CHAPTER X

16.2K 319 13
                                    

"Hello," bati ni Girl 1 kay Girl 2.

"Hi," sabi naman ni Girl 2.

Kung maka-asta yung dalawa parang unang beses palang nilang magkita.

"Can we start again?" May kabang tanong ni girl 1. Pero nawala ang agam-agam nito ng ngumiti si girl 2 na umabot sa mga mata nito. Di tuloy mapigilan ni girl 1 mapangiti kahit na naluluha na siya.

"Okay... lets start," sang-ayon ni girl 2 at Inilahad ang kanang kamay kay girl 1.

"Im Cassandra Gonzales. 21. Cass for short. Isang akong nurse," teary eyed na pakilala ni girl 2 but still wearing a big smile on her face.

"Alexandra Salvador. 20. Alex for short. A midwife by profession." Girl 1 beamed sabay abot ng kamay ni girl 2. "Nice meeting you Cassandra."

"You too. Alexandra."

---

CASSANDRA POV


"Ma may gusto ka bang sabihin? Kanina ka pa di mapalagay sa kinauupuan mo." Nasa bahay ako habang nanunuod ng tv. Isa ito sa mga araw na inaabangan ko, ang aking day off.

"Sandra. Ano kasi.." di nga mapalagay na sabi ng aking ina.

"Anong anu kasi. Ma?" Pagpapatuloy ko sa gusto nitong sabihin.

"T-tumawag ang iyong.... ama," mahinang sabi nito.

"Ma. Naman ee..." nayayamot kong sabi. "Ang tyming mo! Umagang-umaga sinisira mo na mood ko." Ang saya-saya ko pa lang kagabi dahil okay na kami ni Alexandra. Ayii!!! Alam ko na ang pangalan niya! 

Tapos babanggitin lang ni mama ang taong yun?

"Sa pagkakatanda ko wala na akong ama," patuloy ko.

"Sandra naman," saway nito. Pfft.

"Alam ba ni casey?"

"Hindi. Pero mamaya--" sumingit na ko sa iba pa nitong sasabihin.

"Wag niyo na lang po ipaalam ma. Ayoko na magkaroon pa kami ng ugnayan sa taong yun." Matabang na sabi ko.

Yup. Hindi na namin kasama ang aming ama. He is not dead. Pero i already consider him good as dead. Di naman kami broken family. How come? Kung sa simulat sapol palang di naman kami naging kumpleto. Ako. Ang kapatid ko. At ang mama ko ay di legal na pamilya ng ama ko.

"Pero sandra. Your father wants to help."

"Ma naman ee. Wala na ba tayong pride niyan? Hindi ko kailangan ng tulong niya. May trabaho na ako. Kaya ko na din pag aralin si casey."

Aist.

Ang mahal kong ina. Masyado itong mabait kaya siguro nag-paloko sa magaling kong ama. Tsk. Sabihin ba namang pinatawad na nito ang lalaking yun? Kalokohan!

Naputol ang pag-uusap namin ni mama ng may narinig kaming katok sa pinto.

"May inaasahan kang bisita?"tanong ng aking ina, akmang tatayo ito para buksan ang pinto.

"Ako na ma," salo ko.

Di ako makapaniwala kong sino ang napagbuksan ko ng pinto.

"Goodmorning!" Masiglang bati nito. Whoow. Nag salita ito ! Di ako namamalikmata. Bigla akong na-excite ng...

"Sino yan sandra?" Sumulpot sa aking likoran ang aking ina. Pinigilan ko tuloy ang sarili ko na yakapin siya.

"Er.....ma. Ano...si..." paano ba?

"Alexandra po. Goodmorning po MA," bati nito sa aking ina. 

Nalaglag ang  panga ko sa sinabi nito. Lumapit ito at nag 'mano' sa aking ina. Ng makabalik siya sa aking tabi siniko ko siya. Anong 'ma' ang pinag-sasasabi nito. Di pa ako handa magtapat noh. Pareho naming napag-decisyonan na itago muna ang kung ano mang meron kami. Kala ko ba kukuha pa kami ng tyempo?

Love me, Hate me : STRANGER [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon