Chapter 30

55 0 0
                                    

Chapter 30

Maaga akong pumasok noon, kay manang ko lang sinabi na papasok na ako. Pero nageffort pa ako kasi umalis na rin pala kagabi sina Mama at Papa. Kay aga aga, ang lungkot lungkot ko lalo na yung nangyari kagabi. Naramdaman ni Manang yun habang nakatingin ako sa salamin at nagaayos. Niyakap niya ako mula sa gilid at sinabi niya na wag na daw akong malungkot pagod lang sila. Lagi na lang bang silang pagod. At kailangan lagi silang pagod kapag uuwi sila dito. Edi wag na lang silang umuwi.

Iyon sana ang sasabihin ko kaso wala na rin akong energy noon at ayaw kong magalit sa akin si Manang kaya niyakap ko na lang din siya. Nginitian ko siya na parang ang sabi ko ay ‘Magiging okay din ako.’ Nginitian din niya ako.

Mabuti pa si Manang naiintindihan ako.

**

Ngayong araw na ito ay sinundo ako ni Hexter para makasabay ako pagpasok.

“Hello babes.” Maagang bati niya sa akin. 7AM pa lang pero ganoon na lang katas ang energy niya. How I wish may ganoon din kong energy after ng nangyari kagabi.

“….”

“Ang tahimik mo.” Sabi niya na parang may pagtatampo sa boses niya.”

“Ha?” Ang totoo niyang wala ako sa wisho. Narinig ko yung sinabi niya pero ½ lang noon ang naabsorb ko. ang slow ng operating system ko na magresponse.

“Nakikinig ka ba sa akin? Ang sabi ko bakit ang tahimik mo? May problema ba?” Pumunta siya sa harap ko at pinigilan ako sa paglalakad. Nilapit nya ang mukha niya sa mukha ko kaya napaatras ako ng kaunti. Hinawakan niya ako sa braso at saka nilapat ang noo niya sa noo ko. alam kong pandak ako at matangkad siya kaya kinailangan pa niyang yumuko para mailapat ang noo niya sa noo ko. May naramdaman ako kung anong kuryente noong naramdaman ko ang noo niya sa skin ko.

Problema?

“Hmmm. Wala.” Sabi ko habang nakangiti. Pero halata naman plastic eh. Sana nga lang ay hindi niya mahalata.

“Hmm. Okay.” Saan ba nauso yung hmm na yun at pati siya ay nahawa sa akin?

Kahit na alam kong hindi siya satisfy sa sinabi ko na wala naman talaga akong problema pero meron naman talaga ay naniwala pa rin siya. Ayaw niya lang siguro na manghimasok ng ganoon ganoon lang.

Hindi pa rin inaalis ang noo niya sa noo ko.

“Basta kapag may problem aka, nandito lang ako ah? Magiging boyfriend mo na ako mamaya, kaya huwag ka na mahiya sa akin. Okay?”

Hindi ko mapigilan ang sarili kong matawa. Nagulat siya nang tumawa ako kaya napatayo siya ng diretso.

“Oh bakit ka tumatawa?” sabi niya in a childish way.

“Wala. Tara na?”

Ngumiti lang siya sa akin. At saka ako inakbayan.

“Teka?” Tumingin ako sa braso niya na nakapatong sa balikat ko. “Tayo na ba?”

“Hmm. Magiging tayo pa lang.” Sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko.

“Ah.” Yun lang ang sabi ko.

“sige huwag na nga lang.” Yung totoo? Sino ba talaga ang babae sa aming dalawa? Bakit panay ang tampo niya? Saan ba pinaglihi ang tao na ito? “Magiging tayo na nga mamaya tapos ayaw mo pa.” Parinig niya kahit naririnig ko naman talaga.

Sa tampo niya nauna siya maglakad. Tumakbo ako ng marahan para habulin siya at dahan dahang hinawakan sa wrist pababa sa palad niya.

“Pwede naman ngayon eh.” Sabay ngiti sa kanya. At saka tumingin sa dinaraanan. Hindi ko na tinignan ang reaksyon niya. Pero ramdam ko na nakangiti siya kasi mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko.

LOVEHATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon