CHAPTER XVIII

11.5K 200 14
                                    

CASSANDRA POV


"A-aaleex...?"

Kinakabahang  saad ko. Napasugod ito sa ganitong oras ng gabi . May problema na naman ba?

Ilang minuto na ang lumipas, di pa din ito kumakalas sa pagkakayakap sakin. Di din ito umiimik. Nakatayo lang kaming dalawa at pinapakiramdaman ko lang siya.

"Aalex..." tawag ko ulit sa pangalan nito. Pero lalo lang nito hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. Mas lalo tuloy akong kinabahan.

"Payakap lang muna..." ang nasabi lang nito at lalong siniksik ang mukha niya sa leeg ko. Kahit na may risk na maabutan kami ng aking ina sa ganitong posisyon. I hugged her back. Mahigpit.

"Da..."

"Hmmm....?"

"Ang lambot mo..." sabay ng pahigpit ulit ng yakap nito.

Hmmm?

"Ang sarap mong yakapin..."

Aissst! Nag-init ang pisngi ko sa komento nito.

"Ikaw din..."ang na sabi ko. Kahit nahihiya ako.

"Ang labot ng..."

"Ng..?????" Pagpapatuloy ko sa sasabihin niya.

"Alam mo na."

Aist!!! 

Gets ko kaya siya! Sabay tulak ko sa katawan niya palayo sa akin.

Makukutusan ko siya!

"PURO KA ---" biglang nahinto ako sa gagawin kong pagsigaw sa kanya ng: PURO KA KALOKOHAN! Yup. Yun dapat sasabihin ko.

Pero di ko nga nagawa ng makita ko ang mukha ni alex. Parang galing ito sa pag-iyak. Mapula at mugto pa ang mga mata nito.

Inabot ko ang kanyang mukha at hinaplos. Mabigat sa pakiramdam ang lungkot na nakikita ko sa kanyang mga mata kahit na ba may pilyong ngiti na naglalaro sa mga labi nito.

Hinawakan ni alex ang kamay ko na nakapatong sa mukha niya. She closed her eyes and pressed my hand closer to her face.

"Alex..." nawala agad ung inis ko. Napalitan yun ng pag-aalala.

"Im okay da..i'll be fine..." she uttered, i think she was reassuring herself rather than me.

Napabuntong hininga ako ng malalim.

Sana nga. Saka ulit ito ngumiti ng pilit.

---

Alex and I was sitting at the sofa for quite a while. Kani-kanina lang pinagtimpla ko siya ng kape at ng bumalik ako galing kusina naabotan ko itong tulala.

Haist.

Ayokong basagin ang katahimikan na namamagitan sa aming dalawa dahil mukhang malalim na naman ang iniisip nito.

Nakamasid lang ako sakanya. Anu ba ang problema nito at di masabi-sabi sakin? I wished she could just tell me her problem. Baka sakaling makatulong ako.

Naputol ang aking pag-iisip ng bigla kong naramdaman ang mainit na kamay ni alex na humawak sa kamay ko. "Could i stay for the night?"

Tiningnan ko siya sa mata. Tama ba narinig ko? Nung isang araw lang halos ayaw niyang pumunta sa bahay para makaiwas sa aking ina.

Pero di na ako nagtanong pa. "Okay.. Gusto mo na bang matulog?" tanong ko sa kanya. Nakikita ko ang kapaguran sa kanyang mukha.

Tumango ito. Tumayo na ako kaya tumayo na din siya.

Love me, Hate me : STRANGER [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon