GIRL 2 POV
"Bhebs! Hoy ! Ilang weeks ka ng ganyan," nag-aalalang untag sa akin ni prince.
I sighed. "Wala akong gana. Sayo na lang," tinulak ko yung pagkain ko sa kanya.
Dinner break. We were in the cafeteria. Pareho kaming nag tratrabaho ni prince sa hospital. Isa pala akong nurse.
"Tsk. Anu ba kasi ang nangyari sayo sa Macao? Simula ng umuwi ka palagi ka na lang ganyan."
Buntong hininga ulit. Di ko pa kaya sabihin kay prince ang mga nang-yari sakin sa Macao.
'xaxa d. ' hinanap ko siya sa fb pero wala akong mahagilap. Baka nag palit na ito ng pangalan sa fb or kaya deactive nito yung account niya. Haixt.
Paano ko siya mahahanap ngayon? Ako kaya hinahanap niya? Galit kaya ito? O baka nakalimutan na niya ako? E.yung nangyari samin? Tsk. Ang dami kong tanong.
"Kailangan mong kumain kahit konti. Di pa tapos shift mo. Please for me." nag aalalang saad nito.
Hindi ko naman mahindian tong bestfriend ko kaya kumain ako ng konti.
"Ano yan? Moment na naman kayo!" Kantiyaw ni jana. Nagsidatingan na yung ibang staff.
"Date na ba yan? Bakit di nalang totohanin kasi," tinapik ako sa balikat ni Leon.
"Mga sira-ulo!" Bulyaw ni prince, pulang-pula ang mukha nito. Buti nalang wala ng masyadong tao sa cafeteria, nakakahiya.
"Doon na nga kayo sa table niyo. Istorbo," sabi ko.
"Oh! Storbo daw tayo sa date nila! Hayaan silang mapag-isa ng magkatuluyan na! Hahaha." Tsk. Lakas talaga mang asar itong si leon.
Pfft. Sila na ang open minded.
---
Lumipas ang mga araw pero di ko padin alam kong paano hahanapin si Ms. Bugnotin.
"Prince! Bat ka andito. Diba off mo?"paalis na ako ng bahay ng madatnan ko siya sa labas ng gate.
"Hatid na kita. Gabi na ee, delekado."
Syempre naman pumayag ako. Night shift ako ngayon ee.
"Wag mong sabihin umalis ka ng condo mo para lang ihatid ako? Ang sweet naman ng bestfriend ko." On the way na kaming hospital.
"Hahaha. Hindi no! Ano ka sine-swerte? May bibilhin lang ako kaya dinaanan na kita." paliwanag pa nito.
Dinaanan daw! Nik-nik niya! Papalusot pa.
"Cge ingat ka! Wag tatanga-tanga!" sabi ko ng makababa na ko ng kotse niya.
"Haha. Bhebs ikaw kaya yun! Cge bye. Aja!" I laugh. Kahit papano napapatawa ako ng bestfriend ko.
---
Katatapos lang ng nursing rounds. Check ko muna records ng mga patienti ko sakali my new doctors order. Pagkatapos prepare ko na yung mga medicine na iinumin ng patienti ko.
Katapos ko ulit mag ikot, i check all my patients Vital Signs.
Nakakapagod. Nakaka-antok. Nakakagutom.
Nasa nursing ward ako ng dumating si prince. Napakunot ako ng noo. "Anung ginagawa mo dito?" Almost 1 am na kasi.
"Taran." May bitbit itong dalawang supot ng andoks.
"Sakto gutom ako." Sabay lapit ni Ian. Isa siya sa mga nurse on duty ngayon.
"Para kay bhebs to noh! Hindi para sayo." Iniwas ni prince yung dala niya ng akmang aabotin ni ian yung foods.
BINABASA MO ANG
Love me, Hate me : STRANGER [GxG]
Romance5 days. May nakilala at nakasama akong girl na i never though i would be falling in love head over heels. Is it possible? Ni pangalan nito ay di ko alam.