Chapter One

372 3 0
                                    

“Sa susunod kung malalate ka sana 5 to 10 minutes lang pwede ba?” Nagngingitngit sa galit na bulyaw ni  Dodi. 

“Yeah hindi na mauulit!” nakatungong wika ni Jezrell.

Itong matandang ito. Walang ginawa kundi pagalitan ako. Nakakaasar! Bulong niya sa sarili.

“Okay, dalian mo magsisimula ng pictorial kumukulo ang dugo ko sa iyo!” Buntong hininga lang ang nagawa ni Jezrell saka pumunta sa dressing room.

Lagi na lang ganito! Hahahha Pero sanay na siya kasi alam niya na kahit umusok ang ilong ni Dodi di ito talaga galit sa kanya.

Sanayan lang.

(-“_- )

(0_o )

.

.

.

Anyway ....

This is Jezrell Luis Nacianceno Ramos Pacheco

 popularly known as

 JEZRELL RAMOS

 Ang ultimate heartthrob of all ages. Sikat at kung di mo ako kilala, malamang nakatira ka sa kweba.

Cute lang naman ako at uboOoOd ng gwapo!

 Ewan ko nga ba kung bakit napakagandang lalaki ko.

Pasensya, medyo mahangin talaga ako. Pero minsan lang kaya pagbigyan nyo na ako ha.

Welcome nga pala sa mundo ko.

 ‘ang magulong mundo ng Showbiz.’

Artista. Ayun simpleng artista lang but you’ll know me more. Aside from the fact that I’m only 23 years old.

There you have it.

----

“Sa Monday, pupunta ka sa premiere night ng pelikula nyo. Then after that Cebu for the launching of..blah!blah!blah! blah!”

Walang katapusan talaga bunganga ng matandang ‘to Daig pa si Wood pecker sa ingay! At sa age of 40 parang 50 years old na ito. Sa dami ba naman ng problemang binibigay ng mga talents nya sa kanya... honestly I contribute a bit to that.

“Jezrell nakikinig ka ba” tanung ni Dodi na tila napagod rin sa haba ng pinagsasasabi.

“Oo naman. So anong gagawin ko ngayon?” inosenteng tanung ko. Wala talaga akong naintindihan sa mga sinabi nya. As usual, ngumisi si Dodi sa akin..

“Akala ko ba nakikinig ka?” ngisi nito.

“Ow, sorry na Tito Dods. Wag mo kong tingnan ng ganyan. Alam ko ng gagawin ko promise” Sabi ko saka taas ng kaliwang kamay.

“Hay ibang klase ka talaga, Jezrell sakit ka talaga sa ulo!” Napahawak si Dodi sa sintido nya at nagaastang umaatake ang migrain nya.

“Naku! Anong oras na? I have to go Tito Dods. Pahinga ka muna.” Bulalas ko habang nakatingin sa wristwatch ko. Humarurot ako ng takbo palayo.

wHoooosssHHHHHhhh!!!!!!

Hindi ko alam kung san ako pupunta pero kunwari may pupuntahan ako.  ( ^__^ )

“Ang matandang yun dadali nanaman ng sermon!” sagot ko ng makarating ako sa kotse  nang tinanong ako ng driver kung saan pupunta.

Oo, walang connection. Hayaan mo na sanay na si Kuya.

“Sa Bahay na po ba tayo, sir?” tanong nito.

Ha? Hindi ba nagiisip si kuya at kailangan pa talaga akong tanungin. Sa isip isip ni Jezrell

“Di ho, sa school tayo” 

____

Habang binabaybay ang kahabaan ng Taft Avenue. Napatigil si Jezrell at tumingin sa driver nila. Napansin siya nito.

“May problema po ba sir?”

“Uhmm wala, wala ‘to. Ge drive ka na” Mukhang tama si Kuya ah. I am supposed to be at home by this time. Anong gagawin ko sa school? Isip ni Jezrell.

Wala naman siyang pasok ngayon.

Or even  tomorrow... Sa Friday pa pasok niya ah.

Anong nangyayari sa kanya?

Bago pa siya makaisip ng dahilan. Tumunog ang Cellphone niya.

CALLING!

LAWRENCE

Ang Bestfriend kong Gwapo? Bulong ni Jezrell sa sarili bago pinindot ang answer button. Anong meron? Isip niya.

“Hell-O?”

......long silence

“Lawrence?” ulit ni Jezrell nang walang ano- ano’y bumanat ng sigaw si Lawrence sa kabilang linya.

“WhooAa, dre This is it! Kami na ni Margo!!! Congrats mo ako! WhooA saya talaga!!! She just said Yes!!! So Thanks the Lord!!” Sunod-sunod na sabi ni Lawrence. Sobrang saya nito at nakalimutan na nasa pampubliko siyang lugar.

Napangiti si Jezrell. “Congrats! Paano mo na uto?” biro niya.

“Anong nauto?” kunot ni Lawrence pero sa sobrang saya niya di na niya ito pinansin. “Kita tayo sa friday! Kwento ko sa’yo” sabay end ng call.

Napailing lang si Jezrell. The Sixth unlucky girl. Isip niya. But masaya pa rin siya sa kaibigan sana seryosohin na ito ng best friend nya.

Tinago ni Jezrell ang cellphone at saka sumandal sa back seat.

Nasan na nga ba siya bago abalahin ng bestfriend nya?

Alright, sa school.. anong meron sa school?

Huminto ang sasakyan.  Huminga ng malalim sandali si Jezrell saka sinuot ang shades at unti-unting binaba ng konti ang bintana ng sasakyan. 

Nanlaki ang mata niya ng matanaw ang pamilyar na pigura sa malayo.

Siya?

 No way! Not that girl.

__________

Author's Note:

First Time to write in Watt pad. Pero matagal na akong nagsusulat. Wala akong alam masyado sa ganitong , alam nyo na! But based on my observation and deeper understanding lang. 

Dreaming of You is Not A Dream.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon