Chapter Sixteen

131 1 0
                                    

A/N:: #JUANDELACRUZ Full Trailer mamaya after Princess and I. <3

________________  

Nanginginig sa kaba si Tin. Pati ang kamay niya ay parang namanhid na rin. Hindi na niya alam kung kaya pa niyang buksan ang pintuan ng room nila.

Jusko! Ano nanaman kaya ang mangyayari sa akin ngayon? Isip niya. Kaya ko ‘to!

Dahan-dahan niyang pinihit ang door knob at saka tinulak ng malakas ang pinto.

“Sabi ko na nga ba!”

Napabugtong hininga siya habang tinititigan ang tumutulong putik mula sa itaas.

Mga taong iyon, nagtali pa talaga ng timba sa kisame na may lamang putik. And for sure, if I don’t have an idea about that bullying technique, tsk. For sure putikan naman akong uuwi ng bahay! Isip ni Christina.

Kinuha na niya sa upuan ang kanyang bag saka dali-daling lumabas ng room. Hindi siya mapakali. She keeps on looking for something suspicious.

“Nasaan na kaya sina Anne?”

Pinauna na nga pala niya ang mga ito. Ayaw niyang makita siya ng mga kaibigan niyang kaawa-awa. Isa pa ayaw niyang madamay ang mga ito sa pambubully sa kanya ng mga tao sa University.

“Tin!!” tawag ni Sarah sa kanya. Lumapit ito kasama sina Anne at Fae na halata sa mukha ang pag-aalala.

“Ok ka lang?” Sabi ni Anne. Niyakap siya nito.

Hinawakan naman siya sa balikat ni Fae. “I’m glad you’re safe.”

Masyadong madrama pero who will dare to joke at this time na di na biro ang nangyayari sa kaibigan nila?

“Oo okay lang ako.” Christina said trying to drew a smile on her face.

“Sumusobra na talaga ang mga iyon ah!” Sigaw ni Sarah. Nagagalit na rin ito sa pinaggagagawa ng mga tao sa kanila. At first, akala nila joke lang iyon. Nagulat din nga siya ng malaman ang chismis na iyon. Grabehan talaga. Hindi siya makapaniwala noong una na may ganoong chismis but when she saw her friend crying quietly with dripping wet clothes. Naiinis na siya. So its true na everybody have taken it seriously.

“Isumbong na kaya natin sa Guidance, sa University President, o di kaya ipa-media natin. Sabihin natin sa mama mo, they’ll help you through this” Si Fae.

“No, di dapat ito malaman nila mama.” Pigil ni Tin sa kaibigan.

“Ikaw bahala, but Tin, kapag hindi kami nakatiis, di kami magdadalawang isip na isumbong sila!” wika naman ni Anne.

“Anu ba kayo? Matatapos din ‘to tiwala lang!” Ngiti ni Tin.

Niyaya na niya ang mga ito umuwi.

_____

Christina’s POV

Habang nasa Jeep, hindi ko maiwasang hindi maalala ang mga pasakit!!!!

The hell is this! It’s almost one month. One month of heart pounding and traumatic experience with the bullies.

Ganito pala ang pakiramdam ng nabubully.

Ang pakiramdam ng nalaglag sa fountain, ng ni-lock up sa room, ng binabato ng pilot ng papel, ng may nababasang hate message sa fb, ng binubully sa cyber world, ng natatapunan ng  tubig at juice, ng nilalagyan sa bag ng ipis, ng ----- Hay too many to mention. Di ko na kayang isa-isahin pa.

Nakakaiyak!! T_____T

Kasalanan ito ni Luis Pacheco! He ruined my life!

Kumukulo ang dugo ko pagnakikita ko siya!

Dreaming of You is Not A Dream.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon