Chapter 44-46

47 0 0
                                    

Chapter 44

“Malandi ka..” Mahina niyang sabi. Pero kahit na mahina niyang sinabi ang mga salitang iyon, ay pakiramdam ko ay nabiyak ang puso ko pira piraso.

Hindi ko akalain na sasabihin niya sa akin ang ganoong mga salita. Mukhang alam na nga niya ang nangyari. Pero paano?

“Anong sabi mo?” Tanong ko. Baka sakaling nagkamali lang ako ng rinig.

“Ma.Lan.Di KA!” Sabi niya malapit sa mukha ko. “Gsuto mo bang ulitin ko pa?! malandi kang babae ka! Ginawa ko lahat para magbago kasi totoo ang nararamdaman ko sa iyo. Tapos ito ang gagawin mo sa akin?! Lolokohin mo lang ako?” Pasigaw niyang sabi. Ngayon ko lang nakita na magalit si Hex.

Sa sobrang sakit ng sinabi ko sa kanya ay nasampal ko siya. Nagulat siya sa ginawa kong pagsampal sa kanya. Nabigla lang ako pero imbis na maayos ito ay mas lalong uminit ang ulo niya.

“Magpapaliwanag ako.” Malumanay kong sabi. Hindi ko na kayang pigilan ang luha ko kaya kumawala na silang lahat at umagos sa mukha ko. tuloy-tuloy.

“Wala ka nang dapat ipaliwanag. Dahil kitang kita ko sa video na pinakita sa akin na nakikipaglandian ka sa tatlong lalaki!”

“Hindi totoo yan!”

“Hindi totoo?! Sige ipaliwanag mo sa akin kung ano nasa video na kumakalat ngayon? Kitang kita na kasama mo ang tatlong lalaki! Nakikisiping ka sa tatlo! Hindi pa ba ako sapat?!”

Video? Akala ko ba.. nasira na ni Caeo ang camera na ginamit nila?

“Hindi totoo yan.” Gusto ko siyang lapitan pero panay ang layo niya sa akin at hampas sa mga kamay ko. Nanlalabo na ang paningin ko.

“Malandi ka! Minahal kita ng buong buo! Lolokohin mo lang pala ako. Akala ko iba ka sa mga babae na nakilala ko. Isa ka rin pala sa kanila. Hindi marunong makuntento!”

“Mahal na mahal kita Hexter.”

“Mahal na mahal?! Kung mahal mo ako, bakit mo ako pinagtaksilan!”

Hinawakan ko siya ssa braso pero sa galit niya ay tinulak niya ako kaya napaupo ako sa lupa. Kahit siya nagulat kasi hindi nya akalain na sobrang lakas ng pagkatulak niya. Hindi ko ininda ang galos. Ang gusto ko lang naman ay pakinggan niya ako. “Set up yun Hex. Maniwala ka sa akin.” Sabi ko habang umiiyak ako. Nahihirapan na ako magsalita dahil nawawalan ako ng hininga sa kakaiyak.

“Hindi ako naniniwala sa iyo!”

“Please Hexter maniwala ka.” Sabi ko habang tumayo.

“..”

Hindi na siya na nagsalita pa.

“Sige!” Napuno na ako. “Sige paniwalaan mo iyang nakita mo sa video at sa mga nagkwento sa iyo kaysa sa akin. Ganoon na lang ba ang tingin mo sa akin?! Kilala mo ako. Sa tingin mo, magagawa ko ang bagay na iyan sa iyo?! Mahal na mahal kita kaya hindi ko magagawa iyon sa iyo pero ayaw mong maniwala sa akin.” Pinunasan ko ang luha ko. “Pakiramdam ko hindi na kita kilala. Isa lang naman ang gusto kong mangyari. Makinig ka sa akin kasi nagsasabi ako ng totoo.” Halos mapaluhod ako sa harap niya. Nagmamakaawa na maniwala siya sa akin.

Unti unti kong nakita ang mga paa niya na naglakad pabalik sa kotse niya at saka umalis.

Habang iniwan akong nagiisa.

Akala ko babalik siya, pero hindi na talaga.

Chapter 45

Pagkatapos ng pangyayari na iyon, nawalan na ako ng gana. Ayoko na kumain. Lumabas. At sana hindi na ako magising pa. Hindi ko kinaya yung mga nangyari. Yung mga pinagsasabi sa akin ni Hexter. Lalo na yung mukha niya noong araw na iyon na halatang galit na galit siya sa akin.

LOVEHATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon