Chapter Twenty-three

133 1 0
                                    

Review with Adrian this day. ^___^

Namiss ko sya, isang buwan ko rin siyang hindi masyadong nakikita kasi baka madamay siya sa alam nyo na.. But now .. ^__^ Pwede na kaming magkita. Yehey!

“Akala ko di ka na magpapakita sa akin.” Ngisi niya sa akin.

Napakamot na lang ako ng ulo.

“May kuto ka ba?”

“Wala ah.”

“Ba’t ka kumakamot, turuan mo na nga lang ako.” Hinila niya ako paupo.

Ganun pa rin sa dati, magkatabi pero dinistansya ko ng konti sarili ko. Sh*t kahit fake, may boyfriend pa rin ako sa mata ng iba.

Hmmmm, alam na kaya ni Adrian.??

Curious? Magseselos kaya siya?

As if! Hmmmp!

Magsisimula pa lang kami ng dumating mga kablockmates ni Adrian.

“Adrian, pare!”

“O, kayo pala.” Tumayo si Adrian at nakipag-high five. Pero hindi yung OA ha. SWABE lang.

“Ui, Ms. Di ba ikaw yung Girlfriend ni Luis Pacheco?” Nanlalaki ang matang tanong sa akin ng isa sa kanila.

ARRRRRGGGGHHHH!! Kakakaba naman. Ganun ba kabig-deal???

“Ahmmm..” Syem** may sumabit kadiri. Anong isasagot ko?

“Ano ba kayo? Si Tin yan. Wala yan boyfriend!” Inis na bulyaw ni Adrian sa kaklase.

“Siya yun. Girlfriend nga siya ni Luis,. Pare bakit mo sya kasama?”

“Ano naman ang masama?, batchmate ko siya, classmate at kaibigan.” Ouch! Sakit nung kaibigan. Well, okay. Hanggang dun lang talaga tayo.

Hinila siya ng mga kaklase niya palayo sa akin.

Anong pinag-uusapan nila? Ako malamang, pero big deal ba na kasama ko siya?

Ayan, halatang inis si Adrian. 

“Geh, geh, umalis na nga muna kayo, ang gulo nyo kausap!” Rinig kong taboy ni Adrian sa mga kaklase.

Umupo siya sa tabi ko. Nakatingin sa akin. Nagbugtong hininga.

WAAAAHHHHhhhh Wag mo akong tingnan ng ganyan.

“Totoo ba yun?”

“Ang alin?”

“Girlfriend ka daw ng isang Luis Pacheco..”

“Ah,.eh..”

“Tell me they are mistaken..”

Adrian... wag mo naman ako pahirapan.. friends lang tayo pero bakit parang ang hirap sabihin sa iyong may boyfriend na ako. FAKE nga lang.

“Oo.”

“OO??” Napalakas ang boses niya at umiling.

“Oo, pero,  we are just pretending, just by title, wala ng iba. Hanggang pagkakakilanlan lang ang lahat, but no personal string attach..”

“Pretending? Ang labo mo Tin..Itigil mo na iyan.”

“Adrian, pagtinigil ko ito baka i-bully uli ako ng buong university!”

“Bully? Ano bang nangyayari?? Sabihin mo, tutulungan kita.”

Syete! Dapat ba humingi ako ng tulong sa kanya noon para hindi ako napasok sa pretentions na ito.

I told him. Everything. Except the almost kissing scene noh. Ano sira?

“Pero kahit na, nandito ako, may iba pang paraan.”

Dreaming of You is Not A Dream.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon