Chapter 37

44 0 0
                                    

Chapter 37

It’s February. Nagtext sa akin si Hex at sinabi niya na magkita kami sa Underground Club. Ibang number nga lang ang gamit niya. Nagpaalam ako kay Manang na una ay ayaw niya ako papuntahin perio sabi ko kasama ko naman si Hex kaya walang mangyayaring masama sa akin. Pumayag na rin siya.

Nagcommute lang ako papunta. Taxi. Ilang oras lang naman ang byahe. Nakarating ako mga bandang 8PM. Hinanap ko si Hex. Pero hindi ko siya nakita. Pinagtatanong ko sina Tricia pero hindi rin daw nila napansin si Hex. Baka naman daw natraffic or what. So nagdecide ako na hintayin siya. I dialed his number pero unattended. Then, dialed ko naman yung number na ginamit niya kanina. Nariring. Kaso binaba agad. Afterwards, I received a text message.

“Wait lang babe.I’m on my way. I love you.” Sabi sa text.

So naghintay ako. Umupo ako malapit sa bartender. Masyadong maingay. May mga nagsasayawan. Nagiinuman. Mamaya maya may nagsalita sa harap at kumanta. Kinilig sila. Paiba iba na ang mga nakakatabi ko dito sa rack pero hindi pa din dumadating si Hex.

Nakailang balik na si Tricia para kamustahin ako. Kung hindi si James ang kasama niya, ibang guy naman. Marami akong nakikitang naghahalikan. Which is NORMAL lang sa lugar na ito. Inaaya ako ni Tricia na umupo sa tabi nila pero hindi ako pumayag. Sabi ko, “Sige huwag na. okay lang ako dito.” And I smiled. “Okay.” Sagot naman ni Tricia. Hindi ko rin kasi sila close at nahihiya ako sa kanila. Basta! Ganoon.

10PM. WOW! 2 hours na pala akong naghihintay sa mokong na iyon pero wala pa rin siya. Nasaan na kaya yun? Hindi ko maiwasang mainis. Impossible na matraffic ka ng dalawang oras.

“Babe?” May kumalabit sa likod ko.

“Hex?” pagkalingon ko, nawalan na ako ng malay.

LOVEHATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon