Chapter 21 Waaaaaah! Part 2**

113 1 0
                                    

Chapter 21

“Ahhhhh! Wag po!!! Please. Wag!!”

O...O

Multo nagsasalita?

Pagkadilat ko. Nakita ko yung babae sa harap ko. Nakaupo sa sahig, at nakharang yung braso niya sa mukha niya. Hindi ko makita ang mukha niya kasi natatakpan ng buhok niya ang buong mukha.

Kinabahan na naman ako.

Nagpapatay patay sindi na naman ang ilaw.

“Sadako?” pabulong kong sabi. Hindi ko pa din binababa yung walis na hawak ko. Maririnig mo sa tono ko na natatakot ako.

“Hi...” Magsasalita pa lang siya ay bigla ko na naman siya inambahan ng walis ko.

*paaaaaaaaaaaak!

Pero ang bilis niyang umilag. Tumama lang sa sahig yung walis. Sa sobrang lakas ay nasira yung plastic ng walis. Yung brush na lang at yung hawakan ang natira. Gets?

“Ate Tama na!!” naiiyak niyang sabi. Pagkakita ko, nasa kabilang pader na siya. This time, hindi na nakaharang sa mukha niya yung buhok niya. May pagkabrown yung hair niya at may bangs siya. Full. Ang masasabi ko lang ay ang cute niya para maging si Sadako.

“Tao ka?!” tanong ko.

“Oo naman ate. Ikaw? Tao ka?!” Hala. Akalain ba niya akong hindi nilalang?

“Oo. Kanina ka pa ba dito?”

Tumungo siya. Mukhang takot na takot siya sa akin. Hawak-hawak niya yung pader. Wala ni isa sa amin ang nagtangkang humakbang kahit isang hakbang palapit sa isa’t isa.

“Bakit ka nananakot?!” Masungit kong tanong?

“Hindi ako nananakot. May ginawa lang ako sa loob ng cubicle na ito.” Tinuro niya yung cubicle sa gitna. “Tapos may narinig akong kaluskos kaya unti unti kong binuksan ang pinto. Pagkakita ko wala naman tao. Kinakabahan ako non kasi baka may multo. Pero hindi multo ang nakita ko. isang baliw.”

“Aba!” Hindi ko napigilan ang sarili ko, humigpit ang kapit ko sa walis at inambahan siya ulit. Ganoon na naman ang eksena. Pinangtakip niya yung kamay niya sa mukha niya.

“Baliw ka! Pagkatapos kong marinig na bumagsak yung pinto na iyan ay bigla mo na lang pinaghahampas at sabi mo. “Tulong.”” Ginagaya niya ako habang nagkukwento. Tss. Walang originality. “Mas lalo akong nagulat noong hinawakan kita at bigla ka na lang nagwala. Dinamay mo pa yung walis na iyan.” Tinuro niya yung walis na sira sira na.

Oo nga. May point siya doon sa dinamay ko yung walis. Aba! Sino ba naman kasi ang hindi magiging paranoid sa nangyari? Pero siguro sa lahat ng mapaparanoid, ako lang yung gagamit ng walis panghampas sa multo.

>////<

“Teka nga, hindi ako baliw. At isa pa, e bakit ba kasi ganyan ang buhok mo? Ganyan kaya yung buhok ni Sadako! Hindi ka man lang ba nagsusuklay?!” Sabi ko sa kanya. Hindi ako galit. Hindi talaga.

“Wow aa. Nagsalita ang nagsusuklay.” Sabi niya habang nakafold ang mga braso niya.

Sabay kaming tumingin sa salamin na malaki sa loob ng Restroom.

Dead Silence.

Mamaya maya.

“Hahahahaha!”

Hindi ko alam pero bigla na lang ako natawa. Pati rin yata siya ay natawa sa eksena na iyon.

Halos maiyak na kami kakatawa pero hindi pa din kami tumitigil. Haha.

“Alam mo?” Habang pinupunasan ko yung mata ko kasi naiiyak na talaga ako kakatawa. “Ngayon lang ako nakatawa ng ganito.”

Mukhang nagulat siya sa sinabi ko.

“Weh? Di nga Ate?”

Tumango lang ako. Tumatawa naman ako pero hindi kagaya nito. Yung tipong sasakit yung tiyan mo kakatawa. Pati yung panga mo nangalay. At hanggang sa maiyak ka kakatawa.

Ang sarap pala sa feeling.

“Hayy. Hindi ka nga tao.” Sabi niya.

“Haha. Tao ako.”

“Oh sige na nga.”

“Napilitan?” sabi ko.

“Hindi ah. Jinojoke lang kita. Mukha ka naman talagang tao. Ang totoo nga niyan, sobrang nagagandahan ako sa iyo. As in.”

Nagulat ako sa sinabi niya. Tumingin siya sa akin na parang ngayon lang nakakita ng babae, eh babae rin naman siya.

?...?

“Weh??”

“Hahaha. Oo nga ate. Parang gusto ko din na maging kagaya mo. Kahit na hindi ka nagsusuklay. Ang simple mo lang kasi kaso baliw ka, pero mapagtitiisan naman.”

“Ano ba? Sasabunutan ko na ba ito?” sabi ko sa utak ko.

“Bibigyan mo na nga ako ng compliment, hindi mo pa nilahat.” Natawa kaming dalawa. “Hmm. Maganda ka din naman ah?”

“Tsss. Hindi naman daw eh.”

“Sino nagsabi?”

“Kuya ko.”

“Gusto mo, bangasan na natin?” Nakangiti kong sabi.

“Kaya mo?”

“Oo. mali ang sabihan ka niyang panget. Tapos kapatid ka pa niya. Ang cute mo kaya kamukha mo nga lang si Sadako.”

“Ate!”

“Hahaha. Quits na tayo.”

“Sabi ko nga.” Nakangiting sabi niya. “Susunduin niya ako mamaya, gusto mo ipakilala kita?”

“Okay lang. Basta hindi siya nangangain ah.”

“Hahaha. Hindi iyon. Pero mukha siyang halimaw sa sobrang tangkad.”

“Weh?”

Tumango lang siya.

“Okay lang ba kayo dyan!?”

“Ahhhhhhhhhh!” Nagulat kaming dalawa nang biglang nagbukas yung pinto ng CR at may matandang babae na utility ang pumasok sa loob.

LOVEHATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon