Chapter 51-52

51 0 0
                                    

Chapter 51

Umuwi ako sa bahay. Wala si Manang. Nakita ko naman na bumaba ang mama ko sa hagdan at saka tumabi sa akin. Tatayo na sana ako sa sofa nang bigla siyang nagsalita.

“Anak..” Sabi niya sa akin. Napalingon ako sa kanya sa gulat. Tama ba ang pagkakarinig ko? tinawag niya akong anak?

Nakita ko ang mga mata niyang maluha luha.

“…” Wala akong nasabi kahit anong salita. Bigla na lang niya akong niyakap ng sobrang higpit. At humagulgol siya sa balikat ko. Ito ang kaunaunahan na niyakap ako ng mama ko. Hindi ko rin kasi alam kung niyakap ako ni Mama noong pinanganak niya ako. Pero sabi kasi ni Papa ay hindi ako niyakap noong pinanganak ako. Simula pa lang daw ay ayaw na nila sa akin. Pero ano ito? Anong hangin ang nalanghap nitong babaeng nasa harapan ko at tinawag akong ‘anak’ at niyayakap ako ngayon.

“Sorry sa lahat anak. Sana mapatawad mo ako.” Sabi niya sa pagitan ng mga hikbi niya. Para akong manhid. Wala akong naramdaman.

Kinagabihan, pumasok siya sa kwarto ko at umupo sa kama ko. Nakahiga ako sa kama habang nagbabasa ng libro.

“Kakain na tayo anak.” Sabi niya. ‘anak’? ang sarap naman pakinggan lalo na kapag galing sa mga magulang mo. Ang tagal kong hinintay ang araw na ito. Pero bakit ganoon? May galit pa rin sa puso ko.

Tumayo siya. “Anak, alam kong mahirap akong patawarin. Maraming mga nasayang na taon. Pero sana ay bigyan mo ako ng pagkakataon na ipakita ko sa iyo na mahal na mahal kita Gaea, anak ko.” Sa boses niya ay naririnig ko na maiiyak na naman siya.

Hindi ko siya tinitignan. Kunwari ay hindi ko siya naririnig, pero naririnig ko siya at sadyang tumutusok sa puso ko ang mga sinasabi niya sa akin.

“Alam kong hindi ganoon kadali pero handa akong maghintay at magsakripisyo sa iyo. Pero sana ay bigyan mo ako ng chance na iparamdam ko sa iyo ang pagiging ina ko.” Saka niya sinarado ang pinto.

Hindi ko napigilan ang pagbagsak ng mga luha ko. Sa mga sinabi ng mama ko ay parang nawala na lang bigla ang galit ko sa kanya. At isa pa, matagal ko na itong hinihintay ang marinig ko mula sa kanya na mahal na mahal niya ako. Lumabas ako sa kwarto ko at sinundan ko ang mama ko para sabihin ko sa kanya na mahal na mahal ko din siya at handa akong kalimutan ang galit ko sa kanila ni Papa.

Nakita ko siya mula sa screen door may kausap sa labas. Lumabas ako sa pintong iyon.

“Ano ka ba Ernesth?!” Sabi niya nang pagalit. Pangalan ni Papa iyon ah? Nagaaway na naman sila? Kahit sa phone?

“…”

“Pwede ba?! Ikaw ang kinikilala niyang ama!”

“…”

“Ano?! Anong wala kang pakialam sa kanya. Anak mo si Gaea.” Hininaan ni Mama ang boses niya kahit na mukhang galit na galit siya.

“…”

“Dahil ba sa kasalanan ko na iyon ay hindi mo kikilalanin ang anak mo? Ganyan na ba kasama ang ugali mo Ernesth?!”

“…”

“Bakit ganyan ka magsalita? Dahil ba sa may iba ka nang pamilya dyan sa Canada?! Kailan mo ba aaminin kay Gaea ang totoo?”

“…”

“Anong wala kang dapat ipaliwanag. Kahit hindi ikaw ang tunay niyang ama, ikaw naman ang kinilala niyang ama.”

“…”

“Walang hiya ka! Huwag mong ibahin ang usapan. Kailangan niya tayo. Kailangan niya ng magulang. Kahit na may sarili na tayong pamilya, kailangan niya ng pamilya. Tayo lang ang pamilya niya.”

LOVEHATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon