Chapter Eighteen

113 1 0
                                    

Hindi makapaniwala si Jezrell sa mga naririnig niya. Napaupo siya sa sofa.

That can’t be. Sigaw ng isip niya.

Inis na inis na siya sa sarili nya ngayon. Parang gusto niyang bugbugin ang sarili niya. But he still manage to stay calm and listen to what his bestfriend is saying.

“Bro, napakatindi nito! Normal lang ito kung showbiz chismis ito, kaso hindi eh. Sa lahat-lahat ba naman pare!” Sermon sa kanya ni Lawrence.

Kararating lang niya ng Pilipinas nang sinugod siya bigla ng bestfriend niya sa airport. Nasa airport pa lang, pakiramdam na niyang may dala itong bad news. Hindi nga siya nagkamali way back in Chicago na may maling nangyayari sa school.

“..Luis Pacheco, ang lalaking hindi namamansin ng babae ay nabalitang ...” Tumigil si Lawrence sa pagsasalita at umupo sa tabi ng bestfriend niya na napatulala sa sinasabi niya.

“Jezrell, Minsan ka na nga lang mamansin ng babae, Nachismis pa na GIRLFRIEND MO!! Alam mo ba ang chismis, LQ kayo nung babae tapos naghahalikan kayo! Bro, san galing mga kwentong yun?”

Walang imik si Jezrell.

“Wala ka man lang bang sasabihin o gagawin, maawa ka naman sa babaeng yun, nakakaawa na siya, Isang buwan na palang nabubully yun ng mga tao sa school pero hindi pa rin natin alam.”

“..kala ko ba mabilis ang chismis, ba’t ngayon lang natin nalaman?”Tanong ni Jezrell pero di nakatingin kay Lawrence ng deretso.

“Hindi ko alam! Basta gawan mo ng paraan yan,..I can see in her eyes the pain , the trauma, the fear. Hindi ko inaakalang sobra makareact mga fan girls mo sa School, their physically and emotionally violent. Ikulong ba naman sa room, buhusan ng tubig, itulak sa fountain, lagyan ng ipis ang mga gamit, isabotage mga projects at activities!!”

“Anong gagawin ko?” Tanong ni Jezrell. Hindi siya makaisip ng paraan kung pano aayusin ang gulong dinulot niya sa babaeng tinatawag niyang kabute.

Napakahayop ng mga taong iyon. Wala silang karapatang gawin sa kanya ang mga iyon. Nagngingitngit sa galit na ang isip ni Jezrell.

“..wala akong matinong mai-aadvice Jez. Basta ayusin mo ito!” Seryosong wika ni Lawrence.

Alam ni Lawrence na mahirap ito para sa babaeng sinasabi ng lahat na dinedeclare daw ang sarili na GF ng bestfriend niya.

 Noong makita niya itong naglalakad sa may corridor with a note on its back saying I’M A FLIRT. WATCH OUT, hindi niya alam kung matatawa ba dahil tatanga-tanga ito at di man lang namalayan na may nakadikit sa likod niya o maaawa dahil lahat ng tao’y pinagtatawanan na siya ng di niya namamalayan. Yet, Hinabol niya  ito at tinanggal ang nakadikit sa likod nito. Nang iabot niya ang papel, napayuko ito.

Natakot si Lawrence bigla for he thought she was crying. Hindi niya alam kung anong approach ang gagawin para pagaanin ang loob nito. Kahit noon lang niya ito na kita., ramdam niya na hindi biro ang pinagdadaanan nito. He wasn’t sure that time pero pakiramdam niya nabubully ito, that she’s going through a difficult situation for a very long time.

Maganda pa naman. Isip ni Lawrence.  Kaya parang nasasaktan si Lawrence na makita itong umiiyak. Paniniwala kasi niya, “beautiful girls should always be seen smiling cause that’s their power of making any man’s heart fonder”. 

About the chismis, kung pano niya nalaman, right after niyang masiguro na okay na ang napakagandang dalagitang iyon, binulungan siya ng kabarkada niya telling that “That’s the girl claiming to be Luis’s girl.”

Nagulat siya syempre! And after that, he did everything to know the real root of all this mess that he’s bestfriend is in. Hindi naman niya makausap si Jezrell dahil nasa Chicago ito. Ayaw naman niyang itawag na lang. Mas maganda kung personal niyang makakausap ang kaibigan.

Dreaming of You is Not A Dream.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon