Chapter 26 **Liar

65 0 0
                                    

**Sa wakas at sembreak na namin. Puro research, production, term papers, reporting, quizzes na parang final exam sa Taxation, training design, analysis and implementation at marami pang mga requirements na talaga pamatay lalo na kapag sumasapit ang deadline. Mabuti na lang talaga at sembreak na. Thank you Lord ah. Kaso nga lang, nawawalan ako ng inspirasyon magsulat. Haha. Readers. Help me please. :)

2 days left.

Bakit parang ang bilis ng oras. Parang kailan lang nagconfess siya sa akin na may gusto siya sa akin tapos ngayon, 2 days na lang ang natitira. Tss. Makakawala ba ako.

Paano kaya kung hindi ko siya sagutin.

Hmm. Kailangan pa bang maghintay ng 2 days para lang maging OFFICIAL na KAMI.

Eh paano kung..

Argh!

Ang daming tanong.

Isang tanong lang naman ito db. Iyon ay kung mahal ko na talaga siya.

Gwapo siya. Sweet. Gentleman. Nagaaral ng mabuti.

Ano pa ba.

Halos lahat ng gusto ko sa isang lalaki nasa kanya. Hayy.

KISAME! Sagutin mo ako! Kulang na lang ay magpagulong gulong ako sa kama ko at saka paluputan ang katawan ko ng kumot ko para lang makahanap ng MATINONG sagot.

May pasok kami ngayon pero tinatamad pa rin ako bumangon.

“Megan! Bangon ka na jan!” sigaw ni Manang.

“Ehh! Naantok pa ako.” Pero ang totoo kanina pa ako gising. Hindi nga ako makatulog ee. Nababaliw na yata ako. Tinakpan ko ang tenga ko ng unan ko para di ko marinig si Manang. Pero parang nabingi ata ako sa sunod niyang sinabi.

“Bumangon ka na dyan.” Sigaw niya mula sa labas ng kwarto ko. “May bisita ka. Si.. Hexter.”

O.O

Whaaat!

Napabangon ako kaagad sa kama noong sinabi ni Manang yung pangalan ni Hexter. Teka. Baka nananaginip lang ako. Niloloko lang ako ni Manang. Haha. Tama. Joke lang yun.

Palapit na ako sa pinto.

“Babes.” Tok tok tok

OMG.

Hindi nga nagbibiro si Manang. Paniguradong nananaginip lang ako.

Nikapat ko ang tenga ko sa may pinto at pinakinggan ko ulit kung may tao o wala

“Babes. Ako ito.”

OM. This is so true. >.<

“Nananaginip ba ako.” Tanong ko.

“Hahaha. Kung buksan mo kaya ito.” Sabi niya sa may kabila. Binuksan ko naman.

Bago siya pumasok ay may kinuha muna siya sa may gilid. Ano naman kaya iyon. Ahh. Tray lang pala.

“Breakfast on bed.” Nakangiting sabi niya. nilapag niya yung tray sa bed ko. “Tara kain ka na.” Inayos niya yung spoon and fork. Nilagyan niya ng ulam. Etc.

Ako. Ayun, natulala.

“Ui, ano ka ba. Lalamig itong hinanda ni Manang sa iyo.” Tumayo siya at saka lumapit sa akin. Akala ko naman ay hahatakin niya ako papunta sa kama para kumain pero hindi. Kinuha niya yung ipit sa may wrist ko at saka itinali sa buhok ko. “Ayan. Okay na yan. Mahirap kapag kumain tapos nakaharang yung buhok. Alam mo Babes, kababae mong tao pero ang gulo ng kwarto mo. Haha.” Grabe ang nanglait pa. >.< “Iniisip mo ako kagabi no.”

“HINDI AH!” Napasigaw ako. WEW. Defensive.

“Hindi ka talaga pwedeng magsinungaling Babes. Haha.” WEW. Bull’s eye. “Tara na. Kumain ka na dito.” Dahan dahan niya akong hinila papunta sa kama.

Kumain lang ako ng kumain.

Yung feeling na di ka makakain kasi may nakatitig sa iyo. >.<

AWKWARD.

“Okay sige. Hindi na kita titignan. Hehe.” Hayyy. Buti naman. Ayun, nanood lang siya ng TV.

DEAD SILENCE.

Tinapos ko lang ang pagkain ko saka ako nagtanong. “Bakit ka nga pala nandito Hexter.”

“Hmmm.” Busy ata siya pinapanood niya. “Kasi.. wala lang. Namiss kita ee.” Sabi nia habang nanood ng TV.

>.< Pwe! Muntikan ko nang maibuga yung orange juice na iniinom ko dahil sa sinabi niya iyon.

“Ano nangyari sa iyo.” Nagtanong pa siya. kainis ah.

“Wala. Wala.” Kita mo naman db. Nasamid ako. Alam mo kung bakit. Kasi dahil sa iyo! Nakuuuu!

“Ayusin mo kasi paginom mo” sabi niya. Eh kung ayusin kaya niya ang pagsasalita niya. Tsk!

“Kinilig ka sa sinabi ko no.” Nakangising aso habang pinupunasan ng tulwaya ang labi ko. >.<

“Hindi no.” May nakaalala yata sa akin.

“Ako.”

“Che! Pwede ba yun. Kasama na nga kita maalala mo pa rin ako.”

“It’s either ako o si Hexter lang yun.”

“Korny mo.” >.<

“If i know, kinilig ka. Nasamid ka nga ee. Hahaha.”

Yung feeling na gusto ko na sapakin yung lalaking nasa harap ko kasi hindi ko na matake yung mga banat niya. Kinikilig ako. OO NA NGA!

“Silence means Yes.” Sabi niya.

“Whatever. Hindi applicable yun sa mga oras na ito.”

“Defensive masyado. Ayaw tanggapin ang katotohanan.”

“Ang aling KATOTOHANAN.” Tanong ko. Naku. Kung makatingin akala mo naman nasa hot seat ako.

“Na MAHAL mo na ako.”

O.O

“Ang hangin mo doon ah. Hindi kaya. Malabo mangyari yun.” Sabi ko sabay tingin sa kaliwa.

“Haha. Liar. Alam mo ba kapag daw ang tao, tinanong ko, malalaman mo lang kung nagsasabi siya ng totoo kung saan siya nakatingin. Dahil sa Left mo ikaw nakatingin, nagsisinungaling ka.”

Hit. Combo Hit.

>.<

LOVEHATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon