Chapter Nine

128 1 0
                                    

 “Kuya! Buti nakarating ka!” Bati sa kanya ng half-sister nya sa nanay na si Andrea.

Your ears heard it right! Or should I say, your eyes read it right. Lol XD

No typo or error!

Halfsister nga niya. Spells as A-N-D-R-E-A!

Halfsister which means anak siya- <referring to Andrea> ng Nanay niya sa iba. Magkaiba sila ng ama. Ang ama ng halfsister nya ang dahilan kung bakit nasira ang pamilya niya dahil ito ang nagudyok sa ina niya na iwanan sila. After sila iwanan ng nanay niya, iniwan na rin si Jezrell at dalawa pa niyang kapatid ng tatay niya. Kaya naman lumaki sila Jezrell sa lola niya. 

That’s long time ago. Wag na ungkatin ang nakaraan ang mahalaga ay ayos na silang lahat father and mother side. Ani nga ni Jezrell palagi. Basta kung san masaya ang pamilya niya dun siya. Dun sila!

Kaya walang duda kung gano kaclose silang magkakapatid.. Half man o hindi.. Even their parents at mga bago nitong asawa ay magkasundo. And above-all, yun ang pinakamahalaga.

“So what’s up?” Tanong ni Jezrell ng makaupo na siya sa sofa sa loob ng magarang bahay ng Uncle at Mama nya.

Tinawagan nga pala ni Andrea si Jezrell kanina sa mall tour nito.

Ang sabi, daan daw siya.

Kaya andito si Jezrell sa bahay nila.

Sa second home ni Jezrell.

uHmm, actually, second home talaga ang turing ni Jezrell either of his parents house. Para patas. Ang first Home Sweet home niya syempre ay ang bahay nila ng kanyang lola. Sya mismo ang nagpundar nun galing sa earlier projects niya bilang artista.

“ Kuya Jez naman,Its Sunday evening, bonding time nating magkakapatid ito remember?” wika ni Andrea na kunwari’y nagtatampo.

Oo nga pala. Medyo nakalimutan ko nga. Bulong ni Jezrell.

“Oo nga pala.” Sabi niya.

“Hay naku kuya, kinalimutan talaga!” Tampo ni Andrea sabay bato ng unan na nasa sofa.

BoinnK!! 

Sinambot lang ni Jezrell.

“HahaHA” hagikhik nito. “Tampo ka na niyan? Ha? Ha?”

“Kuya naman eh, Nagdadrama na nga ako tinatawanan pa!” alburoto kunwari again ni Andrea.

“HaHAhahA. Di bagay sa iyo eh. Tara na nga!” akbay ni Jezrell sa kapatid.

Niyaya na niya ito sa taas dahil alam niyang nandoon na ang iba pa nilang kapatid.

Kaso humabol pa si Andrea ng banat.

“ Sabi ko na nga ba kaya ayaw mo ako pag-artistahin eh.”

Biglang naging seryoso ang expression ni Jezrell. “Andrea, napagusapan na natin ito di ba?”

Tumawa ng malakas si Andrea. Jinojoke lang eh, seryoso talaga ni Kuya Jez..

“O galit ka na nyan? Di ka na mabiro kuya Jezrell Luis Pacheco. Alam ko yun okay? Dahil magulo ang showbiz. Di iyon basta-basta. Walang kasiguraduhan ang future....”

“At,?” wika ni Jezrell tila may inaantay na kasunod sa sasabihin ng kapatid.

“At tanging ang pinakagwapo lang sa pamilya ang pwede roon. At IKAW yun!” Diin ni Andrea.

Humagikhik nanaman sila sa tawa. Hanggang makarating sa malaking kwarto nilang magkakapatid.

Alam ni Andrea na biro lang yung last line kanina although a little bit true. Hahaha. Basta, sobrang agree silang lahat sa desisyon ng kuya Jezrell nila na ito lang ang papasok sa showbiz.

Dreaming of You is Not A Dream.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon