Chapte Twelve

130 1 0
                                    

Author’s Note: Para di tayo malito! Tuwing nasa school si Jezrell, Luis itatawag natin sa kanya J Nalilito rin ako para sa inyo eh. Ok, happy reading.

“Hay salamat. Malapit na sa katotohanan”

Tumunganga for a few seconds si Tin sa same menu of the year sa cafeteria. Iniisip kung ano ang bibilhing pagkain.

Lasagna, Roasted chicken < yuck!>. Isip niya. Ah! Chicken Teriyaki!

“Ate Chicken Teri-“ sasabihin na sana niya ang teriyaki ng may sumingit sa moment niya sa harap ng counter.

“Dalawang Coke in can, Sisig, at one and half rice.”

Walang’ya. Lingon ni Tin sa nagsalita. Naghintay ako for 5 minutes sa pila. Tapos sisingitan lang ako. Haba kaya ng pila.

“Kuya, nauna ako ah!” sita niya rito kahit nakatalikod na ito sa kanya.

“Sir ito na po order nyo.” Abot ng tindera. Kinuha naman ng lalaki ang tray ng pagkain. Lumingon ito kay Tin.

Jezrell? Sambit ng isip ni Tin. Umiling siya at kumurap saglit.

“L-Luis. Ika—“

“Hawakan mo.” Hindi siya pinatapos ni Luis at inabot sa kanya ang tray. Walang nagawa si Tin kundi sambutin ito.

“Keep the change.” Sabi nito sa tindera. Nagbayad si Luis. At walang ideya si Tin kung magkano. Nakatulala lang siya dito hawak ang tray. May binulong pa si Luis sa tindera. At lalong wala siyang ideya dito.

Naglakad na palayo si Luis. Nang makalayo ng konti, tumigil ito at lumingon kay Tin na dala pa rin ang tray.

Trauma. Isip ni Luis. “Hoy, pagkain ko dalhin mo sa table namin.”

“Ano daw?” bulong ng ilang nakapila. At sunod-sunod silang napatingin kay Tin.

“Hala ano ‘to?.” Bulong ni Anne.

Siniko naman ni Sarah si Tin sa tagiliran.

“Ba-bakit?” wika ni Tin na naalimpungatan sa pagkakatulala.

“Hoy miss, dalhin mo raw sa table nila Luis yang pagkain nya.” Ewan kung nagmamagandang-loob ang pagkasabi ng isang lalaki. -_-

“Pagkain? Ako?” Naramdaman din sa wakas ni Tin ang tray na hawak.

 “Ayoko nga!” Sinadya niyang sumigaw para marinig ni Luis na nasa kinatatayuan pa rin nito.

Bilisan mo.. Nakatingin sa kanya ito.

“Kapal!” Inis na inis na si Tin. Kahit di magsalita si Luis, nababasa niya mga mata nito.

Bilisan mo.?

Bilisan ko?... kapal,

“Tin, dalhin mo bilis, go!” tulak ni Sarah sa kanya. Tiningnan ni Tin ng masama ang kaibigan.

“No way! Siya na nga itong naningit tapos dadalhin ko pa ito sa kanya. ASA!!!!!”

“Dadalhin mo lang eh. Bilis na. Kung ayaw mong maymag-abang sayo sa gate mamaya!”

Narealize ni Tin na nakatingin pala sa kanila ang lahat ng nasa cafeteria.

Nanaman! >-< Sigaw ng isip ni Tin.

“Oo na!” Napasuko siya against her will.

I can’t stand this anymore. Nangigigil na dinala ni Tin sa table nila Luis ang pagkain.

“Is she Luis’s P.A.?”

“Swerte naman.”

“Slave girl pinaghintay pa si Luis, baby boy ha!”

Dreaming of You is Not A Dream.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon