CHAPTER IV

22K 482 16
                                    

Day 4.



GIRL 2 POV*

Katatapos lang namin kumain ng lunch ni ms. Batugan, iyon parin ang tawag ko sa kanya. Sa labas na kami kumain, iyon naman ang gusto niya. Saka, di naman ako ang mag babayad kaya go lang ng go. Komportable na akong kasama siya, pero madalas di padin kami magkasundo. Tsk.

Ngayon nga ay nasa isang ice cream shop kami. Libre nanaman niya ako syempre. Nakakahiya na nga. Napapagasto siya sa akin. Pinapatulog na nga ako sa room niya. Pinapahiram ng mga damit. Pinapakain pa ako. Hehe. Swerti ko naman diba? Mabait pala talaga itong kasama ko, may saltik nga lang. Kaya sa sobrang hiya ko nag pabili ako ng pinakamahal na ice cream dito. Hahaha. Yum! Sarap ee.

"Saan mo gusto pumunta after dito?" tanong niya saakin.

Wow. Ayaw pa nitong umuwi? Yehey. Makaka-gala pa ako.

"My toms world ba dito? Punta tayo?" Sabi ko habang inu-ubos ko pa din yung ice cream ko.

"Ano ka bata? Ayoko nga dun." Ayan reklamo na siya.

"Bakit?! Matanda ka na ba?" Pananabla ko sa kanya.

"Ei..." magrereklamo pa siya pero inunahan ko na.

"Lola ko nga pumupunta pa sa toms world aa. Cge na kasi," pilit ko sa kanya.

Napabuntonga ito at di na nagsalita.

Yes! Payag na ito.

I win!

---

GIRL 1 POV*


Toms world.

Tsk. Pambata naman dito ee. Ewan ko ba minsan di ako makatangi sa pangit na to. Bakit kaya? Lakas lang siguro ng convincing power ni ms. Pangit. Yun lang yung dahilan nun, wala ng iba pa. Hmp.

"Ang cute ng spongebob! Gusto ko yun?" Turo niya sa spongebob stuff toy na nasa loob ng machine. Tsk. Excited much naman ito. Nag-twinke twinkle pa yung mga mata. Ahaha.

Ito lang ba pinunta niya dito? Pwede naman makabili niyan ng hindi pa pinagpapaguran. Baliw lang.

Ayan. Hulog na siya ng hulog ng tokens. Nakaka 10 tokens na siguro siya pero di padin ma bingwit-bingwit yung spongebob.

"Tabi ka, ako nga." Tinabig ko siya. Ako ang napapagod sa ginagawa niya.

Hulog ako ng token. Yung joy stick gamit ko para ma control yung kamay nabibingwit sa spongebob. Ng nasa tapat na ito, saka ko pinindot yung button. Ayun! Inangat na yung spongebob! Ngiti-ngiti ako.

Mukhang isang subok lang to makukuha ko agad yung stuff toy. Watch and learn ms. Pangit. Nilingon ko siya saka ako nag-smirk. Bwahaha.

Ayun inirapan lang niya ako.

Mas lalo siyang pumangit!

Wait! What! Biglang nahulog si spongebob di paman nakakarating sa drop box. Tsk. Kainis. Kuha ulit ako ng token.

Waah!!! Ang hirap pala nito. Nakaka-ilang subok na ako ayaw magpa-bingwit ni spongebob. Takte!

"Huh? Kaya pa?" Tsk. Ngiti-ngiti ng nakakaloko si ms. Pangit. Sarap basagin yung machine!

"Tara na nga!" Yaya ko sa kanya. Nakaka-badtrip naman yun.

"Cge na nga. Lumalabas nanaman kasi saltik mo. Yabang kasi." Pang aasar pa nito.

Love me, Hate me : STRANGER [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon