CHAPTER XXII

8.3K 176 9
                                    

ALEXANDRA POV


Gabi na.

And so far da and I are good. Super good. Masaya ako at tinatawag na niya akong 'da'.

Oh Kay tagal kong hinintay ang araw na to.

"Ddaaa..." feeling ko parang slow mo yung pagkaka-bigkas niya sa word na yun. At automatiko akong napangiti. 

"Ddaaa..."

Tumambling yun heart ko.

Ewan. Ganun yung epekto sa akin.

"Hoy!"

"Ha??" Ako. Hehe

"Sabi ko gusto mo pa ba ng kanin?" Si cass at nilagyan niya yung plato ko Di paman ako umu-oo. Nilagyan na din nito ng tubig yung baso ko.

Ayii. Maasikaso si da ko.

Habang ako naman ay...

Nakangisi lang.

Titig na titig lang sa kanya. At parang baliw na ngiti-ngiti.

Kumakain ako habang patingin-tingin sa kanya.

Hmm.."Da kanin pa nga."

"Wow.. kanin pa? Takaw mo ata ngayon da." Si cass at nilagyan ulit ng kanin yung plato ko.

Di naman ako matakaw. Magana lang! Hehe. Maganang kumain!

Tapos na si da at ako naman ay kumakain pa. Haha. Who said na pag-inlove di makakain?

"Da.. wag mo naman akong titigan. Di ako makakalunok niyan." Biro ko.

"Wala na kasi akon ibang gagawin. Taposin muna kasi yan." Ngumiti ito.

Wossh.. bilisan ko na nga kumain baka matunaw ako sa titig ni da ee 

Katapos kong kumain tinulongan ko si da maghugas ng pinggan.

Nagsasabon kami ng plato at nagkukulitan ng sumulpot si lola medy.

"Hija. Nariyan mga kaibigan mo," saad ni lola.

"Ho?" Nagulat si da.

"Bakit la ba kayong usapan na pupunta sila ngayong gabi?" tanong nito.

Ano ba yan. Katapos plang nila magkita-kita kaninang lunch. Tas nagkasama-sama sa ilog ..

Pati ba naman sa gabi? Di ba pweding bukas naman? Tss..

Umiling naman si da sa tanong ni lola medy.

"Baka nilulubos-lubos lang nila na narito ka. Cge bilisan niyo na jan." Ayun at bumalik na si lola sa sala.

Agad na din naming tinapos ni da yung paghuhugas saka namin nilabas yung mga kaibigan niya.

Naka-pwesto sila sa ilalim ng puno na my bench. Nilagyan na din nila ng mesa at extra chairs para maka-upo yung lahat.

At ayun.. nakita ko.. nandun YUNG bb.boy. tsk. Completo lahat ng kaibigan ni da maliban kay megan. Sana yung bb. Boy nalang yung wala.

Bago kami lumapit..

"Da?" Cass asked. Syempre nag-away palang kami kanina nuh.

"Ayos lang ako." Sabi ko. Kahit hindi. Psh..

Kahit na sinabi pa ni da na di nanliligaw yung bb. Boy na yun at kahit sinabi pa niyang wala lang yung tawagan nila. Di ko pa din ata mapigilan di mag-selos.

Ng tuluyan kaming makalapit..

"Na-miss ka ni rey kaya nandito kami. Hahaha." Si gwen. Siya ang numero UNO na mapang-tukso sa reymart and cass love team. Sarap sakalin.

Love me, Hate me : STRANGER [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon