Chapter 7-- Ow. It's YOU **

157 4 0
                                    

Chapter 7-- Ow. It's YOU **

O_O

“Nemesis?” Tanong ni Hex habang nakatayo sa may pintuan. Nakasandal ang kamay niya doon at hindi namin malaman kung ano ang nasa isip niya.

“May problema ka ba?” dugtong ko.

“Ha?” inayos ni Nemesis ang sarili niya. nakita kong huminga siya ng malalim at saka lumapit sa amin. “Ahm. Sobrang init kasi sa labas kaya parang nag-init ang ulo ko.” Sabi niya habang hawak hawak niya ang ulo niya. Umupo siya sa may desk ng upuan sa may harap namin ni Hex. Parehas kaming nagulat sa ginawani Nemesis. Siguro nga. Siguro nga, nainitan siya sobra sa labas kaya bigla na lang siyang nagdabog.

Pero iyon ba talaga?

Mabuti na lang ay iniba ni Hex ang topic kaya hindi ko na masyadong inisip iyon.

“Birthday ni James ah.” Si james yung isa sa mga nakilala ko sa Underground. Pero kami close noon. Wala lan. Nakilala ko lang kasi pinakilala sa akin ni Hex. Simula nang pumasok ako sa lugar na iyon, si Hex lang ang kasama ko. kung hindi si Nemesis. Si Caeo? Ayon, nilalantakan ng mga babae sa club. May magagawa ba ako doon? Eh gwapo siya eh. Gwapo din naman si Hex. Pero ewan ko ba sa kanya kung bakit sa akin pa siya sumasama. Eh ang boring kong tao. Hayy.

“Oo nga no?!” Sagot naman ni Nemesis. “Tara?”

Kapag ganyan na tipong nag-aaya si Nemesis, alam na kung saan ang punta. Saan pa ba?

Natapos na din yung klase. Umuwi muna ako para magpalit ng damit. Kung dati, walang kalaman-laman ang cabinet ko kundi tshirt at pantalon at UNIFORM sa school, ngayon, may mga pang-gimik na din. Tinuruan ako ni Nemesis na mag-ayos kahit papaano. Nagulat nga si Manang ng umuwi ako ng maraming paperbags eh. Nagpapadala naman sina Mama at Papa sa akin ng pera. Dati kasi hindi ko ginagastos. Minsan, binigay ko kay Manang o kung minsan ay sa bank account ko. Ngayon lang bumili ng mga ganito.

*Tok Tok Tok

Si Manang iyon, kaya pinagbuksan ko siya ng pinto.

“Oh, aalis ka ba anak?” Tanong ni Manang sa akin. Nakita niya kasing nakaayos ako.

“Opo.” Habang naglalagay ng make-up.

“Kakarating mo lang ah, aalis ka na naman?”

“Uuwi din po ako.” Sabi ko. nang matapos ako ay hinalikan ko si Manang sa may pisngi niya.

Hinatid niya ako hanggang sa may gate ng bahay.

“Manang naman eh, hindi mo na ako kailangan pang ihatid dito. Malaki na ako.” Sabi ko.

“Ay naku Megan, hayaan mo na ako. Hanggang dito lang naman kita ihahatid eh.” Sabi niya.

Tumango lang ako sa kanya.

“Mag-iingat ka palagi anak ah.”

“Opo.” At niyakap ko siya. Sana siya na lang ang Mama ko.

Habang naglalakad ako sa kanto para maghintay ng taxi ay nagulat na lang ng may isang lalaki ang bumaba sa itim na kotse.

Walang kailaw-ilaw sa lugar na iyon kaya hindi ko masyadong makita kung sino. Pero alam kong sa akin siya nakatingin. Ano naman kaya ang problema ng lalaking iyon?

Naglakad ako sa may kabilang kalsada para iwasan siya. baka mamaya kung ano pa gawin sa akin noon. Pero nakita ko iya sa peripheral visions ko na papalapit siya sa akin kaya mas lalo kong binilisan ang lakad ko. naramdamn kong sinusundan niya ako. Ang bilis ng tibok ng puso ko. naku. >.<

“Hey! Wait!” He yelled. Wait. I know that voice. Noong nilingon ko siya, doon ko lang naconfirm kung sino ang GUY na iyon.

“Caeo??”

LOVEHATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon