FINAL CHAPTER

15.4K 335 47
                                    

CASSANDRA POV


---

AIRPORT.

AT THE DEPARTURE AREA.

Flight 29 was called.

"Sh*t! Saan na naman nag-sususuot tung si prince." Reklamo ko.

"Kasama na naman seguro ni mikaela." Sabi ni mama. "Nagiging malapit na ang dalawang yun."

Nakita kong napa-ismid si casey sa sinabi ni mama. Napakunot ako ng noo pero di na ako nag-komento pa.

"Pero hindi ngayon ang tamang oras para maglakawatsya ." sabi ko pa.

"Pag kami napag-iwanan ng eroplano humanda sakin si prince."

"Dadating na seguro yun." Palinga-lingang sabi ni mama. At Saka naman ang paglitaw ni bestfriend.

"S-sorry.." hingal na pagdating ni prince.

"Your late princess!" Pinamewangan ko siya. "Aalis na ang eroplanong sasakyan natin."

"Kasalanan ng kapatid mo." She mumbled as she catch her breath.

"Ano?" I asked. Ano binubulong-bulong nito?

"Wala." agad na sabi nito. "Asan na sina arra at rey?"

"Nauna ng pumasok sa loob. Tara na. Pasalamat ka bestfriend kita at nagtyatyaga akong hintayin ka." Pagtataray kong sabi.

Napakamot nman ito ng ulo. "Okay-okay" at saka napatingin kay casey.

"Hi bansot." Sabi ni prince sabay ngiti.

"Hi." Tipid na sagot ni casey.

"Ate. Ma.." baling ni casey sa amin. "Alis na ako."

"Okay." Tumango naman ako.

Agad na umalis si casey. Pero bago ito umalis..mabilis nitong tinapunan ng tingin si prince.

Nagkatitigan kami ni prince.

"Ano problema nun?" takang tanong nito sa akin.

Malay ko?

"May ginawa ba akong kasalanan dun?" Tanong padin ni prince.

"Malay ko. Baka may dalaw." 

"Hayaan niyo na ang kapatid mo sandra." Si mama. "Hala cge na.. baka maiwanan na kayo ng eroplano.." pag-papaalala ng aking ina.

Ah. Sh*t! Mapag-iiwanan na kami ng flight namin. "Cge ma.. alis na kami." Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.

Gumanti nman ito ng yakap.

"Masaya ako at sa wakas nakahanap ka din ng oras para magbakasyon at magpahinga..sandra..kailangan na kailangan mo tu. Mag-iingat kayo.. yung apo ko wag niyo papabayaan.."pag-papaalala ulit ni mama.

Ngumiti ako. "Ma . I will."

"You deserve to be happy." dag-dag pa nito sabay halik sa pisngi ko.

"Thank you ma."

---

As our plane took off.. di ko maiwasan di isipin kung ano kaya.. ano kaya kung di na kami bumalik. What if manirahan na din kami sa ibang bansa?

Just for a change..

Baka na sa ibang bansa ang buhay ko.. at wala dito sa pilipinas.....

Huh?

"Spacing out bhebz." Untag sa akin ni prince.

I sighed and sat comfortable on my seat.. saka ko siya nilingon.

Love me, Hate me : STRANGER [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon