---
PRINCE POV
Busy busyhan ako sa gabing ito. Naglilinis ako ng buong bahay. Mga ilang oras na lang dadating na din yung bestfriend ko.
Excited much! Makakasama ko na naman si bhebs. Yung solo talaga. Mahal ko pa din siya pero pinipilit ko naman ibaon sa hukay. Saka di naman masama ang humiling ng time sa kanya. Miss ko na kaya siya bilang bestfriend ko. Saka madami din akong gustong e-kwento sa kanya.
Katapos kong magligpit ng kwarto, nag simula na kong magluto para sa dinner namin.
Menudo. Tama kaya tong ginagawa ko? Napapakamot tuloy ako ng ulo. Di naman kasi ako marunong mag-luto ee. Hahaha. Gusto ko lang ipag-luto si bestfriend.
Nasa kusina ako ng marinig ko yung pagtunog ng door bell.
Wahh!!! Baka si bhebs na!
"Goodeve maam. Delivery po." Aa yung in-order ko lang pala sa mcdo yung napagbuksan ko ng pinto. Di kasi di pweding wala ang paborito ni bestfriend.
Katapos kong bayaran ang in-order ko, nag saing na ko ng kanin. Tiningnan ko na din for the nth time yung mga papanuorin naming movies ni bhebs. May mga bago akong binili na cd, lahat yun koreanovela. For sure matutuwa si bestfriend nito.
Isang oras na ang lumipas wala pa din si bestfriend. Kaya i decided to take a shower muna.
Kalalabas ko pa lang ng kwarto ng makarinig ako ulit ang pag door bell sa pinto. Pagbukas ko....
"PRINCE!" Sabay yakap ni bhebs sakin.
"Bhebs. Buti naman pumayag si tita," at hinalikan ko siya sa pisngi. Walang malisya yun ha. haha.
"Nagtaka ka pa. Malakas ka kay mama." natatawang saad nito."E-si tita busy nanaman ba?"
"Ou ee. May bagong kasong hinahawakan."
Yung tita na tinatanong ni bhebs e.sympre yung mama ko. Isang lawyer ang aking ina at madalas itong nasa opisina. Dalawa kami ni mama ang nakatira sa condo ko. Gusto ko sana ikuha siya ng sarili niyang unit pero masasayang lang daw kasi di naman siya palaging makaka-uwi. Masyado itong busy sa trabaho.
"Hmm? Ano yung naaamoy ko?" Sisinghot-singhot na sabi ni bhebs.
"Ako lang yun bhebs. Ang bango ko kasi. Hahaha," lakas ng kompyansa kong sabi sympre katatapos ko pa lang maligo.
"Asa prince! Bakit ulam ka ba? Ang sarap mo pa lang kainin," tudyo nito. Di ko tuloy di mapigilan di mag-blush.
"Tara nga. Tikman mo..yung niluto ko. Hahaha. Tikman mo kong tama na ang timpla." Saka kami nag tungong kusina.
"Kailan ka pa nagkaroon ng interest sa pagluluto?"
"Ngayon lang," kako.
"Cge. Tikman nga natin...." ayun sumubo si bhebs.
"Hmmm....." si bhebs.
Anung hmm kaya yun?
Hmm na masarap? O yung hmm na masarap na masarap. Haha.
"Bhebs? Kain na lang kaya tayo. Nakakadami ka ng subo ng ulam ee" hahaha. Yes! Nagustohan niya.
"Hahaha. Tara na nga. Gutom ako ee. Kahit kulang ng timpla ang menudo mo pagtiyatiya-gaan ko na to."
"Ganun? Pagtyatya-gaan pala ha?!" Kinuha ko yung lalagyan ng menudo."Cge. Di ka pwedi kumain nito." I pouted. Nag sandok ako ng kanin saka sinimulang kumain.
"Prince naman ee. Wag madamot. Akin na yan!"
"Ayoko!"
"Cge. Aalis ako?!" Banta nito. Tsk. Yan. Diyan magaling yan si bhebs ang magbanta porket malakas siya sakin. Tsk.
BINABASA MO ANG
Love me, Hate me : STRANGER [GxG]
Romance5 days. May nakilala at nakasama akong girl na i never though i would be falling in love head over heels. Is it possible? Ni pangalan nito ay di ko alam.