Chapter Six

159 1 0
                                    

“Hay naku! Pinaghintay nanaman ako ng ugok na yun!”  naiinis na sabi ni Tin

Nasan ka na Adrian?

Hanggang ngayon ba naman pinapaasa mo ako.

Tinikom niya ang dalawa niyang palad. Handa ng umalis kapag di pa nagpakita ang hinihintay.

Papaalis na sana siya. As in patayo na ng...

May kumudlit sa kanya sa balikat. Lumingon siya sa kanan . Wala .Lumingon sa kaliwa. Wala.

Sino yun?

Napipikon na siya. Buti na lang pagharap niya. Nasa harapan na niya si Adrian.

“Ay buhay ka pa pala! Anong oras na?”

“Sorry naman, tinulungan ko pa maglaba si Ate.” Ngiti ni Adrian sa kanya.

“Ikaw, naglalaba? Asa!” Nangaasar na wika ni Tin.

Ayaw pangmaniwala. Ngiti ni Adrian sa sarili. Kahit kailan talaga itong si Tin oh.

“Game, turuan mo na ako” He finally decided.

 Nilabas ni Adrian ang dalang libro sa Algebra at Trigo.

“Wow, nagdala pa talaga!” biro ni Tin. But in a lower tone. Nasa school library kasi sila. Sabado , Wala masyadong tao kaya pagnagsalita ka dinig na dinig ng librarian. And so they both decided na sa quadrangle na lang magturuan. Umupo silang magkatabi sa bench. Sooo close na baka isipin mo ay sila.

____

Cut! Cut ! Cut!

“Okay, nice take. Pahinga muna kayo” Sigaw ng direktor bago itinuon ang pansin sa kakukuha lang na scene.

Lumapit naman si Jezrell sa kanya. “Direk, ayos po ba?”

“Oo naman Jezrell, good job!” nakangiting wika ng direktor.

“Ayun o, Salamat direk”

“Syempre naman ikaw ba naman ang kascene ko, Good job talaga yan kay direk!” Si Mara Salvador, ang kaloveteam ni Jezrell yun. Napakacharming tingnan. Mistisang mistisa at balingkinitan. Ang kinis kinis saka flowless. Artistahin talaga kaya no doubt na siya ang ipinareha kay Jezrell.

Bagay na bagay talaga sila ON-screen. ^__^

“Nah” tanggi ni Jezrell. “Pinagbutihan lang natin parehas.”

Sabay ngiti. Yung pamatay.

(o___< )

Medyo kinilig si Mara at inipit ang konting buhok sa likod ng tainga. “Pacute ka nanaman!”

Humagikgik sa tawa si Jezrell. “Matagal na akong cute”

“Oo nga pala.” Ani ni Mara.

Nagtawanan sila parehas. Di na rin napigilan ni Direk na makitawa.

Mga batang ‘to. Walang ginawa kundi patawanin ako sa set. Sa isip isip ni Direk.

“Pasensya ka na direk. Sige po pahinga muna ako sa tent ko. “ paalam ni Jezrell. “Mara, mag beauty rest ka na , tawa ka ng tawa dyan.” Biro naman niya sa kalove-team.

“Ahhh, ikaw rin naman jan ah” hampas nito sa braso ni Jezrell.

Umiling lang si Direk at tiningnan ang dalawa hanggang sa makarating na ang mga ito sa kanikanilang mga tent.

“Napakabait na bata. Jezrell, isa ka sa mga totoong tao sa Showbiz. Napakahusay na aktor. I salute you. “ Bulong niya sa hangin.

Alarm Clock Ringing!

Dreaming of You is Not A Dream.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon