ALEXANDRA POV
"Ma. Tama na po yan..." kinuha ko sa kamay niya ang basong may laman na alak.
"Dumating ..na ba ang papa.. mo?"she stuttered habang inaangat nito ang mukha na nakasobsob sa mesa. Agad naman akong umalalay sa kanya at dahandahan kong isinandal ang likod ng kanyang ulo sa dibdib ko.
"Maghahating gabi na ma. Matulog ka na.." tiningnan ko ang wall clock.
11:36 PM. At wala pa din ang magaling kong ama.
"Mamaya na...h-hintayin ko na lang siya dito..asan na yung baso ko?" Napa-iling ako.
"Sa kwarto mo nalang hintayin ang lalaking yun ma..."saka ko siya tinulungan makatayo at alalayan siyang lumakad patungong kwarto.
"Matulog ka na okay?" Hiniga ko si mama sa kama. "Dadating na din un." Ng ipikit nito ang kanyang mga mata saka ko siya kinumutan at hinalikan sa may noo. Pagkatapos kong patayin ang ilaw lumabas na ako ng kwarto.
Dumeretso ako sa kusina at kumuha ng baso at yelo. Bumalik ako ng living room at tinungo ang alak na kanina ini-inum ni mama.
Nakakahalati na ito. Tsk. Saka ko sinalin ang alak sa aking baso. Iinom lang ako ng konti.
"Kailan ka pa natotong uminum xandra?" I huffed ng marinig ko ang boses na yun. Tiningnan ko ang orasan.
1:24 AM.
"When do you start caring?" Patuya kong sabi sa magaling kong ama.
"Don't use that voice to me xandra."
"Kakausapin kita sa paraang gusto ko!" Nakita ko na nasaktan ito sa sinabi ko.
"Di mo alam ang nang-yayari xandra.."
"Oh! Enlighten me man," sarcasticong sabi ko sa kanya. "Ano pa ang dapat kung malaman maliban sa pambabae mo?"
"Masasaktan ka lang kung malalaman mo ang katotohanan.." may pag-alinlangan nitong sabi.
"Hah! That was funny. Anong katotohanan huh? Na maliban sa pambabae may iba kang pamilya?" Sumbat ko sa kanya.
"It's nothing like that xandra.."
"Really? Then what?" Hamon ko sa kanya.
Pero di na ito nagsalita muli. Napa-iling ako. I hate him. Tumayo na ako at dumeretso sa kwarto para matulog.
---
Na-alinpungatan ako sa malalakas na sigawan na naririnig ko mula sa labas ng aking kwarto. Tiningnan ko yung orasan.
5:08 AM.
Great! Ang aga-aga naririnig ko na ang pagtatalo nilang dalawa. Kumuha ako ng unan at tinakpan ang aking tenga. Grr...
Alice!!!!!!!!!!!
Di na talaga ako babalik sa bahay na to!!!!
---
CASSANDRA POV
"Wow. Naka-uniporme ka ngayon aa. Graveyard shift ka?" Tiningnan ko yung wristwatch ko. 9:45 PM palang. "Early mo naman alex.."
11:00 PM kasi simula ng graveyard shift.
[A/N: yung di nakaka-alam ng graveyard shift. A.k.a night shift.]
Tumawa ito. Hala ano nakakatawa? "Eeee?"
"Kasi naman Da. Di ako early for my duty. Afternoon shift ako katulad mo."
"Ha? Ee bat ka andito?" Naku! Kung makatawa pa to.
"Bumalik ka na nga sa station mo." Nasa hospital kami pareho. Pinuntahan niya lang pala ako sa station ko. Pareho pala kami nasa gitna ng trabaho. Kala ko pa naman papunta palang ito sa station niya at napadaan lang.
BINABASA MO ANG
Love me, Hate me : STRANGER [GxG]
Romance5 days. May nakilala at nakasama akong girl na i never though i would be falling in love head over heels. Is it possible? Ni pangalan nito ay di ko alam.