Chapter Two

203 2 0
                                    

“Hayaan mo na si Sir. Walang magawa sa buhay yun.” Bulong ni Tin sa sarili. Syempre naman medyo nakaramdam siya ng konting hiya at awa sa sarili.

Ikaw ba namang sabihan ng professor mo nang. “Ei!!”

Naku! Parang bata na nakikipagaway sa akin. Tapos pagtinatanung ko di umiimik sa akin. Grrrrr. Kakaasar.  Sigaw niya sa isip niya na kung naisalita’y baka pinagtinginan na siya ng mga tao sa parking lot.

“Ayos ka lang Tin?” as usual tanong ng kaibigan niya na kasabay niya maglakad.

“Oo, bakit?” baling ni Tin ng atensyon dito.

“Ah okay, ikukwento ko sa iyo yung latest tungkol kay ..” Simula nito.

Here we go again. Bulong ni Tin sa sarili.

 Walang katapusang kwento tungkol sa mga crush nilang Banda na wala naman siyang kainteinterest.

Concert, bad traits, nililigawan. Oh, saulo na niya gagawin ng mga ito.

But since mga tunay nya itong kaibigan tanging pagsakay lang sa trip ng mga ito ang magagawa niya.

“Ows? Hala..” yan ang tanging reaksyon niya sa mga kwento ng mga ito.

May iba pa ba?

Paano ba naman isa lang naman ang idol niya.

Ang nag-iisa niyang ultimate crush since highschool.

Ang taong kahit picture lang nito ang makita niya ay abot tainga na ang ngiti niya.

“Hay, Magiging kami rin.” Nakangiting sabi ni Tin nang sumagi sa isip niya ang napakagwapong mukha ng crush niya.

Hanggang sa makalimutan na niya ang issue sa trigonometry teacher niya at ang kinukwento ng mga kaibigan niya.

Ganun naman talaga eh. Nakakalimot siya ng problema basta mukha nang loves nya ang naiisip.

“Ay wait!” Bulalas ni Fae. Napatingin sa kanya ang apat na kasama.

“Nakalimutan ko ang payong ko sa lab, tara Tin” Hila nito kay Tin.

“Sabi ko na nga ba.” Tanging nasabi ni Tin habang hinihila ng kaibigan pataas nanaman ng Fifth Floor.

Lagi na lang ako, Fae? Ayaw ko ng umakyat ng hagdanan !! Sigaw ni Tin sa sarili.

“Go Tin. hahahAHHAH!” tawa ng tatlong naiwan na kasama.

“Nagcheer pa talaga ang mga bruha!” Natatawang bulong ni Tin kay Fae.

“Lukring.” Natatawa naman sagot ni Fae.

Ayun nakarating ng fifth floor. Hinanap ang payong. Bumaba uli ng fifth floor at saka dumating sa baba ng building malapit sa parking lot na Haggard looking.

“Bakit kasi walang elevator sa school natin. Hmmp.”  ( > - < ) Emote ni Fae.

Di nalang ito pinansin ni Tin. Ibang klase. Iyong kotse lang sa malayo ang napansin niya.  Parang sa direksyon nila nakatingin kasi yung taong nakasilip sa bintana.

Di niya maitsurahan eh. Masyadong malayo. Shades lang ang natatanaw niya.

Stalker? Isip niya.

Impossible, what for? Mahirap lang ako noh? Pagpatuloy niya at di na lang ito pinansin.

Naglakad na sila pauwi. At naghintay na ng tren sa LRT si Tin.

Yup, sa Lrt madalas sumasakay si Tin. Like most student in the university does.

Madalas?

?

?

Palage pala. ( “- o-” )

^_^

Christina Antonette Montiel nga pala. That’s her.

That girl na walang inatupag kundi mag-aral.

Mag-aral

Ng

Mag-aral.

Ng

Mag-aral.

Ng mabuti.

For her family.

 Kailangan eh. Isa pa kailangan niyang maging Geologist.

Her greatest dream.

Ooops!

Error! :P

Second greatest dream pala.

Crush nga  pala niya ang Greatest Dream nya. ( ^_____________^  )

Dreaming of You is Not A Dream.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon