam mo talaga kiliti ko!!”

May kasama palang sulat na nakaenvolope na pink ang box.

Tumili ako ng malakas ng mabasa ko ang laman.

Its not about Jezrell but its about Her having a boyfriend, as in the star player of their university!! Ayieee Level up ang bruha! At dahil daw masaya siya, binili niya ang lahat ng nakalagay sa box para masaya rin daw ako.

..para masaya rin ako, dahil masaya siya at may boyfriend siya..

May boyfriend din naman ako ah! Kahit fake!

Saka.. do I still need these stuffs kung meron naman akong alive Jezrell Ramos acting as my boyfriend?

Ay eto nanaman! Lumakas nanaman ang kabog ng dibdib ko! Pero para kanino?  Bigla kasing tumawag uli si Adrian habang laman ng isip ko ang Jezrell Ramos ng buhay ko! Ang harot! Leche! Naguluhan ako sa sinabi ko ah.

“Hello, Adrian!” Nakangiti kong sabi, ang lakas talaga ng tibok ng puso ko!

“Bibisitahin kita di ba?”

O shemay! Napatingin ako sa pinadala ni Gracia, tinago ko agad sa ilalim ng kama ko!

“W-wag! Wag na! Magulo dito eh!” Syet! Pinagpawisan ako ng bongga! Nakakahiya, baka makita niya ang mga iyon at mag-isip ng hindi maganda.

Oo, alam niyang crush ko si Jezrell... Now that’s another thing! Nakita na niya Si Pacheco Epal! Lagot! Talagang bawal kami magkita, lagot ako!!

“Pagbuksan mo na lang ako ng pinto.”

“Ayok-o..” 0_O HuwaattT??? Pagbuksan daw siya ng pinto? Seryoso? Andito na siya.. agad.

Shemay! Lalo akong kinabahan.

Papapasukin ko kaya?

Ok, relax. Binuksan ko ang pinto, at andun nga siya nakatayo, may dalang take-out na pagkain mula sa isang fast food chain. Pinakita niya sa akin.

“Kain tayo!” He said smiling.

Hay, kulang na lang himatayin ako.

Ewan kung sa kilig o sa kaba at baka i-interrogate niya ako at si Luis.

You’re killing me softly Adrian!

Dreaming of You is Not A Dream.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon