Chapter 62-63

77 0 0
                                    

Chapter 62

Hindi lang basta sampal at sabunot ang naranasan ko sa kanila. Bago umalis si Nemesis ay inutusan nila na pahirapan ako. Pinagsasampal ako ng mga tauhan niya. Kulang na lang ay tanggalan nila ako ng pisngi. Mga lalaki pa naman sila. May isang lalaki na inalis ako pagkakatali sa upuan at nilapit sa dram na pinasok ng ibang lalaki sa kwarto na iyon. Niloblob nila ako sa tubig na iyon. Ganito ang mga torture na napapanood ko sa mga movie. Hindi ko akalain na mararanasan ko ang mga ito. Kapag nakawala ako dito, hindi na talaga ako magdadalawang isip na patayin si Nemesis. Siya ang may kasalanan ng paghihirap ko sa buhay!

Nang mapagod sila sa pagpapahirap sa akin. Kinabit naman nila ang isang posas sa wrist ko na may kadena na nakakabit. Kinabitan nila ako sa dalawang kamay ko. hinang hina ako. Hinahabol ko pa rin ang hininga ko sa ginawa nilang paglunod sa akin. Kinabit nila ang kadena na iyon sa kisame kaya nakatayo ako habang nakaposas. Nakita ko na umalis ang leader nila sa kwarto na iyon. Naiwan lang ang ibang tauhan ni Nemesis. Nanlalabo na ang mga mata ko pero kahit paano naman ay nakita ko ang mga pangyayari. Malabo. At hilong hilo na talaga ako. Pakiramdam ko ay parang umiikot ang buong paligid. May isang lalaki na lumapit sa akin habang nagtatawanan silang lahat. Hinawakan ako ng lalaki na iyon sa maseselang bahagi ng katawan ko. Gusto ko siyang sigawan, murahin, tadyakan pero wala na talaga akong lakas para lumaban. Wala akong nagawa kundi umiyak. Gusto ko na lang sumuko.

“Bakit hindi niyo na lang ako patayin?” Sabi ko kahit na hirap na hirap na akong magsalita.

Tumawa ang lalaki na iyon. “Mamaya na. Si boss na gagawa noon sa iyo. At isa pa, pinayagan niya kami na maglaro muna dito.” Nakitawa na rin ang ibang lalaki.

Papatayin talaga kita, Nemesis.

Unti unti nang pumipikit ang mga mata ko. Ang sakit ng buo kong katawan pero hindi ko maigalaw kahit ang daliri ko sa paa. Patuloy pa din sila sa paglaro sa akin at sa pagtatawanan. Wala nang maitutulong ang pagluha ko. Ang hinihiniling ko lang ngayon ay isang himala para makalabas dito.

Nang may narinig akong malakas na kalabog.

*Booogsh

Tuluyan nang nawala ang paningin ko.

**

“Gaea.”

Naririnig ko ko ang pangalan ko. Tinatawag ako. Mamamatay na ba ako? Ito na ba ang katapusan ko?

“Gaea.”

“Gaea. Gising.”

Boses lalaki. Unti unti kong dinilat ang mga mata ko kahit na hapung hapo na ako. Parang kahit pagdilat ay hindi ko na kaya. Pero panay ang paguga niya sa ulo ko. at sa pagbanggit ng pangalan ko. gusto niya akong gumising? Parang mass gusto ko na lang na matulog. Habang buhay. Para walang pahirap sa buhay ko.

At hindi na rin ako maging pahirap sa iba.

“Gaea. Lumaban ka.”

Sabi ng lalaki. Yung boses na iyon? Lumaban daw ako.

Hexter?

Nananaginip ba ako? O nasa langit na ba ako?

Tinatawag ako ng lalaking iniwan na ako?

“Gaea. Please naman oh.”

Dinilat ko ang mga mata ko. sa boses na iyon pakiramdam ko ay nabuhayan ako. Hindi nga ako nagkamali. At si Hexter nga ang nasa harap ko. At akay akay ako.

Tuwang tuwa siya nang makita niya akong dumilat. Para isang tatay na nakita niya ang kanyang unang sanggol.

“Naku salamat sa Diyos ay nagising ka na.” Sabi niya.

LOVEHATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon