Chapter Twenty-Six

87 1 0
                                    

Jezrell’s POV

“Sir Jezrell, sigurado po ba kayong dito kayo mag-shoshooting?”

Napakagat ako sa lower lips ko sa sinabi ni Kuya Marlon. Yup, Marlon po ang pangalan ng loyal driver ko. Pamilyadong tao; may tatlong anak at ang asawa ay kasambahay naman sa bahay namin ni Lola.

Kung tinatanong ninyo kung nasaan ako, andito po ako sa kanto, isang oras ng naka-upo sa loob ng sasakyan at nagmumukhang sindikato sa pag-aabang sa babaeng wala atang balak magpakita.

“Wala po akong shooting Kuya, may bibisitahin lang akong kaibigan.”

“Ah,  eh sana po’y tinawagan nyo na lang, mukhang wala po atang balak siputin kayo.”

“Kaya ko pa naman maghintay..” May sasabihin pa sana ako kay Kuya ng makita kong naglalakad  ang Mr. Holdinghands ni Kabute.

Anong ginagawa niya dito? May dala pa talagang take-out.. Manliligaw ba siya kay Kabute?

Napahinga ako ng malalim at binaling sa iba ang tingin sa inis.

“Sir, ok lang po ba kayo?”

“Oo.” I lied. Bakit ba ako nagkakaganito? What do I care kung nililigawan nga niya si Kabute. Tsk. Kahit na! Everybody knows that Christina Montiel is my girlfriend.

“Aalis na po ba tayo?” Ang kulit naman ni Kuya, parang siya pa ang may lakad eh.

“Fifteen minutes more.” Tipid kong sagot. Tinitigan ko uli ang Address na nakasulat sa pilot ng papel na hawak ko.

Nagpapakatanga lang ako. Ano naman ang mapapala ko kung malaman ko kung san siya nakatira? Nagmumukha lang akong Stalker---- Gwapong Stalker.

Kasalanan ng Gagong Lawrence na iyon eh. Tinempt akong pumarito.

<FLASHBACK>

Itong Lawrence na ito kahapon pa ako kinukulit na pahiramin ko siya ng sasakyan.

 “Pare, payagan mo na akong hiramin ang isa sa mga sports car mo.”

“Para saan ba? Hanggang dito sa set ay kinukulit mo ako.” Tanong ko sa kanya bago maghilamos. Tinapalan ba naman ng cake ang handsome face ko kanina sa shoot.

Yummy naman yung cake. Parang ako lang. Hahahha.

“Kikidnapin ko si Margo, pls. Pls. Alam mo namang war kami ngayon eh.” Hinagis niya sa akin ang face towel.

“Yun lang naman pala eh, ba’t hindi na lang sasakyan mo? Akin pa talaga ! What if pag-babatuhin at paghampas-hampasin ng Girlfriend mo ang sasakyan ko ng baseball bat?”

“OA mo naman Jezrell! Hindi purket yan ang ginawa ng ka-love team mo sa shooting nyo kanina eh yun na ang gagawin ng mga babae in reality. Saka, pagyung akin makikilala agad niya at tataguan ako.”

“Malay mo!”

“Sige na. Pls. Pls.” Nakakatawa mukha ni Lawrence para siyang nagmamakaawang aso. Puppy Eyes ba tawag dun? But that doesn’t mean papayag ako. Gagu, idadamay pa kotse ko sa kalokohan mo.

“Hindi pwede..”

“Pls. Naman Bestfriend, pare, payag na akong mas gwapo ka.PlS.”

“Katotohanan yan, kaya hindi pa rin.”

“Ibibigay ko sa’yo ang address ng girlfriend mo!.”

Lumaki bigla ang tainga ko. Bigla akong nagkaroon ng interest sa sinabi niya.

“Sige na Jezrell, alam kong gusto mo ito!” He showed me a small piece of paper.

<END FLASHBACK>

“Tara na nga Kuya...” I decided after fifteen minutes. Mapapakinabangan ko naman siguro ang maliit na papel na ito balang araw..

Magstastart na sana ang sasakyan ng makita kong biglang lumabas sina Kabute at Mr. Holdinghands niya sa gate.

“Sandali lang Kuya!”

Aw! Ang sweet nila. I mean sobra silang close. Wala akong laban, parang ang tagal na nilang magkakilala.

Pero bakit ganito ? Palagi akong naiinis kapag nakikita ko silang mag-kasama.

Naglakad sila patungo sa direksyon namin at tumigil sa tapat ng bintana ng sasakyan ko.

Kitang-kita ko sila at dinig  na dinig pero sila ay walang kamalay-malay na naririnig ko pinag-uusapan nila. Tinted kasi and bintana kaya di nila alam na ako ang nasa loob ng sasakyan.

Akala nila siguro walang tao.

“Tuwang-tuwa ka naman..” simula ng Mr. Holdinghands niya na sumandal pa talaga sa sasakyan ko.

“Sira! Anong pinag-sasasabi mo dyan!” piningot ni Tin ang tainga ng lalaking iyon.

“Aray naman! Lagi mo akong sinasaktan”

Natigilan si Tin sa sinabi nito.

“Drama mo Adrian!! So anong gusto mong gawin ko?” sabi ni kabute after a while.

“Tapusin mo na agad iyan” said that man seriously.

At ano ang tatapusin?

Ano bang pinag-uusapan ng mga ito?

“Gaano ba dapat katagal na maging kami para pag nalaman na ng mga tao sa school na hindi na kami eh hindi nila ako i-bubully?”

Ah. So its about our pretention thing.

“As soon as possible.. two months maybe.”

Two months? Ano ‘to joke? First known relationship ko tatagal lang ng two months?

“Masyado atang mabilis yun..”  kunot ni Christina.

“Basta akong bahala sa iyo.”

At ano naman ang magagawa ng lalaking ito?

“S-sige, sasabihin ko kay Luis.. masungit pa naman yun.”

What?? Papayag ka ng ganun-ganun lang kabute?

Gusto ko ng bumaba ng sasakyan at sumingit sa usapan nila. Pero hindi ko magawa, para akong naparalyzed sa kinauupuan ko.

Ngumiti yung Adrian. “I’m telling you this dahil hindi mo siya kilala. Kamukha lang siya ni ano.. Hindi natin siya dapat pagkatiwalaan. Period!”

Gumapang ang inis mula paa hanggang sintido ko.

Hindi purket di nila ako kilala eh hindi na ako dapat pagkatiwalaan. Putik!! Edi Two months kung two months.. pwe! Akala nyo papayag ako?  I’ll extend that to one year!

“Tara na nga, naghihintay na sila dun eh.”

At nawala na sila. At ako? Andito pa rin sa loob ng sasakyan.

Masama ang loob.

Nag-iisip.

I’m just starting to build a friendship with kabute pero tatapusin agad...?? 

A:N//: Salamat girl.

Dreaming of You is Not A Dream.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon