Nakaupo ako sa aking make-up chair habang inaayusan ako ng aking make-up artist at hairstylist. We have a pictorial for an endorsement today.
Yes, we. Daniel's sitting right across me. And I'm already getting irritated with his stares. Kanina niya pa ako tinititigan na para bang gusto niya ako kausapin ngunit alam niyang hindi ko siya papaunlakan kung kaya't dinaan niya nalang ako sa titig.
Galit ako sa kanya. At hindi na rin naman siguro iyon lingid sa kanyang kaalaman. At kahit mag-explain pa siya saakin, alam kong hindi pa rin mababago na nasaktan na ako. Totoo man o hindi ang aking mga nakita. Takot na akong malaman ang katotohanan. Takot na akong masaktan pa lalo. Kung kaya't mas pipiliin ko nalang na layuan siya at iwasan muna.
Kilala ko na siya. Kung sarili lang niya ang iisipin niya, siguradong nilapitan na niya ako at pipilitin na kausapin siya. Pero hindi ngayon. Dahil alam niyang ayokong gumagawa siya ng eskandalo sa harap ng ibang tao. Kung kaya't pinili nalang niyang manahimik sa gilid kesa naman madagdagan pa ang galit ko sa kanya.
If you would think of it, we really already know a lot about each other. Sa mga gusto, ayaw, paborito, mannerisms ng isa't isa, and our way of thinking. Kung kukuha nga ata ako ng exam na puros tungkol kay Daniel Padilla, mapeperfect ko ito at pati bonus question masasagutan ko. We could even pass as twins.
Maybe that's the result of being together for almost 3 years. Halos araw-araw mo ba namang kasama?
I decided to browse on my Instagram. Kesa naman makipagtitigan ako kay Daniel?
"Love, anong nangyari diyan kay Padills? Kanina ka pa niya nilulunod sa tingin. At ni hindi ata kayo nag-uusap? Tapos hiwalay pa kayong dumating kanina." Kunot-noong tanong ni JV, ang aking hairstylist, habang nagpapalipat-lipat ng tingin sa aming dalawa.
I just shrugged and kept mum. I don't want anyone to know about it. It doesn't mean na hindi ko pinagkakatiwalaan si JV. He's actually one of my trusted friend. Ngunit, ang mga bagay na tungkol sa amin ni Daniel ay personal at pribado. Kung may problema man kaming dalawa, kami lang dapat ang umayos at makaalam nun. Pwera nalang siguro kung di na namin makayanan at kailangan na namin ng tulong ng mga malalapit na tao sa amin.
Our families do not meddle with our relationship, same as our close friends. Nirerespeto nila kung anong meron kami.
"Let's start?" Tanong ni Mark Nicdao, our photographer for this shoot.
Tumango ako at nagtungo sa harap. Tahimik na sumunod sa likod ko si Daniel.
"Uhm, DJ hug Kath from the back. Kath, ipatong mo kamay mo sa kamay ni DJ na nasa tiyan mo." Utos ni Mark.
Pumikit ako ng mariin at bumuntong hininga. Kaya mo 'yan Kathryn. This is just work. You can do it. You can act like there's nothing wrong. You're an actress remember?
Tumikhim ako at umatras ng kaunti para makalapit sa kanya. He slowly put his arms around my waist. Ramdam ko ang kanyang hininga malapit sa aking tenga. Rinig at ramdam ko ang kanyang pagsinghot na para bang inaamoy niya ang aking buhok. Nanigas ako at nahigit ko ang aking hininga. Dammit! Even though I'm mad, he still has an effect at me!
"Okay, you both act fierce. Look at the camera. Ready?" Aniya Mark.
Kahit kinakabahan, I nodded and composed myself. Nakailang shots si Mark at panay lang ang aking pose. Paminsan minsan ay iniiba ko ang anggulo ng aking ulo.
