Chapter 32

50 0 0
                                    

Chapter 32

Alam niyo ba kung ano ang isang kinakatakot ko na mangyari sa akin ngayon? Yun ay mawala sa akin si Hexter. Ngayon ko lang naramdaman ang ganito. Mahal naman ako ni Manang, pero iba pa din yung pagmamahal na pinapakita sa akin ni Hexter. I feel complete whenever I’m with him.

Ito na talaga ang LOVE.

“Alam mo ba ngayon lang ulit ako nagseryoso sa isang babae.” Sabi niya sa akin habang nakahiga sa hita ko.

Nandito kami sa isang park na malayo sa amin para walang sinuman ang makakapagdistract sa moment namin lalo na ngayon parang ayaw ko nang matapos ang araw na ito na kasama ko siya.

“Talaga? Sino yung una?” Sabi ko habang hinahaplos ang buhok niya. Hindi ko mapigilang magtanong kahit hindi ko alam kung gusto niya ban a magtanong ako about sa mga past niya.

“Hmm. Sobrang tagal na noon. 5 years  ago.” Sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko.

Nakatingin din ako sa mga mata niya. “Wala akong pake sa nakaraan mo, ang mahalaga yung ngayon. Thank you kasi hindi ako napasama sa mga pinaglalaruan mo.”

“Haha.” Pinisil lang naman niya ang ilong ko. Aw. “Hindi ko magagawa sa iyo iyon. Mahal na mahal kita Gaea kaya hindi ko magagawang isama sa listahan ng mga chikas ko.”

“Wushu.”

“Oo nga. Halikan kita dyan eeh.” Banta niya.

“Oo na. Naniniwala na ako sa iyo.” Pero bigla na lang ako nacurious kung sino yung first love ni Hex.

“Haha.”

We stayed for that for an hour. Hours.

Noong gabing gabi na talaga saka namin naisipang umuwi. Ang dami naming pinagusapan. Mula noong bata ako hanggang sa nagtitinda ng rose na tomboy na panay ang alok kay Hexter. Haha.

Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng ganitong saya. Sana hindi na ito matapos pa.

Hinatid niya ako hanggang sa harap ng bahay namin.

“I love you so much Gaea. Wag mo akong iiwan ah? Alam mo ba natatakot akong magsawa ka sa akin.” Sabi ni Hex. Si Hex ba talaga ang kasama ko? ibang iba siya sa playboy na nakilala ko. Hindi ko napigilan ang sarili ko kaya niyakap ko na rin siya. Mahigpit na mahigpit.

“Alam mo ba na takot akong mawala ka sa akin? Mahal din kita Hex.” At niyakap rin niya ako ng mahigpit.

Bumitaw din siya at saka ako hinawakan sa baba at saka hinalikan. Pakiramdam ko ay nasa cloud 9 ako. Parang gusto ko siyang iuwi kasi ayaw ko na siyang pakawalan pa. Baka maagaw pa siya sa akin e.

“Hinding-hindi ako mawawala sau babe.” Then sealed it again with a kiss. 

LOVEHATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon