CHAPER XXV

9.5K 183 21
                                    

CASSANDRA POV

Ilang days na ako hinahatid sundo ni alex sa bahay at sa hospital. Nakapagtataka at lage kaming pareho ng duty hours.

At mas lalong nakapagtataka ang pamamalagi itong nasa bahay. Nung una nga halos iwasan nito si mama. Pero ngayon parang fume-feeling close tung si alex. Kinakabahan tuloy ako na baka may binabalak tong si da.

But so far, pag nasa bahay kami wala naman itong ginagawa na makakapag-duda kay mama na my relasyon kaming dalawa.

"Sandra hali na kayo kakain na," tawag ni mama.

At gaya ng mga nakaraang araw nandito si alex sa bahay.

"Da. Tara kakain na daw."

Tumango ito at nilaro-laro si Saber for another seconds saka nito tuluyang binaba yung pusa.

Sabay na namin tinungo yung kitchen.

"Maghugas ka muna ng kamay. Kanina mo pa hawak-hawak si saber." Sita ko kay da ng pa-upo na ito.

Ngumisi ito. "Yes maam."

Pagkatapos ni da maghugas ng kamay tumabi na ito sa akin.

Pancit at manok ulam namin ngayon.

Sarap ng kainan.

Nagkwekwentohan na din sina mama at alex. Habang ako tagapakinig lang. Oh diba? Feeling close na yung dalawa.

Ng out of the blue nagtanong si mama.

"Alex. Kailan ko makikilala ang mga magulang mo?"

Choke~

"Tuu-biig.." bumara ata yung pagkain ko sa aking lalamunan dahil sa biglaang tanong ni mama. Inabot ni da yung baso ko. I took a huge gulp.

"Soon po." Sagot ni alex.

Cough~

"Da ayos ka lang?"tinapik tapik ni da yung likod ko.

Sh*t! Nabilaukan ako sa sagot ni da.

SOON?

Tiningnan ko si da. Yung tingin na nagtatanong ng what-the-heck-are-you-talking-about look. Ganun!

Ngumiti lang ito.

Aba ! Ayoko sa ngiting yan!

Gusto kong sindakin si da sa titig ko sakto ang pagdating ni casey.

"Uy pancit! Sakto gutom ako." Agad itong umupo sa tabi ni alex at nagsalok ng pancit.

"Bat di na napupunta dito si princess?" Tanong ng kapatid ko habang sumusubo.

Napunta ang attensyon ko sa kanya and I rolled my eyes. Ito na naman kami sa Princess! Sinabihan ko na siyang lagyan niya ng ATE.

"Ewan. Busy." Kako.

Napa-pout ito. "Sabihin mo kay princess miss ko na siya. Bute pa tong si alex lagi nandito." Napatingin ito kay alex.

Alex shrugged her shoulder. "May dinadalaw kasi ako ee."

Napatingin ako kay da dahil sa sinabi nito. Warning bells!

"Dinadalaw?" Ulit ni casey.

Alex nod. " Lage ko kasi siyang namimiss..."

Pinanlakihan ko ng mata si alex.

GED!!!!!!

"Kaya kailangan lage ko siyang nakikita." Pagpapatuloy ni alex.

WAAH!!!! AATAKIHIN AKO SA PUSOOO!!!!!!!

"Sino?" Interesadong tanong naman ng kapatid ko. Sabay tingin sa akin. Habang si mama naman ay nakatingin kay alex.

Love me, Hate me : STRANGER [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon