Chapter 20

284 8 3
                                        

Sabay kaming tatlo ni Julia at John na nagpunta sa isang restaurant. Nagpaalam ako kay mama na sasama akong makipag-bonding sa mga Goin' Bulilit friends ko. Pumayag naman siya kaagad. Pagdating sa mga kaibigan kong ito, hindi nagdadalawang isip si mama sapagkat alam naman niya na di ako mapapahamak kapag sila ang kasama ko. Nakita ni mama kung paano silang lahat lumaki simula pagkabata kaya kilalang kilala na niya sila.

After a long time, ngayon ko na lang ulit sila makakasama. Lagi akong wala sa mga hang-outs or gatherings kapag iniimbitahan nila ako. Wala naman akong magawa kundi humingi na lamang ng pasensiya dahil di ko talaga maisiksik sa schedule ko kahit ano pang pilit ko sa road manager ko.

Sa labas pa lang ng restaurant, makikita ko na kaagad sa glass window sina Miles, CJ, Sharlene at Nash na nag-aasaran. At may iba't ibang mundo din yung iba.

Dahan-dahan kaming pumasok na tatlo. Tumunog ang pintuan, hudyat na merong pumasok sa restaurant.

Napatingin silang lahat sa amin at agad nagsigawan. My smile was big when I saw them.

"Ate Kath!!!!" Sigaw ni Alexa.

"Namiss kita mommy!" Tumakbo siya palapit sa akin at yinakap ako ng mahigpit. Natawa ako.

"I miss you too baby." I giggled. I hugged her back with the same force and kissed her cheeks.

"Teh! Himala! Naisingit mo kami sa napaka-hectic mong schedule! Ibig sabihin ba nito, mas importante na kami kesa kay DJ?" Nang-aasar na sabi ni Miles.

Ngumiti ako ng hilaw at bumaling kela Julia at John. They both awkwardly smiled at me.

"Uy di ah.. Talagang busy lang 'no. Kung may free time naman ako, gusto ko rin sumama sa inyo. Ikaw talaga teh, umi-issue ka!" sabi ko kay Miles at ngumiti ng kaunti.

Ngumiti lang si Miles at hinalikan ako sa pisngi.

"Namiss kita teh." she genuinely smiled at me.

"Namiss din kita Milesy." I hugged her tight.

Isa isa kong binati lahat ng nandun at nakipag-kwentuhan.

Exclusive lang para sa amin ang restaurant. Pina-reserve talaga namin ang buong restaurant dahil gusto namin na kami-kami lang ang nandun para malaya kaming makipagkwentuhan at gumalaw na walang iniisip na ibang tao.

Umorder kami at parang batang nilantakan ang mga pagkain. Para kaming naglalaro. Yung iba ay nag-aasaran pa at naghahabulan kahit mga dalaga at binata na. Ganito talaga siguro kapag laking Bulilit. Isip at asal bata pa rin paminsan-minsan. I smiled with that thought. It feels good to be this carefree and happy again.

Tiningan ko isa-isa ang mga kaibigan ko at napaisip. Ang dami ng nagbago. Hindi na kami mga bulilit. Dati, puro laro lang ang nasa isip namin. Masaya lang. Walang mabigat na problema. Ngayon, may sarili na kaming mga pinagkakaabalahan. Yung iba, pinursue pa rin ang pagiging artista, yung iba nag-focus sa pag-aaral. Pero kahit ganon na di na masyadong nagkikita at nagkakausap, di pa rin nawawala ang pagsasama. Ganon pa rin ang turingan namin sa isa't isa. Nandyan pa rin para sa isa't isa.

Paano kaya kapag hindi dumating si Daniel sa buhay ko? Nasaan kaya ako ngayon? Siguro nag-aaral? I think I would really pursue fashion marketing. Maybe I'm already studying abroad. 'Cause that's really what I want.

At siguro di ako nasaktan ng ganito.. My heart aches every time I think about it.

But come to think of it. Kung di dumating si DJ sa buhay ko, di ko mararanasan maging sobrang saya. Di ko mararanasan magmahal ng totoo. Di ako mamumulat sa mga bagay na siya lang ang nagpamulat sa akin. Di ko matatamasa ang mas marangyang buhay.

Who would have thought?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon