CHAPTER II

22.5K 471 13
                                    

GIRL 1 POV


Nanlamig ang buong katawan ko ng makita kong bumunot ng baril ang taxi driver.

"M-mano. A-ayoko pang mamatay. P-please wag mo kong patayin. W-wala akong pera ..blah-blah-blah-blah..." hindi ko na maintindihan ang sinasabi ni ms. Pangit. Nakakabingi ang lakas ng tibok ng puso ko.

Kahit pala sa ganitong sitwasyon madaldal si Ms. Pangit. "Will you shut up!" singhal ko sa kanya. Nanahimik naman ito agad.

Good.

Kailangan naming makipag negosasyon sa lalaking ito ng maayos. Kailangan namin siyang makumbinsi na wag tangayin pati buhay namin.

"Kuya. Mapapag-usapan naman natin to ng maayos diba?" Tanong ko sa nanginginig na boses.

"Wala akong balak patayin kayo. Ibigay niyo lang ang kailangan ko."

"Ookay..okay..." Di na ako nag dalawang isip, agad kong ibinigay ang phone at wallet ko.

"Ikaw naman miss," baling nito sa babaeng katabi ko.

"W-wala akong maibibigay. W-wala akong pera." Iling-iling ito.

"Wag mo akong subukan miss. Ibigay mo sa akin ang cellphone mo."

Patay! mukhang na-iirita na si kuya sa ka-artehan ng babaeng ito.

"P-pero kailangan kong makontact si prince..."

Iniharang ko ang aking katawan ng biglang itinutok nito ang baril sa babaeng katabi ko.

"K-kuya..wag ...ibibigay niya..wag mong ipapaputok yan.." pagmamakaawa kong sabi dito. Dagli-dagli kong hinablot ang phone ni ms. Pangit at ibinigay dito.

"Cge baba na!" Utos nito pagkatapos makuha ang gusto.

Mabilis pa sa alas kwatro nakababa na kami ni ms. Pangit sa taxi.

Nang makaalis ang taxi saka lang ako nakahinga ng maluwag.

Shit! 

Anong ginawa ko kanina? Bakit ko iniharang ang sarili ko sa pangit na to? Paano kung pinutok nito ang baril? Di deads na ko ngayon.

Great! Wala pa akong balak mawala sa mundong ito. Agad kong hinarap si ms. Pangit.

"Nag-iisip ka ba! Anong magagawa ng cellphone na yon kung patay ka na!" Sinigawan ko siya. Pak-sheyt siya. Wala nga ata sa tamang pag-iisip ang pangit na to.

I was expecting na sisigawan din niya ako. Dun naman ito magaling ee. Ang mang bulyaw. Pero laking gulat ko ng naramdaman ko ang katawanan nito na dumikit sa aking katawan at ang mga braso nito ay biglang pumulupot sa akin.

Bigla akng nagulohan. Bakit ito nakayakap?

"Ano ang ginagawa mo? Hindi ako sanay na may taong yumayakap sa akin." Di yun excuse ha. Totoo ang sinasabi ko.

"Takot kasi ako sa dilim," mahina nitong saad habang di padin bumibitaw sa pagkakayakap sa akin.

Ano daw? Takot ito sa dilim? May kinakatakotan din pala ang pangit na to. E.sa holdaper nga nakuha pa nitong itanggi na ibigay ang cellphone.

Napabuntong hininga nalang ako. Dahan-dahan kong ini-alis ang mga nakapulupot niyang braso. "Here. Hold my hand. Tama na siguro yan para di ka matakot."

Bait ko noh? Offer ko sa kanya ang kamay ko kahit na di ko matantiya itong isang ito.

Aba. Di man lang nagdalawang isip. Hinawakan talaga niya kamay ko. Tas ang higpit pa ng pagkakahawak niya! Pero infairness ang lambot ng kamay ni Ms. Pangit.

Love me, Hate me : STRANGER [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon