GIRL 2 POV
"Ineng..." narinig kong sabi ni manong driver.
"OH MY GAWD! MANONG HOLDAPER KA DIN?!" I freak out.Wala akong ibang gustong gawin sa oras na ito kundi lapitan si Ms. You-Know-na pero it was unnerving na hindi ko mapigilan ang aking sarili na harapin si manong driver dahil sa pag-hinto ng jeep na sinasakya namin.
Parang bumalik yung masamang alala ng una naming pagkikita ni Ms. Bugnotin. I was praying na sana di ito isa sa mga kamalasan ko sa araw na ito.
"AHH. BARIL! BARIL!" Nag-titili kong sabi ng makita kong may binubunot si manong driver.
"Ha? Ineng..mag hulos dili ka. Di ako masamang tao.."nakita ko ang hawak-hawak ni manong driver.
"Jack?" nalilitong sabi ko.
[a/n: jack- mechanical device]
Narinig ko na may nag pipigil ng tawa sa likod ko. Pag lingon ko, nakita ko na hawak ni ms. You-know-who yung bibig niya. Napa-pout tuloy ako. Pinagtatawanan niya ako. Huhu."Nasiraan lang tayo ineng," hinarap ko ulit si manong driver. Di ko mapigilan di mag blush.
"Mano naman ee. Bat di mo agad sinabi! nakakahiya." Nagmamaktol kong sabi. Super nakakahiya! Baka isipin nila my sira na ang ulo ko. Nila. May mga tao na din kasi na nag silapitan at nakiki-usyoso, marahil dahil sa pag-tili ko.
"Aba itong batang to. Ako na nga itong pinagbintangan mo. Wag ka kasi magtititili agad ineng.." ayun na sermonan tuloy ako ni manong.
"S-sorry po." Napakamot na lang ako ng ulo. Di naman nila ako masisisi, nakaka-trauma kaya yung nangyaring holdapan sa macao.
Tsk!
Nung muli kong lingonin si Ms. Bugnotin wala na ito.
Shit! Asan na yun?
"Excuse po," sabi ko habang bumababa ng jeep. "Wala pong shooting dito." Sabi ko sa mga taong nakiki-usyoso padin. Sinimulan ko ng mag palinga-linga.
Asan na kasi yun..
Ayun nakita ko siyang naglalakad. Sinimulan ko na siyang habolin, medyo nakakalayo na kasi ito sakin. Gusto ko siyang tawagin pero anu sasabin ko?
Ms.bugnotin?Ms. Burara?
Ms. Batugan?
Ahh!!! Bat kasi di ko alam ang pangalan nito.
Hmm?
Napatingala ako sa building na pinasokan nito.
Dito din yung condo ni prince aa. Dito din kaya ito nakatira?
Aa sh*t ! Na wala ito at di ko na nahabol pa. Nakasakay na seguro ng elevator.
Haist!
Bakit kaya ganun. Parang iniwasan niya ako.
Paano ko siya hahanapin e ang laki-laki ng building na to. Pero releive kasi atleast alam ko na saan siya nakatira.Kaya pinuntahan ko agad si Prince sa unit niya.
"Prince. Nakita ko na siya. Dito din siya tumutuloy." untag ko sakanya ng mapagbuksan niya ako ng pinto."Ha...?"
"Wag ka ngang 'ha'. Makinig ka muna." Naka-dependi dito buhay ko. Parang sira lang.
"May kakilala ka ba o nakita . O kaya nakakasalubong na babae na maputi. Maganda. Mahaba yung buhok kulay chesnut. Tapos..maganda din yung katawan. Pero kung manamit para lang tatambay sa kanto..."
BINABASA MO ANG
Love me, Hate me : STRANGER [GxG]
Romance5 days. May nakilala at nakasama akong girl na i never though i would be falling in love head over heels. Is it possible? Ni pangalan nito ay di ko alam.