CHAPTER 25 ** HE ALWAYS MAKES MY HEART POUNDS

67 0 0
                                    

3 more days.

“Hi Babes!!!”

Sa malayo pa lang kilala ko na kung sino yung taong iyon. Tss. Malamang. Siya lang naman ang nagiisa at walang katulad ee.

“Hi Babes.” Inulit pa niya nung tumabi siya sa tabi ko. kasalukuyan kasi akong nakaupo sa bench na malapit sa room namin. Wala lang. Ayoko kasi sa loob. Marami ng tao.

Siguro kung ikukulong sa isang compartment, hindi na ako magtataka kung makakaya kong mabuhay ng ilang taon ng mag isa.

“Hmmm.” Ayon lang ang response ko. nakakainggit naman ang taong nasa tabi ko, ang aga aga, ang taas na agad ng energy niya.

“Ang tipid mo naman magsalita. Pwede mo naman akong batiin ng “hello Babes.” Tapos Hmm lang.” Sabi niya. pagkatingin ko sa kanya, hala. Parang bata kung magtampo.

Kung titignan mo talaga si Hexter para talaga siyang hindi binata. Ewan. Oo. Isip bata siya. Pero hindi siya bata. Ugh. Ang gulo ko dun. Basta ayon. Hindi siya gwapo, hindi siya panget. Yung mukha niya yung hindi nakakasawang mukha. Ang amo kasi at bawat expression niya, talagang madadala ka. Tignan mo ngayon, nagdadrama siya, pakiramdam mo tuloy nakokonsensya ka. Hayy. Hexter naman ee.

“Huwag ka ngang tumingin sa akin ng ganyan.” >.< Masyado ba akong defensive.

“Ito naman. Joke lang. Nagtampo din.” Sabay akbay sa akin.

Ako naman si tanga, inalis agad ang braso niya sa balikat ko. Bakit. Una, naiilang ako. Pangalawa, baka masanay ako. Pangatlo, bumibilis ang tibok ng puso ko.

Ngayon pa nga lang ee. >.<

“Hahaha. Ang cute mo talaga.” Sabay pisil sa pisngi ko.

“Ano bang problema mo. Ano ba gusto mo.” Para naman akong siga sa tono ko.

“Baka sino.” Mabilis na sagot niya.

“Oh. Sino.”

“Ikaw.”

>.< Tentenenen.

Dug. Dug. Dug.

“....” Speechless ako. Kasi naman ee.

“I love you Babe. Pasok na tayo sa klase. Nandyan si Mam oh.”

Ano daw. I love you. Napakaimpulsive naman ni Hexter magsalita ng mga ganoon bagay. Kailangan ba niyang sabihin sa akin yun. Eh papasok lang naman kami ng room.

>.<

Huwaaa!

Lord, my heart. help me.

“Oh, natahimik ka.”

Paanong hindi matatahimik ee, bigla na lang niyang hinawakan ang kamay ko at hinila ako ng dahan dahan. Naglakad kami papasok sa room.

“Kayo na ba Mr. Hexter.”

As usual, nauna ang teacher sa amin dalawa. Nagdrama kasi ako ee. Tsss. I hate this feeling. >.<

Kailan pa naging interesado ang mga teacher namin sa status ng lovelife namin. Tss. Pati ba naman iyon mam, itatanong niyo. Nagulat kaming dalawa sa tanong ni Mam. At malamang siguro nagulat din siya nung nakita niya kaming magkaholding hands pagpasok.

“Three days na lang po Mam.”

“Three days.” Tanong ni Mam.

Awww. Ayan na. Ayoko ng ganito ee. Yung maraming nakakaalam. Tssk.

“Yes mam. Magiging kami po after three days.” Confident na sagot ni Hex.

Dug. Dug. Dug.

Nagpumilit akong pumigtas sa hawak niya kaso masyado siyang maagap kaya hindi niya ako pinakawalan.

>.<

“Ayeeee.” Pati mga classmates ko nakikilig. At isa pa si Mam na halos umabot sa tenga niya ang ngiti niya.

After ng exposure na yun, pinaupo na rin niya kami.

Mas mauuna akong umupo kay Hex kasi sa likod siya nakaupo. Bago pa ako pumasok sa row namin ay nagsign siya sa akin ng 3 sa daliri niya sabay kindat.

He’s always keep on reminding me.

Ganoon siya kaexcite.

Kaya nga hindi ko maiwasan ang kiligin ee. >.< hayy

LOVEHATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon