CHAPTER XVI

13.6K 233 11
                                    

CASSANDRA POV


Pagkagaling sa silid ng isa sa mga patienti ko, bumalik agad ako sa station at kinuha yung mirror ko.

Haist. Tiningnan ko ng mabuti ang mukha ko. Naghahanap ako ng wrinkles. Feeling ko kasi tatanda agad ako sa kasungitan ng mga patienti ko. Ang SASAMA ng ugali! Yung mga bantay di nakakatulong makabawas ng trabaho ko. Bagkus nakakadagdag pa! Ang dami kasing reklamo. Akala naman nila ang dali-dali ng trabaho namin noh! Lima lang kaming nurse na onduty dito sa station B 2nd floor pero each nurse 20 patient ang hinahawakan. Saan ka pa? Wala ng pahinga! Di na nga ako maka-upo. Tapos susungitan lang ako? 

Gosh ang hirap! ANG TOXIC!!!!!

"Oh tapos ka na?" Usisa ni ian.

"Hindi pa. Babalik pa ko," nakasimangot kong sabi.

"Okay. Pero ayosin mo muna yang mukha mo. Nakakusot ee." Haist. Ngumiti ako ng pilit.

"Pwedi na?" Tanong ko habang naka-plastar yung ngiti sa mukha ko.

"Hahaha. Pwedi na." 

Tse!

Alam ko naman na bawat pag harap sa patienti namin, kahit gaanung di gusto o pagod ang nararamdaman di namin dapat ipinapakita yun sa mga patienti namin. Dapat presentable pa din kami tas naka-ngiti paghumarap kami sa kanila. Haist. Kapagod.

---

ALEXANDRA POV


"Da. Anong nangyari? Ang pangit mo." Aa. Sh*t! Tinakpan ko agad yung bibig ko.

"Gusto mo na naman ba ulit ng away ha?" Asar na sabi nito.

 Umiling-iling agad ako. Ang hagard niya. Pero syempre love ko pa din.

"Di maganda ang araw ko," reklamo nito.

"Nuod tayo ng movie gusto mo?"yaya ko. Para makapag unwind naman si da.

"Wag mong sabihin pinuntahan mo na naman ako sa oras ng trabaho para lang yayain?" nagsususpetsya nitong sabi.

I rolled my eyes. Kailangan na talaga nito sumagap ng sariwang hangin. Init ng ulo ee.

"Di da. Afternoon shift ako," kako.

"Duty mo pala mamaya ee. Di tayo niyan makakapag-sine," nayayamot nitong sabi.

"Pwedi naman akong mag absent..." at ayun ang sama na naman kung makatingin. Tsk.

"Bukas na lang alex. Cge tsupe. Umalis ka na," pagtatabot nito.

Buntong hininga. Parang lumevel up ata kasungitan ngayon ng da ko aa.

"Da meron ka noh?"

"Anung meron?" Nakakunot nitong tanong.

"Dalaw," bulong ko.

Inirapan ako? Confirmed. Hahaha.

"Cge da. Puntahan na lang kita sa inyo." At bago pa ito makapalag. Mabilis ko siyang dinampian ng halik sa labi ng masegurado kong walang nakatingin.

"Alex!!!!!!" She hissed at agad akong kumaripas ng takbo. Hahaha.

---

"Goodafternoon da," bati ko sa kanya. Kararating ko lang sa bahay nila. At napagbuksan ako ni da ng pinto. Nakaligo na ito at nakabihis panlakad.

"Goodmorning alex."

Wow. Ganda ata ng mood ng da ko. Nag pa kiss pa sa lips. Tas abot tenga pa ang ngiti. Sana mahanginan siya at palagi nalang siya ganito. Hahaha.

Love me, Hate me : STRANGER [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon