Chapter 33

65 1 0
                                    

Chapter 33

5 months na kami ni Hexter. Grabe. Hindi ko inakala na lalagpas kami ng isang buwan. Sa isang kagaya niya kasi na playboy syempre hindi maiwasang isipin na baka niloloko lang niya ako. Ang pinakamatagal lang kasi sa kanya ay 1 month.

Nagagalit nga siya sa akin kapag lagi kong inoopen ang topic na iyon. Ayaw niya yung nagdududa ako sa kanya. Ibigay ko daw ang buong tiwala ko sa kanya. Pero in the end of the day, mahal pa rin namin ang isa’t isa. Haha. Hindi naman tumatagal ang tampo niya sa akin. Kaunting lambing lang yun, magbabati na kami. Kaya niyang ibaba ang pride niya sa akin kahit na minsan ay kasalanan ko pa. palagi nyang sinasabi na mahal na mahal niya ako at ayaw nya akong magsawa sa kanya. Pero hindi niya naiisip na baka siya ang magsawa sa akin. Ang dami kayang magagandang babae sa campus na patay na patay sa kanya pero ang nakakatuwa at nakakakilig ay palagi niyang pinapakita at pinaparamdam sa akin na ako ang pinakamagandang babae sa mata niya.

I do really love this guy. Swear. Im so blessed to have him. Kaya Lord, sana hindi na siya mawala pa sa akin. Hindi ko kakayanin.

Going strong ika nga. Kayang tuwang tuwa ako na parang kamakailan lang ay naging kami na kahit na isang deal lang yun. Pero ngayon ay hindi na kami mahiwalay pa sa isa’t isa. Mas gusto pa nga daw niya na kasama ako kaysa pumunta sa bar at makiinom sa mga barkada niya doon.

Pinakilala ko na din siya kay Manang. At talaga gusting gusto siya ni Manang. Hindi lang dahil sa gwapo siya kundi talagang napakabait daw. Noong una hindi ako naniniwala. Pinaintidi sa akin ni Hexter na kaya lang naman siya naging ganoon ay dahil sa akin.

“Talaga? Hindi ako aware na binago kita. Hindi k aba nagsisisi?” Tanong ko sa kanya.

“Kasi mahal na mahal mo ako kaya naging ganito ako. Good boy na ako. At dahil yun sa pagmamahal mo babe. At kahit kailan hindi ako nagsisisi.” Ganito kami kaopen sa isat isa kaya natutuwa ako kapag ganito siya magsalita at talagang nakatingin siya sa mga mata ko.

Nakakakilig.

Nagbago din ang image ni Hex. Ang dating playboy at bad boy effect niya ay nawala. Nagpagupit din siya ng buhok. Mas maiksi na ngayon kaysa dati.

“Mas bagay sa iyo.” Sabi ko habang inaayos ang buhok niya.

“Talaga?” Habang inaayos naman ang buhok ko.

“Oo naman.” Nakangiti kong sabi. “Mas lalo akong naiinlove sa iyo.” Sabi ko. korni no? pero syempre gusto ko iparamdam sa kanya na special siya sa akin.

Napangiti siya sa sinabi ko. ang kulit pa naman ng mukha niya kapag kinikilig. HAHA. Pigil na pigil ang tawa.

“Kapag ganyan ka mas lalo din akong naiinlove sa iyo eh.”

Pinisil ko lang ilong niya. Ganito ako kapag kinilig, nananakit. Hahaha.

Ngayon, mag-isa akong pumasok. Nagtext siya kasi sa akin na nalate siya ng gising kaya nauna na akong pumasok.

**

Ngayon, mag-isa akong pumasok. Nagtext siya kasi sa akin na nalate siya ng gising kaya nauna na akong pumasok.

Nakakatuwang isipin na ilang buwan na lang ay gagraduate na kami. Yeahbah. Ang hirap kayang magaral lalo na kapag ang school niyo ay based sa international curriculum. Daig pa ang K+12. Pero ayos lang kasi naenjoy ko naman ang pagaaral ko sa academy na ito. Marami akong nakilala iba’t ibang tao na may iba’t ibang personalidad. At isa sa ipinagpapasalamat ko ay makilala ko si Hexter at si Nemesis na bestfriend ko.

Speaking of Nem, ilang buwan na rin kaming hindi nagkakausap. Palagi ko kasing kasama si Hex na tila ayaw nang mahiwalay sa akin. Nagyon nga lang kami hindi nagkasabay kasi nalate siya ng gising . paano naman kasi katawagan niya ako kagabi sa telephone. Siya itong nagaya pero siya naman pala itong hindi sanay sa puyatan. Akala ko ba party boy siya? Hindi ba dapat sanay siya sa puyatan. Sabi naman niya, matagal na rin kasi siyang hindi pumupunta sa club. Noon daw, umaga na siya na natutulog. Ngayon daw kasi, mas pipiliin pa niya na makausap ako gabigabi kaysa gumimik. As if naming hindi kami nagkikita sa room. Parang baliw no? pero syempre natatouch ako. Minsan ka lang makakilala ng isang lalaki na kayang baguhin ang sarili ang mga nakagawian para lang sa isang babae.

Going back to Nem, nandito siya ngayon sa quadrangle sa may kabilang gawi. Kasama niya ang boyfriend niyang si Gerald. Naguusap sila. Seryoso. At bigla na lang umalis si Nem at umakyat sa building namin. Nagiisa na lang noon si Gerald at mukhang malungkot siya. Lalapitan ko ba? Pero hindi naman kami close. Ano naman ang sasabihin ko sa kanya? Kapag naman tinanong ko kung ano ang pinagusapan nila ni Nem ay baka sabihin naman niya ay usisera ako. Sa kabilang building ako umakyat at dumaan sa bridge na nagdudugtong doon. Ewan ko ba? Pwede naman akong dumaan sa harap nila pero may something kasi na baka kapag nakita ako ni Gerald ay maisip niya na kanina pa ako nandoon at tinitignan sila. Paranoid? Ay basta!

Pagpasok ko sa room, as usual, magulo sila. Dumiretso na lang ako sa upuan ko. mabuti na lang at wala pa yung mga katabi ko kaya nakdaan ako ng maayos at walang nababangga.

Una ko syempreng hinanap si Nemesis. Gusto ko lang siyang kamustahin. Baka naman kasi galit na siya sa akin. O kaya nagtatampo kasi hindi ko na siya nakakausap ng palagi  eh. Pero nung tinignan ko siya sa upuan niya, wala naman siya doon. Papasok kaya siya? Akala ko pa naman pumasok na siya ng room. Bigla tuloy kong nalungkot at napaisip kung bakit seryosong naguusap sina Nem at Gerald. Naiwan pa si Gerald doo na malungkot. May problema kaya sila?

Gusto ko malaman. Gusto ko makatulong kung may problema man talaga. Pero paano?

Tinuon ko na lang ang atensyon ko sa pagbabasa ng History. Ngayon pa lang namin mamimeet yung teacher namin doon. Iba na rin pala ang searing arrangement namin ngayon pero kagay ng dati magkalayo ang seats namin ni Hex. Baka daw kasi maapektuhan ang pag-aaral ko sabi ng mga teacher ko kaya pinaghiwalay kami. Honor student daw kasi kaya kailangan magseryoso at huwag puro lovelife. Alam ko naman yun. Kaya ko naman pagsabayin ang studies at lovelife eh. At ang maganda niyan ay naiintindihan ni Hex ang situation ko na iyon. Nagtataka nga siya eh, may-kaya naman kami. Kaya naman naming bayaran yung tuition fee sa academy na ito. Malaki kasi ang binabayaran namin. Kumbaga sa restaurant, ambience ang binabayaran namin dito. Wala ka rin naman kasing masasabi sa mga facility nila dito. Kumpleto talaga. Pero bakit daw ganoon? Nagtatiyaga pa ako sa pagiging scholar ng academy nito. Pero syempre, proud na proud daw sa akin ang aking boyfriend. Ngayon lang daw kasi siya nagkaroon ng girlfriend na matalino talaga. Yung mga babae na dumaan sa kanya magagaling lang sa ibang bagay. Kunwari hindi ko naintindihan pero napagawayan namin iyon. Sabi ko, “Edi magsama kayo!” Ayun. Umatake na naman ang pagiging selosa ko. Sabi naman hindi na siya maghahanap pa ng iba. Weakness ko ang mga mata niya. Sobra. Nakakalimutan ko kaagad ang inis ko isang titig lang niya.

“Hello babe.” As usual si Hex. Ngayon lang siya dumating. “Mukha seryoso ka dyan ah?” Sabi niya sabay hawak sa kamay ko at hinalikan.

“Hmmm. Medyo.” Sabi ko.

“Ako naman pagaralan mo.” Nagtatampo ba siya kasi itong libro ang binibigyan ko ng atensyon? Kanina pa nga ako nagbabasa pero ni isa wala akong naintindihan. Foreword lang nabasa ko. kung bakit daw mahalaga ang History.

“Haha, Ang drama mo? Ano naman ang pagaaralan ko sa iyo?”

“Ang pagmamahal ko.” Alam niyo ang sarap batukan ng taong nasa harapan ko no?

“Haha, magtigil ka nga.”

Nagtawanan lang kami. Nagusap. Pati kung ano inalmusal niya kinuwento niya. Ang kulit. Pero he never failed to make me smile.

Dumating na din ang teacher namin. Unfortunately, ako ang tinawag niya sa kanyang first question, ever.

“What’s the importance of History, Miss Geronimo?”

Tanong niya.

It takes almost 1 minute bago ako magsalita. Inorganize ko pa kasi yung mga thoughts sa utak ko. Good thing is nakapaghintay sila sa sasabihin ko.

“As the saying goes, Yesterday is history. Tomorrow is a mystery. Today is a gift that is why it is called a present. History is essential for us to make us what we are today. For example, in the past I was just a simple student who doesn’t know how to smile, which is according to many people who knew me. But now, for some reason there is something, I mean someone, who puts an upright arc in my face.” Habang sinasabi ko ito ay napalinga ako kay Hex at nakita ko siyang nakatingin sa akin. “Again, history helps us to be what we are today. To be a better person who learned mistakes from the past. Because you can never be a perfect person, if you never know what’s your imperfection. For me, History is not a place to stay but a place to look back.”

Then I paused. I think it’s enough. Pinalakpakan ako ng lahat. Inasar pa ako ng teacher ko na pang-Speech Competition yung sinabi ko. Natawa lang ako sa kinauupuhan ko. hindi lang nila alam ang salitang INSPIRED.

LOVEHATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon