Chapter 34

45 0 0
                                    

Chapter 34

Lumipas din ang araw na iyon. Hinatid ako ni Hexter sa bahay. Sinundo kinaumagahan. Tinatanong ko siya kung napapagod na ba siya kasi panay ang hatid at sundo niya sa akin.

“Bakit naman ako mapapagod?” yung tono pa niya parang naiinis. “Mamaya kasi may umagaw sa iyo.” Biglang humina ang boses niya. Napatingin naman ako sa kanya.  Mukhang seryoso siya. Kaya hinawakan ko siya sa kamay ng mas mahigpit.

Lumipas ulit ang mga araw. Habang tumatagal ay mas lalong lumalalim ang damdamin namin para sa isa’t isa. Una ayaw kong maattach masyado sa relationship namin. Lagi kong iniisip na magbibreak din kami nito kaya masakit kapag naghiwalay kayo kasi nakaattach ka na sa kanya. Pero panay naman ang paginsist sa akin ni Hex na hindi naman mangyayari iyon.

“Please naman, huwag mong pigilan ang sarili mo.” Sabi niya akin.

At ngayon, pakiramdam ko bahagi na siya ng pagkatao ko. hindi na ako sanay na wala siya sa tabi ko. hindi ko maiimagine na ngayon kung maghiwalay  pa kami.

Nasa classroom kami ngayon. Breaktime. Kumakain si Hex ng chocolate habang ako naman ay nagbabasa lang. ayaw ko ng chocolate kasi baka sumakit ang likod ko. Ewan ko ba? Pero ganun talaga eh. Kahit si Hex nagtataka kung bakit sumasakit likod ko kapag kumakain ako ng mga matatamis. Kaya siya na rin mismo ang nagsasabi sa akin na huwag akong kumain ng maraming matatamis na pagkain. Boyfriend slash asawa slash doctor ko lang naman si Hex. Haha.

“Teka ah, bibili lang ako ng tubig sa baba.” Sabi ko. Nakatayo na ako saka niya ako hinawakan sa wrist.

“Sama ako.” Sabi niya. Isip bata talaga ito. Mas matanda naman siya sa akin.

“Haha. Bantayan mo gamit ko, babalik din ako.”

Pumayag naman siya kaya bumaba ako agad para bumili ng tubig. Bakit ba kasi nakalimutan ko yung tumbler ko sa bahay eh? Bababa pa tuloy ako para bumili. Mantakin mo nasa 4th floor kami at nasa kabilang building pa yung canteen namin.

Nasa second floor pa lang ako ay bigla ko na lang narinig ang tatlong babae na naguusap. Narinig ko kasi ang pangalan ni Nemesis sa usapan nila. Ano naman kaya ang kinalaman ni Nem sa usapan ng tatlong mukhang octopus na iyon? Dahan dahan akong naglakad sa likod ng pader kung saan sila nakatayo at nag-uusap.

“Break na pala sina Nemesis at Gerald?” sabi ng isa na medyo matinis ang boses.

“Oh? Grabe naman.” Reaksyon naman ng isa. Hindi ko Makita kung sino sila. Minabuti ko na lang na magtago sa likod ng pader.

“Kaya nga eeh. At alam mo ba si Nem pa ang nakipagbreak kay Gerald?”

“Hala. Bakit daw? sayang naman. Perfect couple sila. Pero ano naman ang problema at nakipagbreak si Nem kay Gerald?” tanong ng isa.

“Hmm. Ang balita kasi guys.” She paused parang humugot ng hinga mula sa diaphragm niya. “Hindi naman daw talaga mahal ni Nemesis si Gerald.”

“User?” Tanong ng isa.

“Parang ganoon na nga.” Sabi ng may dala ng balita. “At ang nakakapanggulat pa diyan ay yung akala natin na si Nem ang inlove na inlove kay Gerald ay hindi naman pala talaga inlove kay Gerald.”

“Ha? Paano yun?” Tanong ng isang matinis ang boses.

“Hm. Yun nga ginamit lang si Gerald ni Nem kasi parang may gusto siyang pagselosin. Kaso nga daw hindi umepek kaya ayun, nakipagbreak.”

“Aw. Akala ko pa naman magtatagal sila.”

“Kahit ako eh. Ang masakit pa niyan ay napamahal na daw talaga si Gerald kay Nem. Akalain mo yun? Sa gwapo niya na iyon, naloko siya ng babae na iyon?”

LOVEHATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon