Chapter 11-- O___O**

145 4 3
                                    

Chapter 11-- O___O**

“Inom ka girl?” alok sa akin ni Tricia habang mag-isa ako nakaupo sa may couch na U-shaped.

“Huh?” Iinom daw? I know what she means. Kahit na maraming beses na ako pumupunta dito at palaging sila ang kasama ko, hindi pa ako umiinom ng alak or anything na nakakalasing. Juice lang okay na sa akin.

Inalok niya sa akin ulit yung isang drink.

“Ayaw ko.” sabi ko.

“Sige na, please?” Oh well, she’s a persistent person. Wala rin akong nagawa. Tinitigan ko ng matagal yung baso. Ano kaya lasa nito? malalasing kaya ako? Ano kaya mangyayari sa akin kapag ininom ko ito? Ang daming tanong sa utak ko. hindi ko alam kung ano naman ang mga sagot sa mga tanong na iyon. Malalaman ko lang yion kapag sinubukan kong uminom.

This is it.

Hinawakan ko yung baso. Malapit ko na iyon inumin kaso may biglang umagaw nito sa akin. Pagkatingin ko sa likod, si Hexter pala yung kumuha ng baso ko.

“BI ka masyado Tricia ah.” Sabi ni Hexter habang nakangisi kay Tricia.

“BI ka dyan?! Pinapatry ko lang sa kanya. Masarap naman iyan eh.” Inagawa ulit ni Tricia yung baso kay Hex at saka binigay sa akin ulit. Noong kukunin ko sana ay bigla na naman kinuha iyon ni Hex. Hay naku. Huwag sana silang magkapikunan.

“No. Ayokong uminom siya ng alak.” Sabi ni Hexter. This time, naging seryoso na ang mukha niya.

“At bakit? Over protective ka naman masyado?! Pa-boyfriend effect??” naiinis na sabi ni Tricia.

“Tawagin mo na akong Over Protective kay Megan. Wala akong pake. At isa pa,” tumingin siya sa akin. “Malapit na niya akong maging boyfriend.”

Tumawa ng malakas si Tricia. “Hahaha! Talaga??” ako naman ang kinausap niya. “Payag ka doon Megan? Masyado nsiyang KJ. Gusto mo ba ng boyfriend na ganoon? Naku! Huwag kang papayag!” sabi ni Tricia at saka shinot yung nasa baso kanina na pinag-aagawan nila.

“...” Ayun, wala akong naisagot. Kahit na ako ang bida sa kwento na ito, wala man lang akong naiambag sa conversation nila ni Hexter to think na ako ang unang kinausap ni Tricia. >.<

Umalis na din si Tricia noon. Kami na lang dalawa ni Hexter ang nakaupo sa may couch. Lumapit siya sa akin ng kaunti.

“Galit ka ba?” sabi niya sa malambing na tono. Nagulat naman ako sa tanong niya. maliban sa sweet tone niya na iyon na parang biglang nagpakakaba sa akin, ay bakit niya ako tatanungin kung galit ba ako sa kanya.

Umiling ako. “Hindi. Bakit naman ako magagalit sa iyo?” tanong ko. ang gulo talaga kahit kailan ng lalaking ito. Tinignan ko siya sa mata niya. Siguro kung hindi ko kilala si Hexter baka nagustuhan ko na siya sobra. Ang ganda ng mga mata niya. parang hindi nakakasawa tignan.

“Kasi, pinigilan kitang uminom.” Malungkot niyang sabi.

“Huh?! Naku! Okay lang yun. Ayoko din naman uminom eh. Napilitan lang ako. Thank you nga pala.” Sabi ko.

“Talaga?! Hindi ka galit?!” bigla na lang siyang nabuhayan noong sinabi kong hindi naman ako galit. Eh, hindi naman talaga kasi eh.

Umiling ako ulit. And bigla bigla na lang niya akong hinalikan sa cheeks.

O___O

“Ooops. Sorry. I can’t help it. Buti nga sa cheeks pa lang eh.” He paused. Akala ko tapos na yung sinasabi niya. “Next time sa lips naman! Hahaha.”

>///<

Ano bang nakain ng Hex na ito? At ang lakas ng tama niya ngayon para pagtripan ako?

“Ewan ko sa iyo.” Sabay irap. Iyon lang ginawa ko. iniba ko yung tingin ko.

“Huuuy. Megan naman eh.” Naku! Parang bata, nagpapacute ba.

“Ahh! Huwag mo nga akong kilitiin dyaN!” sabi ko. kinikiliti niya kasi ako sa tagiliran ko kasi hindi ko siya pinapansin.

“...”

“Joke lang Babes. Pero darating naman talaga yung araw na iyon eh.” Sabi niya.

Humarap ako sa kanya habang nakataas ang kilay ko. na parang ang sabi, anong sabi mo??!!

“Sagutin mo na kasi ako Megan..” pacute niyang sabi.

“....”

“Huuuy!”

“Ayoko.”

“Dali na..”

“Nanliligaw ka ba?”

“Hindi.”

“Edi, hindi kita sasagutin!”

“Hala. Naniniwala ka sa courtship.”

“Oo. paano mo mapapatunayan sa taong gusto mo na siya ang gusto mong maging Girlfriend?”

“Sus! I don’t believe on that. Like what Marcos said to Imela, his wife, he didn’t believe on courtship kasi he wants to court Imelda forever.”

“So gusto mo maging next Marcos?? Ganoon??”

“Yeap. I want you to know na mahal na kita. ngayon nga lang ako nagseryoso sa babae. And! Ngayon lang ako nanligaw.”

Napatingin ako sa kanya.

“Lagi kasi ako ang nililigawan noon.” Sabi niya at napatas na naman ang kilay ko sa sinabi niya. heto na naman si Mr. Yabang. Hayst. “Wala pa akong nahahalikan kahit sino, kahit sa cheeks at lips. Ikaw palang.”

“Hindi na mauulit iyon!”

“Anong hindi baka gusto mong...” kiniliti na naman niya ako.

“Ahh! Isa?!!”

“Say YES first.”

“No.”

Again.

“Ahhh! Isa ayoko ng kinikiliti ako sa tagiliran ko. Ahhh!”

“YES?”

“No.”

“Please??”

“....”

Tumayo siya sa couch. Naglakad palayo sa akin. After 5 steps, itinaas niya yung kamay niya at nagsnap. Huh? Ano naman kaya iyon? Baka naman nagbablack magic siya? Naglakad siya ulit pero pabalik na sa akin. Nagulat ako nang bigla siyang lumuhod sa harap ko. Hindi ko maintindihan ang nangyari nang bigla na lang nawala yung tugtog at may nakatapat na spotlight sa aming dalawa. mas lalo kong nakita yung buong mukha niya. gwapo siya. kahit sinong babae mahuhulog sa kanya. Mabait pa siya. hindi ko na rin namalayan na may biglang SLOW music na tumugtog habang nakaluhod siya. hindi ko alam kung sa DJ ba iyon galing o iniimagine ko lang?

“Please?” inulit niya ulit.

“...”

“Okay.”

“Anong okay?”

“Pagiisipan ko.”

Kinakabahan ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. halos ng lahat ng tao doon ay nakatingin sa amin at sumisigaw ng “Ayiiee” hay naku naman! Mind your own business guys!

“Pag-iisipan pa??” He paused. “After 1 week dapat nakapagisip ka na.”

“1 week?! Sandali lang iyon!”

“Okay 3 days.”

“I’ll go for one week.”

Then he hugged me. Hindi ko pa siya sinagot ah?! >///< Mas lalong umingay yung crowd after that.

LOVEHATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon