Chapter Three

168 3 0
                                    

Ang babaeng yun. Palaging ginugulo isip ko.

Nakakaasar. 

Huminga lang ng ubod ng lalim si Jezrell. Yung hingang parang wala ng bukas.

She’s just a girl. Kumbinsi niya sa sarili.

Isang oras na siyang nakahiga sa kama pero para siyang tuliro na nakatingin sa kawalan.

What’s with her? Tanong uli niya sa sarili.

Errrrrggg!!!

Sinampal ni Jezrell ang sarili sa noo.

Naman oh. Isang beses ko lang naman siya nakita.

.

.

Mali.

Dalawa pala.

NoooO

 Tatlong beses na.

Tatlong beses ko nang nakikita ang pagmumukhang yun.

Noong nakita ko syang napadaan sa room namin one time.

Then, sa cafeteria habang nagla-lunch.

At sa may fountain habang may kinukutingting ito na kung ano man sa bag niya.

And yung kanina sa parking lot ng school..

Long Silence.

Apat na beses pala!!!!

Hindi kaya sya ang dahilan kaya pumunta ako sa school? Isip niya.

Huh? Ang corny naman! Bulyaw nya sa sarili. 

“Ano bang iniisip ko?” wika niya. Wala na siyang pakiaalam kung marinig ng lola niya.

Hindi pwedeng isip lang niya ang magsalita kailangang malabas nya ito. Verbally.

“Hindi naman kagandahan. I don’t even talk to her. Or even see her looking back at me when I look at her!” 

.

.

.

.

Nanlaki ang mata niya.

Napatakip siya ng bibig bigla.

Anong sinabi ko?

“.....when I look at her?”

Di siya makapaniwala sa mga sinasabi nya.

Hindi ko siya tinitingnan. Bakit ko sya titingnan?

“uRGGghh Itulog ko na nga lang ito!”

Kaso..

Makatulog kaya ako?  Tanong niya habang ibinabaon ang mukha sa unan.

Wala naman ginagawa sa kanya yung babae pero ganito sya kung mapaisip dito. Hindi niya alam kung anong meron. He just can’t take her  out of her mind.  Siguro dahil napapadalas lang siguro ang pagkakataon na nakikita niya ito kaya masyado siyang macurious about her.

Pero bakit sa kalove team niya na madalas niyang kasama at ka kissing scene at di hamak na mas maganda sa babaeng yun ay di man lang gumulo sa isip niya. 

Ewan! I’ll figure it out sooner.

-----

TXT MESSAGE FROM ADRIAN:

Tin, I give up.

Kahit nakakaguilty. Kakaibang ngiti ang gumuhit sa labi niya.

Wew, sino ba naman ang hindi kikiligin kung ang long-time crush mo DATI ng high school ay humihingi sa iyo ng tulong na as if you’re the only hope.

Grabe. Ang haba ng hair ko! Please naman. Pagkakataon. Isip ni Tin

Napakamot siya sa ulo.

OMG, namomroblema na nga ang tao sasamantalahin mo pa ang kahinaan. Hahahaha. Sabi niya sa sarili.

“Sige, kita tayo sa Saturday dyan sa campus. Okay dala ka ng reviewer!” reply niya.

“Nakakaawa naman. Marami syang bagsak.  Dalawang Math at isang Science pa talaga ha.” Iling ni Tin.

Kahit kailangan din niya mag-review syempre Ikoconsider din niya na dapat pasado rin si Adrian para tumagal din ito sa course nila at maging kaklase niya ito.

Kahit na ano..

Kahit alam niyang kahit magsama sila ng marami pang taon sa college ay di naman magiging sila in the end...

 dahil may girlfriend na ito. ( TT_TT )

Ouch!

 Miske masakit di niya ito mahindian dahil minahal din naman niya ito kahit paano.

Si Adrian del Castillo, ang crush nya noong Highschool. Kinabaliwan dahil sa pag-aakalang may pagtingin din ito sa kanya dahil sa mga kinikilos nito towards her. Patuloy ang pag-asa at pag-hihintay na magtapat ito ng nararamdaman nito pero it end up sa part na nalaman niyang may nililigawan na itong iba.

Ang sakit nun di ba?

Waiting at Hoping ang peg mo tapos yung Guy may iba na pala.

But that’s another story.  Correction lang ha. Di po si Adrian ang ultimate crush at Greatest Dream ni Tin, okay . (    ︠︡  — ︡︠   )

Nagreply agad si Adrian.

Sige Saturday. Thanks Talaga. T_T

Di na nag-abala pang mag-reply si Tin. Alam naman niyang tulog na ito lalo na’t 10 o’clock na. Tulog na iyon at di na mag-rereply.

Bahagyang ngingiti si Tin.

Kilalang-kilala ko na talaga siya. Isip niya.

“Anyway tulog na ako. Kailangan ko pang mapanaginipan  si JEZRELL ko .” Kinikilig na wika ni Tin saka nagsign of the cross. Nagdasal at natulog.

Syempre excited mapanaginipan ang ulitmate crush. Ang heartthrob, at multi-awarded na actor na si Jezrell Ramos.

Hay, ibang klase daw kasi ito kumpara sa ibang artista. The Only One

  (“-^__^-“ ) 

Dreaming of You is Not A Dream.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon