CHAPTER III

19.7K 378 6
                                    

GIRL 2 POV*

Day 2.

Kinurap-kurap ko ang aking mga mata. Puting kesame?

Lumingon ako sa kanan. A window with a red curtain?

Paglingon ko naman sa kaliwa. Na higit ko ang aking hininga. I was too close, staring a pretty face.

Hmm...

Di naman pala nakaka-irita ang pag-mumukha nito pag tulog. Mas lalo ko tinitigan ang mukha nito.

Ang ganda naman ng kilay niya. Gusto ko ganyan din ang kurba ng kilay ko.

Ala...Ang haba pala ng pilik mata nito. Di ko man lang napansin nung mag kasama kami.

Ay! Ang cute ng ilong. Sarap pindotin. Haha.

Saka yung lips...

Dali-dali ako napa-upo. Hala! Bigla akong may uneasiness na naramdaman. Pinitik ko ang aking ulo. Gutom lang seguro to?

Napalingon ulit ako sa kanya. Ang himbing ng tulog ni ms. Bugnotin. Tsk!

Kumuha ako ng unan at tinakpan ang mukha nito. Haha. Ayan maganda na ang view.

Saka ko pinagmasdan ang kabuoan ng kwarto nito. Wow. Ang laki ng silid. So mayaman pala ang babaeng ito? Di nga? Ee.di ako makapaniwala. Wala sa pananamit nito. Promise! Kung manamit ito parang lang tatambay sa kanto. Haha.

Pansin ko divider lang ang nag hihiwalay sa kwarto at sala. Mula sa kina-uupuan ko, nakikita ko ang isang flat screen tv with mini speaker and dvd player. Naka aircon din ang kwarto. Tsk. Tsk. Ang gara!

Bumangon na ako ng tuluyan at lumabas ng kwarto.

Anung oras na kaya?

"OH MAY GAWD !!!!!!!" di ko mapigilan di mapasigaw.

Grabe ang kalat ng sala! 

Basurahan ba dito? Ang daming naka-kalat sa sahig, sa mesa pati sa sofa. May box ng pizza sa table. Junk foods. Celophane ng jolibee. Chowking. Ocho. Mga take out orders. Basta madami. Tapos ang sahig? Wow. Andun na ata lahat ng pagkain. Eww!! At ang matindi? Mga bote ng alak everywhere!

Gosh. Lasenggera! Si ms. Bugnotin. Ms. Batugan. Ms. Burara pa pala! Tsk.

"Ang aga-aga ang ingay mo. You know?" Lumabas mula sa kwarto si ms. Burara na kukusot-kusot pa ang mata. Tiningnan ko siya ng masama.

She rolled her eyes. "Kaya pala minamalas ang araw mo. Sinisimulan mo kasi ng pagsusungit."

Tinaasan ko siya ng kilay. Aba! Aba!

Namewang ako. Nilagay niya ang isang daliri sa lips ko bago paman ako makapag salita.

"SSHHHh...." Pero para naman itong napaso at agad na binawi ang kamay.

"Ito nanaman tayo. Save your breath. Gusto ko ng maligo." At ayon agad akong tinalikuran at pumasok na sa banyo.

Arggh!!!! Panira ng araw!

'Sana palagi ka nalang tulog!'

---

Tirik na tirik na ang aking mga mata sa gutom. Na sa kwarto ako habang naka sandal sa headboard. Kanina pa umalis si ms. Burara at iniwan akong mag-isa. Balak ata ako nito patayin sa gutom.

Pumunta ulit ako ng sala ng maalala ko na may mini ref.akong nakita kanina.

Tsk. Ang kalat talaga!

Ng binuksan ko ang refregirator gusto ulit mag mura. Paano puro bote ng alak ang laman! Anong klaseng babae ba siya? Daig pa ata ang lalaki kung uminom ng alak.

Love me, Hate me : STRANGER [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon