Chapter 15 -- Dug. Dug. Dug. >//////< **

171 4 0
                                    

Chapter 15

“Okay class, malapit na ang foundation day natin. Fnnqkfikhekfbk” Kapag talaga si Mrs. Guevarra sa harap ay kung anu-ano na ang sinasabi niya. Ang alam ko, History ang subject namin pero bakit yung foundation day ng school namin ang topic niya? wala rin naman akong ibang magawaa kundi ang makinig sa kanya.

“jwebfibwehhiub. So alam niyo naman di ba na taon-taon ay nagkakaroon tayo ng pageant di ba?” Pageant. Yeah. Alam ko yun. Kung hindi si Quincy ang isinasali ay si Nemesis. Sikat si Nemesis dito sa school namin. Maganda kasi. At Dollar-spokening siya pero mas madalas siyang nagtatagalog. Kahit na lagi niyang sinasabi na mahal niya ang sarili niya wika ay dala-dala pa din niya ang pagka-slang ni sa tagalog. Sanay naman na kami kaya hindi ganoon ka-awkward hindi kagaya ng mga trying hard na mag-english.

“Si Quincy na lang po!” Sigaw ng isa naming kaklase. Si Quincy din ang naging champion noon sa pageant na iyon. Matalino din kasi siya at maganda. Kung lalaki lang ako, baka niligawan ko na siya. ngayon ngang babae ako, nagugustuhan ko siya eh.

Biglang tumayo si Quincy pero hindi siya nakangiti. “Sorry guys, kinausap na kasi ako ni Director at ang sabi niya sa contest sa labas ako ilalaban.” This time, nakangiti na siya. “Bakit hindi si Nemesis na lang ang isali natin? Tutal, may experience naman siya sa mga ganoon. Right classmates?” Mabilis na nagresponse naman ang mga classmates namin ng Yes. Ganoon ba talaga kapag maganda ka? Lahat ng tao makikinig sa iyo? They have the looks, and the voice. Sila na!

Tumingin ako kay Nemesis. Nashock siya sa sinabi ni Quincy. Siguro kasi expected niya na si Quincy talaga ang kasama. Saktong pagkatingin ko sa kanya ay tumingin din siya sa akin. Nagthumbs up ako to cheer her up and to congratulate her in advance.

“Wait.” Biglang nanahimik ang room nang biglang nagsalita si Mam. “The organizer of the events wants to have 2 pairs each section. 6 sections lang kasi ang 3rd year so mas maganda daw kung madami ang sumali. Kung lalaban si Quincy sa labas, si Nemesis ang papalit sa kanya, sino naman yung isa?” Nilibot ni Mam ang paningin niya sa buong sulok ng room namin. Ganoon din ang ginawa ng mga kaklase ko.

*Blagaaag

Sa hindi sinasadyang pangyayari ay natabig ng braso ko ang libro ko sa history.

At sa isang hindi magandang pangyayari ay lahat sila ay napatingin sa akin. >///< Sorry naman.

“Bakit hindi na lang po si Megan ang isa?” sigaw ni Nemesis. Agad ko siyang tinignan at umiling-iling para sabihin ayaw ko.

“Oo nga? Bakit hindi? Maganda naman siya kahit papaano eh.” Hayy. Compliment ba yun Mam?

“Mam, ano kasi—“ Magsasalita na sana ako nang biglang..

“Maganda po talaga si Megan.” May nagsalita mula sa likod. Hay naku naman. Dumagdag ka pa talaga?? Nilingon ko siya sa likod. At tinignan ko siya ng ano-ba-ang-gusto-mong-iparating-impaktito ka?!

Tumango lang si Mam sa kanya at parang naiistarstruck sa mukha ni Hexter. “Ahm. Ikaw Mr. De Vera, sasali ka na ba this time?”

Sana hindi. Crossed fingers.

Dead silence. Nag-isip siya.

Sana hindi. Crossed fingers.

“Mr. De Vera?”

Sana hindi. Crossed fingers.

“Syempre naman Mam, sasali ako.”

Boom. Pakiramdam ko ay gumuho ang mundo ko.

“That’s good.” Sabi ng teacher ko na tuwang-tuwa. Bakit ba kasi sumali pa yung mokong na iyon eh. Sa pagkakatanda ko ay hindi siya sumasali sa mga ganitong event? Hayy naku naman oo. kung saan kasali ako, doon pa siya sumali.

Yung isa naman ay si Mr. Hammond. Yun yung lagi naming pambato na half-half. Half-American at half-Pinoy. Pero mas dominant yung traits niya as American. Ewan.

Pinatayo kami ni Mam sa harap. Ako ang huling lumapit sa harap kasi nahihiya ako. Hello!? Pageant iyon no!? Hindi ako bagay doon!

“Okay. Sila ang magiging representative ng section natin. So sana ay suportahan natin sila. Okay ba yun?”

“Yes.” Hay. Uto-uto talaga kahit kailan ang mga kaklase ko.

Akala ko tapos na, “Nga pala, ipapartner ko muna kayo.” hirit ng adviser namin.

*sigh

Hindi ko alam. Sino kaya ang gusto kong makapareha? Si Hexter o si Gerald? Naku!! Kahit isa sa kanila hindi pwede, si Nemesis na lang kaya sa akin?

“Ikaw.” Ako. “Si...” kinilatis niyang dalawa kung sino kina Hex at Gerald ang mas babagay sa akin.

“Ako po!” agad-agad na nagtaas si Hexter ng kamay niya. “Ako. Ako ang magiging partner ni Megan.” Tuwang-tuwang sabi niya.

“Kaso Hexter, sa tingin ko ay mas bagay kayo ni Nemesis na magkapartner.” Pakiramdam ko ay natusok ang puso ko sa sinabi ni Mam.

“Mas bagay po kaming dalawa.” At agad na hinawakan ni Hexter ang kamay ko. Anku! Heto na nama siya. corny talaga niya kahit kailan.

“Okay sige na nga. Mukhang may chemistry din kayo ni Megan.” Sabi ni teacher na parang yung sinabi niya ang labas sa ilong.

“Okay lang po Mam, si Gerald na lang po ang kapartner ko.” biglang sabi ni Nemesis at nakangiti sa amin.

“Sige. Sige. Ayan ayos na ah. Iinform na lang kayo ng organizer sa kung anu-ano ang gagawin niyo.”

After ng kahindik-hindik na pangyayari na iyon ay pinauwi na rin kami ni Mam Guevarra. Palakad ako papunta sa row namin kasi sa may bandang dulo sa may bintana ako nakaupo para kunin ko ang bag ko ta uuwi na ako. Kaso biglang hinablot ni Hexter ang braso ko. Malamang siya lang naman ang katabi ko. at siya lang ang pwedeng gumawa nun. Tsk tsk.

“Buti na lang tayo ang magkapartner.” Nakangising sabi niya sa akin.

“.....” Anong mabuti? Hindi ko kaya maintindihan ang sarili kapag ikaw ang kasama ko. pakiramdam ko, nakakalimutan ko na nasa loob ako ng katawan ko. gets niyo ba?

”Seloso ako.” Sabi niya. puzzled ako.

“At bakit mo naman sinasabi mo yan sa akin?” tatalikod na sana ako para kunin ang bag ko na kanina ko pa gustong kunin kaso hindi ko makuha kasi hinablot na naman niya ang braso ko.

“Sobrang seloso ako na hindi ko kakayanin na may kasama kang ibang lalaki lalo na si Gerald na iyon.” Seryoso ang mukha niya. Hayyy naku. May pagka-isp bata talaga siya.

“Si Gerald? Ano naman?”

“Ayyy! Basta! Ako lang dapat ang kapartner mo. Seloso ako.”

“Kailangan paulit-ulit?!” sabi ko. tinangka kong tanggalin ang kamay niya sa braso ko. gusto ko nang umuwi. Ayaw ko ng ganitong eksena. Mamaya may makakita sa akin dito. >///< binitawan niya ang braso ko pero sinalo naman niya ang palad ko. ang lambot ng mga kamay niya halatang hindi nagtatrabaho sa bahay. Naku!

Dug. Dug. Dug.

“OO. Seloso ako kasi mahal kita.”

>/////<

LOVEHATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon