Chapter 19

218 7 0
                                    

"Everyone! Sa waiting area na po tayo!" Tawag ng isang staff mula sa hamba ng pintuan.

"Oh tara na!" sabi ni Ate Den habang inaaalayan ako patayo.

Hindi na makalma ang lahat ng hairstylist, make-up artist, fashion stylist, at assistant ng mga artista. Ganyan palagi kapag may mga production numbers. Nakasunod lamang sila sa kanilang artista para kung sakaling kailanganin sila, gaya ng pag-retouch o pag-ayos ng damit, di sila mahirapan sa paghagilap.

Isang beses pa akong tumingin sa aking repleksyon sa salamin bago binalingan ng tingin sila John at Julia.

"Tara! Sabay na tayo!" yaya ko.

Tumingin silang dalawa sa akin at agad din nilipat ang kanilang tingin sa aking likod. Nagtinginan silang dalawa.

Kumunot ang aking noo sa kanilang inasta. "Bakit?"

I glanced back and saw Daniel standing behind me and his eyes were all on me. Nasa likod niya ay si Kuya Rye na nakatingin rin sa akin. Mukhang hinihintay din ako.

Iniwas ko ang aking tingin sa kanya at binaling ang aking atensyon kay Kuya Rye.

"Ah eh, mauna na kayo Kuya Rye. Sunod nalang kami." mahina kong sabi.

Nakasanayan na nga pala na lagi kaming sabay nagpupuntang backstage. DJ never leaves me behind. Halos magkasama naman kasi kami palagi sa mga production numbers. And if ever ako lang ang may prod, hinahatid niya talaga ako palagi sa backstage. Ayaw niyang nahihiwalay sa akin. Gusto niyang lagi kaming magkasama at magkadikit. He always take care of me. Walang palya. Tinagilid ko ang aking ulo. This is not the right time to reminisce, Kathryn!

"Ah, okay. Si-"

"No." Sabat ni Daniel na nagpatahimik sa pagsagot ni Kuya Rye.

I looked at him with an arched brow. Mariin niya akong tiningnan pabalik. Para bang naghahamon.

"Mauna na kayo. May pag-uusapan pa kami nila Juls at John." i coldly said.

Sabihin ko man na 'mauna na kayo, ayokong makasama ka', ay hindi naman pupwede at baka marinig ng ibang tao at malaman nila kung ano ang estado namin ngayon. That would create an issue. Pagdating sa aming dalawa, kahit konting galaw lang, nami-misinterpret na ng ibang tao at nababalita sa ilang articles at news. People are always thirsty for gossips.

"Ngayon pa talaga kayo mag-uusap kung kelan nagmamadali na ang lahat para sa pagrampa?" He said in a scolding manner.

"May gusto lang akong sabihin sa kanila. Mauna na nga kayo." mariin ko ding sagot at inirapan siya.

"I said no. Pwede naman kayong mag-usap mamaya. Can't it wait?!" umigting ang kanyang panga. Sinubukan niyang abutin ang aking kamay ngunit dali-dali akong umiwas.

Nag-init ang aking pisngi. Hindi sa pagkahiya, kundi sa pagkairita.

Sasagot pa sana ako ng mapagtanto ko na para bang tumahimik ang paligid. Nakalabas na pala halos lahat ng ibang artista at kami nalang ang nandoon.

Kuya John, Ate Den, Kuya Rye, my fashion stylists, my assistant, Julia, John, and their assistants, make-up artists and hairstylists were looking at us na para bang nanonood sila ng isang live boxing.

Pumikit ako ng mariin and cursed under my breath.

By now, I'm pretty sure alam na nila na may problema. Though I know, they wouldn't think that this a serious and big issue for us. They would think that this is one of our petty fights.

I hurriedly walked outside and breathed hard. Diretso diretso akong naglakad papuntang waiting area. Narinig ko ang pagkalabog ng mga gamit at tunog ng mga paang nagmamadali maglakad.

Who would have thought?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon