CHAPTER XI

15.1K 264 9
                                    

ALEXANDRA POV


"Next movie?" Tanong ko kay cass.

"Ito," she waved the cd in front of me.

I rolled my eyes. "Ang hilig mo naman sa koreanovela Da."

"Ei...kakakilig kasi sila," she giggled. Ang cute naman ng Da ko. Hehe

"Parang tayo?" Sabi ko saka ko nilapit yun mukha ko sa kanya.

She blushed saka tinulak yung mukha ko palayo. Aist!

"Wag kang magulo. Manunuod ako." Namumula nitong sabi.

Weh. Reasons niya. Hmp.

Cge. E.di mag-concentrate manuod. Psh.

Hmm?

Teka may napapansin ako.

"Oh bakit?" Tanong ko. Kanina ko pa siya nahuhuli patingin-tingin sa akin.

"W-wala.." sabi nito. Wala daw tapos nag blu-blush? Ano kaya yun?

Hmmm..

"Inggit ka no?" pabiro kong sabi sa kanya.

"Inggit saan?" pa-inosenting balik tanong nito.

"Alam mo da. Wag kang ma-inggit sa pinapanuod mo," kako.

" If you need a hug," binuka yung braso ko.

"If you need a kiss," ngumuso ako. Mas lalong pumula ang mukha nito. Haha. Ang cute talaga!

"Hindi kayo ako na iinggit! Tsee!" Saka niya ako binato ng unan. Aist. Nahiya pa yung da ko. Hahaha.

"Halika nga." Malambing kong saad dito. Hinablot ko siya ng marahan papalapit sakin. Di man lang pumalag hehe. Ayan naka-hug na siya sa may bewang ko. 

>>im crazy for you..touch me once and you know its true..i never wanted anyone like this..its all brand new..<<

"Ano yun?" Si cass.

"Alin?" Tanong ko.

"Ringtone mo?" Napamaang siya.

>>coz im crazy for you..<<

"Aa..." phone ko nga. May tumatawag pala. Pinalitan ko pala ringtone ko. Hehe. Ito kasi favorite song ng Da ko. Tas special tong kantang to dahil dito nagka-ayos kami ni Da. 

Sinagot ko muna yung tawag. "Yes?"

"Umuwi ka lang muna dito." Kapatid ko yung nasa kabilang linya.

"Bakit?" Alam naman nitong ayoko na sa bahay na yun. Kaya nga kumuha ako ng sarili kong condo.

"The same reason..."sabi nito. 

Aist. Alam ko na ibig sabihin niya. Okay na lang ang naging tugon ko.

"Da?" Tawag ko kay cass after ko makipag-usap kay alice sa phone.

"Hmm .?" Saka nito pinatong yung ulo niya sa balikat ko.

"Umm...kelangan kong umalis..."

"Ha?" tiningala niya ako."Saan ka pupunta?" Nakasimangot na tanong nito.

"Wag ka ngang nakasimangot. Lalo kang nagiging pa--" Pangit sana sasabihin ko pero di ko na tinuloy. Haha. Makukutusan ako ee. Kaya hinalikan ko na lang ang noo nito.

Napangiti naman ito sa ginawa ko.

"Punta lang ko sa bahay Da. Sister ko yung tumawag. Ihahatid na kita?"

Love me, Hate me : STRANGER [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon