Chapter 8-- Dumbfounded**

166 4 2
                                    

Chapter 8-- Dumbfounded**

“What are you doing here?” I asked.

“Sinusundo ka.”

“Huh??”

“Inutusan ako ni Hex. Baka daw kasi mapano ka sa daan.”

“Nasaan siya?”

“May dadaanan pa kasi siya eh. Mauna na daw tayo. He just make it sure na safe and sound kang makakarating doon.” DOON. I  know what he means. So si Hex pala ang nag-utos sa kanya. Mabuti naman at pumayag siya?

“May taxi naman. Kaya ko namang pumunta doon mag-isa.”

“Iba na yung nag-iingat.” Nagusap kami habang naglalakad papalapit sa kotse niya. pinagbuksan niya ako ng pinto which is doon sa harap. Katabi niya.

AWKWARD.

Yeap. I admit it.

Katabi ko si Caeo? Kinausap ako? What the hell is happening here? Kakaiba.

Pumasok din naman ako sa loob ng kotse ni Caeo. This is my second time na sumakay dito. But the difference is, ngayon, katabi ko na siya. wala kaming imikan sa byahe. Okay lang din sa akin. Boring akong tao kaya wala akong maisip na topic. At ayoko din siyang kausapin. I’m tongue-tied kapag nandyan siya. mas okay pa sana kung si Hex ang nandito. Kahit namakulit siya, nakakusap ko pa din siya kahit papaano.

Nakarating kami sa Underground party ng walang imikan. Pinagbuksan niya ulit ako ng pinto at pumasok sa loob. Si Hex agad ang sumalubong sa akin.

“Sorry.” Bulong niya sa akin.

“Huh? Bakit?” tanong ko.

“Kasi hindi kita nasundo. May inasikaso kasi ako sa bahay ng parents ko.” sabi niya pero binulong niya sa akin. Masyado kasi malakas ang sounds at hindi kami magkakarinigan for sure.

“It’s okay. Sinundo naman ako ni Caeo.” Noong tinignan ko si caeo. Wala na pala siya sa tabi ko. hinanap ko siya sa crowd pero bigla na lang siyang nawala. Saan naman kaya siya pumunta? Hindi pa ako nagti-thank you sa kanya.

“Nandyan lang iyan.” Sagot niya.

Hinawakan niya ako sa may likod ko at pumunta kami sa may couch doon. Nandoon si Nemesis at iba nilang mga kaibigan.

“Hello Sexter.” Bati sa kanya ng babae na sobrang ikli ng damit at sobrang kapal ng make-up. Maganda siya pero naover lang. Kung hindi ako nagkakamali, Tricia ang name ng girl.

“Hahaha.” Nagtawanan ang iba nilang mga friends.

“Hey Sexter.” Bulyaw pa noong isa. Sa pagkakantanda ko, siya si BDAY boy, James. “Kamusta na Sexter?”

“Shut Up James!” naiinis na sabi ni Hex. Panay pa din ang tawa ng mga kaibigan niya. ako naman ay napapangiti kasi pikunin talaga siya sobra. “That’s not my name. It’s HEXTER.” He emphasized.

“Whatever. You’re still the flirtiest guy we’ve ever met.” Well, agree ako kay James doon.

“And the sexiest.” Dugtong naman ni Nemesis.

“Hahaha.” Nagtawanan silang lahat.

“What?? Sexiest, I agree. But, flirtiest? Kung flirt ako, paano pa kaya si Caeo??!!” napalingon kaming lahat kay Caeo na kasalukuyan nakikipagmingle sa TATLONG babae. Nag-thumbs up siya sa amin.

“Hahahaha. Undefeated na kasi siya.” Dugtong ni Eric na isa din nilang mga kaibigan.

“Hahaha. Tama.” Sagot naman ni Hexter. Hindi pa din niya inaalis ang kamay niya sa likod ko. i felt awkward. Pero minan iniisip ko na lang na iyon ang way niya para hindi ako ma-OP sa grupo nila. You know. Hindi ako mahilig makipagfriends. Siya lang naman ang nagtatiyaga sa akin. “At isa pa....” kinuha niya yung isang baso sa table na may laman alak at saka shinot. Lahat kami doon ay inaabangan ang sasabihin niya. “At isa pa, nagbago na ako no?”

“Weh??!!” banat ni James. Kahit ako hindi naniniwala.

“Yeap. And it’s all because of HER.”

HER?

I caught him staring at me. He’s too close. Wait. ME??

Then he kissed me on my left cheek.

O___O

LOVEHATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon