Chapter 17

202 14 2
                                        

Halos mawalan na ako ng hininga sa sobrang lalim ng kanyang halik. Ang klase ng halik na para bang puno ng pananabik at galit. Na para bang dito niyo binubuhos lahat ng hinanakit niya nung nagdaang mga araw.

Namalayan ko nalang na nadadala na ako sa kanyang mga halik. Alam ko na hindi pa kami okay pero bakit ganun? Isang halik lang, parang nakalimutan ko na galit pala ako sa kanya? Nakalimutan kong niloko niya ako. Nakalimutan kong nahuli ko siyang nakikipagkita kay Chie. Nakalimutan kong nakita ko siyang nakikipaghalikan sa kanya.

That image crossed my mind again. He kissed her. He kissed her in that restaurant. Napapikit ako. Muli kong naramdaman ang sakit. Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng mag-replay muli iyon sa aking utak.

I breathed hard and hastily pushed him away.

Napahawak siya sa pader at kita ko ang pagkabigla sa kanyang mga mata.

I glared at him. "What do you think you're doing?!"

"Ba.." Ang kaninang gulat niyang mata ay napalitan ng pagtataka.

"You can't just kiss me with that filthy mouth of yours after you kiss your woman!" I angrily said. Umismid ako at nagtungo sa may lababo.

Kumuha ako ng tissue at pinunasan ang aking labi. What the hell! I can't believe I nearly gave in! In just a kiss!

After wiping my mouth with the tissue, hindi pa ako nakontento. Binuksan ko ang gripo at binasa ang aking labi. From my peripheral vision, I can see him staring at me. I glanced at him and saw him looking at me with pain in his eyes.

Anong karapatan niyang masaktan? Siya ang puno't dulo nang lahat ng ito kaya magdusa siya. Mas masakit ang ginawa niya sa akin. Kulang pa iyan.

But who was I fooling? There's something inside me that hurt too. I hate to see him like that. I hate to see him hurt because it pains me too. I still love him. It would never change the fact that I still care for him. Pero hanggang doon nalang iyon. Tapos na ang lahat samin. Wala na kami.

Akmang maglalakad na ako palabas nang bigla niya akong hawakan sa siko.
"Kath, let's talk please." He pleaded.

I thought for a while. Matagal ko nang pinag-isipan to. Gusto kong malaman ang totoong istorya. Maybe this would end my endless overthinking. I need to know the truth. I deserve an explanation. Baka pag nalaman ko ang parte niya, mas maiintindihan ko. Baka.

Tumingin ako sa kanya gamit ang aking mga galit na mata.

"15 minutes." Tipid kong sagot and expelled a deep breath. Tinanggal ko ang kamay niyang nakahawak sa aking siko at humalukipkip.

"I'm sorry.." He started to say. Nanatili akong nakatingin sa kanya naghihintay sa susunod niyang sasabihin.
"Aaminin ko, natukso ako.."

Napapikit ako. Simula palang ng kanyang pag-explain ay naiiyak na ako. F-ck! Mas doble ang sakit! Mas masakit pala kapag mismong sa taong mahal mo malaman ang totoo. Dammit!

"There was a time when I was too tired of everything. All the commands from the management, walang katapusang tapings, mga masasakit na salita galing sa iba't ibang tao.. everything! Di ko lang matanggap na tuluyan ng natapos ang normal kong buhay. Yung makiki-jamming lang ako kasama yung barkada ko araw-araw at makikipaglaro ng computer games sa kanila hanggang madaling araw. Yung makakatulog ako hanggang kelan ko gusto. Yung walang issues na kailangan ayusin. Sobrang gusto ko maibalik yung dati kong buhay.."

Alam ko kung gaano kahirap ang pinagdadaanan niya. Artista rin ako. Alam ko kung ano ang kanyang ibig sabihin at naiintidihan ko yun. I was forced to grow up earlier unlike any other kids out there. Kailangan kong maging mature enough para maintindihan ang mga bagay bagay sa aking paligid. Bilang isang artista, marami kang makakahalubilo, marami kang dapat intindihin, marami kang dapat ayusin at gawin. Kung dati ay kaya ko pang maglakad sa mall na walang bodyguards at mga taong dudumog sayo, ngayon ay hindi na. Kung dati ay kayang kaya ko isiwalat sa lahat ng tao ang nararamdaman ko sa aking social media accounts, hindi na ngayon. Ang daming taong nakatingin sayo, naghihintay na gumawa ka ng pagkakamali para may ma-judge sayo. Those are some of the cons of being a celebrity. Everything is not just all about the fame and money. Di nila alam kung paano namin isinugal ang normal na buhay namin para lang dito. At tanggap ko yun. Tanggap ko dahil yun ang consequences na pagiging isang artista.

"Chienna was giving me hints that she likes me. Alam ko na yun, di naman ako manhid. But I tried everything to avoid her. Hanggang sa nangyari yung araw na nag-away tayo. I figured gusto ko ng break from everything. She asked me out that day. And I said yes. Nawala sa utak ko lahat. Ang nasa isip ko lang ay gusto kong makalimot. Makalimot na ganito na ang buhay ko. Gusto ko maranasan ulit ang normal kong buhay. Ang lumabas na hindi inaalala ang iisipin at sasabihin ng ibang tao..."

"So ano?! Naghanap ka ng iba?! Ganun ba? Ha? Bullsh-t! Anong klaseng dahilan yan Daniel! San ba ako nagkulang? Alam kong nahihirapan kang mag-adjust sa bago mong buhay, naiintindihan ko yun! Di naman kita pinapabayaan ah?! Lagi akong nandyan para gabayan at samahan ka! Andyan kami lagi ni mama para alagaan ka! Kulang pa ba yon? Ano pang gusto mo?!"

Di ko na napigilan ang paghagulhol. Kung kanina ay nakayanan ko pang magpigil, ngayon ay hindi na. Masakit talaga. No one told me it's gonna be painful as this. Di ko akalain na masasaktan ako ng ganito. Wala akong alam sa mga ganitong emosyon sa pagkat first time kong magmahal ng isang lalaki. Ganito pala talaga kasakit. Para akong unti unting pinapatay.

"Ba.. sorry! Sorry!" Kitang kita ko ang pagsisisi sa kanyang mukha. Pinipilit niyang hawakan ang aking mukha ngunit pilit din akong umiiwas.

"Sorry! Alam ko naman yun e. Kaya nga nagsisisi na ako. Sa huli ko lang narealize na kung wala ka sa tabi ko sa mga panahong yun, baka nasiraan na ako bait at di na nagtagal ng ganito sa showbiz. Sorry Ba.. Believe me, nagsisisi na ako. Please forgive me.."

Umiling lamang ako.

Pulang pula na ang kanyang mata. Nagbabanta ang luha na kumawala. Suminghap siya at tinagilid ang kanyang ulo at ginulo ang buhok.

Napaigtad ako ng bigla niyang sinuntok ang pader.

"F-ck! How can you ever forgive me?" mahina niyang tanong habang nakayuko.

Lumunok ako at suminghap.

"I don't think I can.." sabi ko sa malamig na tono bago binuksan ang pinto at iniwan siyang nakaupo sa sahig na umiiyak.

--------

PLEASE VOTE FOR OUR TEEN QUEEN BY TWEETING #VoteKathrynFPP #KCA or by voting sa site! Thank you! 💙

- @comelyCHANDRIA

Who would have thought?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon