Chapter 18

191 10 1
                                    


Thank you so much sa lahat ng nag-comment at nag-suggest! Sobrang appreciated ko. 💙

P.S:
{flashbacks in italics}

--

"Kath, sama ka sa amin mamaya ha. We won't take no for an answer. Di ba, Juls?" sabi ni John (Manalo) sabay tingin kay Julia.

Alam na niya kung ano ang nangyari sa amin ni Daniel. Noong araw pala na nahuli namin siya ni Julia sa restaurant, nandun din si John sa vicinity kung kaya't nagkasalubong sila ni Julia after ko mag-walk out. Eto namang si Julia, di napigilan ang sarili na huwag magsumbong sa isa sa mga boy best friend namin kaya ayun, sinabi niya lahat kay John ang nangyari.

Humingi ng tawad sa akin si Julia kanina dahil sa pagsiwalat nya ng nangyari. I doubt if she was really sorry though. Feeling ko kung di ko lang siya sinabihan na wag na munang sabihin kahit kanino ang nangyari, e baka chinismis niya na sa lahat ang ginawang pagtataksil sa akin ni Daniel. Ganyan siya kagalit sa kanya ngayon.

"Oo nga! Di pwedeng magmukmok! He doesn't deserve even a single drop of your tears." Ismid ni Julia habang inaayos ang kanyang bagong kulot na buhok sa harap ng kanyang salamin.

Anniversary ng Star Magic ngayon at kami ang magkasama sa dressing room. Actually, marami kaming artista nandito ngunit kaming tatlo ang magkakatabi. Rarampa kaming lahat mamaya sa ASAP stage.

DJ's late again. As usual. Nakapag-ayos na kami pero di pa rin siya dumadating. If he tries to ditch me on this, bahala na siya. Kaya ko namang rumampa na mag-isa.

"Sshh! Wag nating pag-usapan yan dito please." Suway ko sa kanya at luminga-linga kung may nakarinig ba sa sinabi niya. Buti nalang busy sila Ate Den at Kuya John magkwentuhan.

"Tse! Sige pagtakpan mo pa! Ano naman kung malaman nila? E di mabuti! Para malaman nila kung pano ka sinaktan ng gag*ng yon!"

"Kahit na.. Ayoko na lumaki pa yung gulo. Issue na naman yun." sabi ko.

At ayoko rin naman na magalit din sa kanya lahat ng taong malalapit sa amin. I might be angry at him, but I'm not that bad to ruin him.

I am actually thankful that our family and friends don't meddle with our personal issues. Probably, curious na sila mama kung bakit hindi kami nagkakasama ni Daniel ngayon. Soon enough, magtatanong na yun. She's not the type to pry, but she's concern. At sa ngayon, di ko pa alam kung anong isasagot ko sa kanya. Hindi pa ako handang pag-usapan o aminin to sa kanila. At hindi rin ako handa sa mga magiging reaksyon nila.

"Swerte kamo siya at walang may pakialam sa kanya sa restaurant na yun dahil puros businessman ang nandun nung time na yun. Kaya wala man lang kahit isang picture na lumabas!" Pagalit na sabi ni Julia.

"If only I were there.. Baka nasuntok ko na yun!" sabat naman ni John.

"Guys! Please! Not here! Not now!" pabulong ngunit mariin kong sabi.

Tumahimik naman si John ngunit inirapan lang ako ni Julia. I sighed.

Buti nalang talaga high-end yung lugar na yun. Hindi masyadong matao at hindi chismoso ang nga taong nandun.

I might be hurt, but it will never change the fact that I still care for him. Hinding hindi ko gugustuhin na masira siya. I love him. Yes, present tense. I still love him. But I need to heal. It isn't easy to go back to normal. Kailangan munang maghilom ang mga sugat na naibigay namin sa isa't isa. Kailanganng maibalik muna ang tiwala ko sa kanya. At siya lamang ang makakabalik nun.

"Speaking of your oh-so-faithful-MU.. here he is.." Iling ni Julia habang nginunguso ang pinto kung nasaan si Daniel.

I glanced at him. He's wearing his usual outfit - plain black shirt, ripped jeans and Vans. He's also wearing shades, but from the curves of his lips, malalaman mo agad na wala siya sa mood. Nakasimangot na naman ang kuya nyo.

Who would have thought?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon