Chapter 53-55

55 1 0
                                    

Chapter 53

Pakiramdam ko ay mamatay ako sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Sa ganitong pangyayari, hindi ko alam kung sino ang lalapitan ko. Hindi ko magawang umuwi at magsumbong kina Manang at Mama kasi ayaw kong kaawaan ako ng kahit sino. Isang tao lang ang naiisip kong makakatulong sa akin. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko at nagsimulang magdial.

“Hello? Caeo?”

“Oh Gaea? Napatawag ka?” Sagot niya sa kabilang linya. Mabilis niyang nasagot ang tawag ko.

“Nasaan ka?” Tanong ko. ano ba itong ginagawa ko?

“Umiiyak ka ba?” Tanong niya na may pagaalala sa tono niya.

“…” Hindi ako sumagot kasi nga umiiyak talaga ako.

“Nasaan ka? Pupuntahan kita.” Sabi niya. Sinabi ko rin naman. Less than 30 minutes ay nandito na siya.

Pagkarating niya, “Tara inom tayo.” Sabi ko sa kanya pero kanina pa talaga ako umiinom. Nilagok ko ang isang baso ng alak.

“Ano bang ginagawa mo? May nangyari ba? Bakit ka naglalasing?” Tanong niya habang nakakunot ang noo. Ganoon siya kapag nagagalit o kaya kapag nagaalala, nakakunot ang ulo.

Hindi ko sinagot ang tanong niya. Instead, uminom ulit ako ng alak. Unti unti ko nang nararamdaman ang hilo pero hindi ko iniinda. Nung sinubukan ko ulit na uminom ay pinigilan niya na ako. Kahit na nanlalabo na ang mata ko at pakiramdam ko at babagsak na ako, nakita ko pa rin ang nakakunot niyang noo.

“Huwag ka *hik ngang ganyan. *hik. Tignan mo yang noo *hik mo. Naka*hik kunot. Haha! Tara uminom na lang tayo.” Naglagay ako ng alak sa baso at saka ko inoffer sa kanya. Undoubtedly, ininom nga niya ang alak na inoffer ko. napangiti ako.

“Good boy!” Binuhusan ko ulit yung baso. Ako naman ang next.

“Ayan, uminom na ako. Ngayon, sabihin mo sa akin kung bakit ka naglalasing.” Tanong niya sa akin. Hinablot ko ang kwelyo niya at saka ko nilapit ang mukha ko sa mukha niya.

“Manloloko sila.” Bulong ko. “Hahaha!”

“Sinong sila?” tanong niya.

“Yung mga kaibigan mo! Mga manloloko!” Another shot.

“Sina Hex at Nem?” Tanong niya.

Tumango lang ako. Bigla akong nabingi noong narinig ako ang pangalan ng bruha na iyon. Siya ang dahilan kung bakit ako naghihirap ng ganito.

“Anong ginawa nila sa iyo?” tinignan ko siya sa mata. Tinignan ko nang mabuti. Nanlalabo na talaga ang paningin ko. Anong ginawa nila sa akin? Natawa tuloy ako. “Haha!” lumapit ako ulit sa kanaya habang hawak hawak ang mukha niya. “Nahuli ko silang nagsesex. Haha!” walang atubili kong sagot pero pabulong lang. at sabay tawa ulit. Another shot.

LOVEHATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon